TULAD NG SA TAO

35 1 1
                                    

May mga bagay na ‘di kayang imanipula

Tulad ng agos ng tubig sa ilog

Ng hampas ng alon sa dalampasigan

At pag-ihip ng hangin sa kapaligiran

Minsab kahit anong pigil mo sa kanila

Kusa silang nakaalpas para gawin ang nararapat

Hahanap at gagawa ng paraan para makatakas

Upang sa gayo’y tungkulin ay magampanan

Ang damdamin ng tao’y maihahalintulas sa kanila

‘Di nakokontrol at ‘di kayang pigilan ninuman

Gagawa ng paraan upang matugunan ang inaasam

At kusang gagalaw at titibok ang puso para sa minamahal

Ngunit kung pagtangi’y walang katugon

Mananangis ang puso tulad ng lobong umaalulong

Pagka’t kung naisin ma’y 'di na kaya pang ipilit

Tanggapin na lamang nang maluwag ang katotohanang sinapit

AGAM-AGAM. . .(ng PUSO"T ISIPAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon