TINTAGO

59 2 3
                                    

Pluma’t tinta’y naging antigo

Nalaos bigla sa pagbabago

Pinalitan ng mga alternatibo

Bakas ng nakalipas, sa’n na patutungo?

Hinalinhan ng taknolohiya na sadyang nakamamangha

Paksang tinatalakay mula sa banyaga

Kung sadyang ihahambing sa ating alibata

Mahihinuha mo ba kung may pagkakapareha?

Pluma’t tinta’y nananatiling antigo

Sa pagsulat nitong tulang binabasa mo

“Ballpen” na tinatawag ang panulat ko

Pluma at tinta sa dapat sana’y itinago

Aking binansagan sa ngalang TINTAGO

AGAM-AGAM. . .(ng PUSO"T ISIPAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon