DATI RATI

26 1 1
                                    

Dati rati masaya

noong tayo’y magkasama

Dati rati may text

at may tawagan pa nga

Dati rati may PM

at nababanggit sa GM

Pero bakit ngayon,

dati rati’y tila nabaon?

Di na ba kayang maipilit

at bigyan ng isa pang pagkakataon?

Hahayaan na lang bang maglaho

ang relasyong namumuo?

Dahil ba sa mga bagong kaibigan

kaya dati rati’y parang naglaho?

Panandalian lang ba

ang dati nating nasimulan na?

May pag-asa pa bang madugtungan

ang pagkakaibigang natatanaw?

O

matutuldukan na lang

at tuluyang magiging baliktanaw?

AGAM-AGAM. . .(ng PUSO"T ISIPAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon