YAPAK SA PANIBAGONG YUGTO

31 1 0
                                    

Mabilis ang panahon

sa bawat alaala

Kay bigat ng oras

kung hinaharap ay tinitingala

Sa bawat gunita,

pagsisisi ang nadarama

Kung iisipin nama’y bukas,

tila ba nakakabahala

Mga bagong yapak

sa panibagong yugto

Nagbabadyang luha

sa matang namumugto

Maikukubli mo ba

ang pagsusumamo

Na kusang namumutawi

sa mga mata mata mo

Naisin mang manatili

sa iyong kasalukuyan

‘di maitatangging

balang araw

ito’y iiwan

Uusad ang panaho’t,

di ito mapipigilan

Kailangan umusad,

nang tagumpay ay makamtan!

AGAM-AGAM. . .(ng PUSO"T ISIPAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon