Habang sinasariwa ang mga alaala
Unti-unting pumapatak ang luha sa’king mga mata
Mga luhang dapat sana’y matunog na halakhak
Nahalinhan ng pait sa puso’y tumipak
Sa buhay minsan dumarating sap unto
Na ‘di na kayang kontrolin ang nadarama mo
Magkunwaring manhid at piloting ikubli
Na parang walang pakialam, tila walang nangyari
Anong meron ako na wala sila?
Anong meron sila na wala ako?
Bakit sa bulwagang gaya nito
Walang makapansin na narito ako?
Ako’y napadpad sa lugar na ito
Upang magsaya at ‘di para malungkot
Idaan sa sayaw and nais na paglimot
Ngunit walang may nais na isayaw ako
Sadya bang napakaordinaryo ng itsura ko?
Upang ‘di mapansin ng madla na ako’y narito?
Kulang bas a pansin o kinapos sa atensyon?
‘Di na malaman kung ano ako,
Anghel, Multo, o Tao?