Kung darating ang araw
Na bigla akong mawala...
Hahanapin mo kaya ako
O ibabaon na lang sa limot?
Kung darating ang araw
Na malungkot at umiyak siya...
Bibitawan mo ba ang palad ko
Para punasan ang mga luha nita?
Kung darating ang oras
Na nahihirapan ka na...
Hihingi ka ba ng tulong sa akin
O mananatili ka sa mga bisig niya?
Kung darating ang araw
Na ako na lamang ang natira...
Makukuntento ka na ba sa'kin
O hahanapin mo pa rin siya?
Kung tatnungin ka,
At papipiliin niya...
Ano'ng isasagot mo
AKO o SIYA?