Chapter 2

6 2 0
                                    

Marsin POV

"Bok san ka na nandito na ako sa mall anong oras na, nandito na ako sa Ayala Central Bloc." Habang busy ako sa kausap ko sa phone naglilibot muna ako sa loob ng mall habang hinintay ang kasamahan ko sa PNP.

Nandito kasi ako ngayon sa mall para kitain ang kasamahan ko PNP matagal - tagal na kasi kaming hindi nagkita kasi kakabalik ko lang ng Cebu nadestino kasi ako sa Maguindanao para tumutulong puksain ang pwersa ng rebelde dun, at sa kabutihang palad at gabay ng panginoon napagtagumpayan naman namin ang misyon duon.

Ako nga pala Lt. Marsin Veraque, 27 years old, bunsong anak ni General Maximo Veraque at Ellen Veraque, 6'0 ang taas, Muscular Body with 6 packs ABS, Moreno, at isa sa pinakabatang Lt. Dito sa Pilipinas. My dad is a general and my mom owned a company here in the Philippines. Yes mayaman sila Dad at Mom. Dalawang lang kaming magkakapatid ako at ang ate ko na si Marissa isang freelance model na nakabase na ngayon sa new york.
Habang naghihintay sa kaibigan ko, di ko maiwasan magmasid sa paligid ko gaya ng nakasanayan ko sa mga misyon dapat alerto palagi sa paligid.

Nakatawag ng pansin ko ang isang lalaking abala sa paghahanap ng libro sa loob ng National Bookstore.

Sadyang nakapagbighani ang dalawang pares na abo nyang mata. Di ko namalayan ang dalawa kong paa na unting unti na pala lumalapit sa lalaking pinagmasdan ko.

"Ahm Hi, how may i help you?" Nahihiyang saad ko dito at di ko maiwasan na mapakamot sa batok ko.

Dahandahang lumingon ang lalaking kanina ko pa pinagmamasdin sa gawi ko.

"Oh Hi , nothing, nagtitingin lang ako ng mga libro ni Nicholas Spark." Seryosong saad nito sakin.

Sa pagtitig ko sa kanyang mata, wala akong nakitang kahit ano mang emosyon doon, napaka misteryoso.

"Oh I see, kala ko may hinahanap ka baka kasi matulongan kita. By the I'm Lt. Marsin Veraque and you are?" I offer hand para makipagkamay sa kanya.

"Caile" nakipagkamay din sya sakin and damn ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko at parang huminto ang mundo ko nang maglapat ang kamay namin. "and I need to go, nice meeting you Lt."

"Nice meeting you too Caile." Ang lambot ng kamay nya, and damn those eyes are so hot. Magkikita rin ulit tayo Caile, naramdaman kung malapit na.

Sa loob ng mamahaling restuarant makikita mo dito ang masayang nag uusap ang dalawang magkaibigan. Di nila alintana na silang dalawang ang center of attraction sa loob mg restuarant dahil sa taglay nilang kakisigan.

"Bok, HOOYYY! Bok, ayos kalang ba? Bat ka ngiti ng ngiti dyan. Kanina pa akong daldal ng daldal dito di ka pala nakikinig. Ang lalim ng iniisip mo ah? Ano? Shoot mo na, sabihin mona sakin, Chicks ba yan?" Nang aasar na saad ng kaibigan ko.

"Wala to bok, wag mo na lang akong pansinin, kumain ka nalang dyan." Dahil sa lalim ng aking iniisip, di ko namalayang kanina pa pala ako tinatawag ng kaibigan ko ngunit di ko napansin. Dahil para akong tangang nakatulala at ngumingite. Hindi talaga maalis sa sistema ko ang lalaking nakilala ko kanina.

Calling........ Mom....

Habang kumakain biglang nag vibrate ang phone ko, kaya kinuha ko itong sa bulsa ng pantalon ko, nakita kung tumatuwag si mommy.

"Bok saglit lang ha sasagutin ko lang to tumatawag si mom."

"Sige lang bok."

(Answering Call)

"Hello mom, kumusta na po kayo?"

"Hello baby ko, ikaw bata ka di ka man lang dumaan dito sa bahay o nagpasabi man lang na nakabalik kana pala dito sa Cebu? Nakakapagtampo ka ah, Alam mo naman nag iisang baby kita." Nagdrama naman si mommy.

"Mom! Ano ba? Sabing di na ako baby eh. Sorry na mamaya sa bahay ako maghahapunan kaya wag ka nang magtampo alam mo namang mahal kita diba?." Pagmamaktol kong saad kay mommy. "Tsaka miss ko na rin ang maganda kung mommy."

"Tsee! Nangbola ka pa, ganyan ka naman lagi eh, kinakalimutan mo na agad may mommy kang nag alaalala at naghihintay sa pag uwi mo. Oh sya magpapahanda ako kay Selma ng hapunan, basta umuwi ka, wag mo akong subukan indianin bata ka. Malilintikan ka sakin. I love you too baby at miss na miss na kita." Ang drama talaga ng mommy ko.

"Mom kahapon pa ako dumating, tapos dumeretso nalang ako sa condo ko, kasi gusto ko lang magpahinga buong araw. Oo na nga po uuwi ako dyan mamaya. Sige na mom ibaba ko na po to, nandito ako ngayon sa Mall kasama ko ngayon si Martin."

"Mabuti pa yang kaibigan mo naalala mong kitaim kesa sakin na mommy mo. Ayaw ko na talaga sayo, nakakapagtampo ka na." Ang drama talaga ng mommy ko hahahaha.

"Mom promise uuwi ako dyan mamaya.. mga 6pm andiyan na ako at diyan ako matutulog mamayang gabi, at tabi tayong matulog miss ko na kasi magandang mommy ko." Alam ko paano paamuhin sa pagtatampo si mommy kaunting lambing lang.

"Oh sya wag mo na akong bolahin pa. Sige aantayin kita dito, bye na baby. Mwuahhh."

"Bye mom. Mwuahh"

Pagkababa ko sa tawag, ang mokong na kasama ko kanina pa pala ako pinagtatatawanan dahil kay mom.

"Oh anong tinatawa mo dyan? Wag kang tumigil, at ikaw magbabayad lahat ng kinakain natin dito."

"Ikaw naman bok, di kana mabiro hahahaha, puta baby? Bwahahahaha Nakakamiss si tita. Hanggang ngayon baby ka parin nya? Hahahah okay tatahimik na wala akong dalang cash dito eh, baka ako pa ang pagbabayarin mo sa bills. Ahahah sama ba ako sa dinner niyo mamaya?" With puppy eyes pa ang loko.

"Isa pag ikaw ayaw tumigil sa kakatawa, babaliin ko yang leeg mo. Ba't ka sasama di ka naman invited at tsaka baka mapatay ka ni mom kasi mas nauna pa ako nakipagkita sa sayo kaysa sa kanya na mommy ko raw." Saad ko dito.

"Oo nga pala bok, Wag nalang ayaw ko pang mamatay, sayang ang lahi ko. Iba pa naman magalit si Tita, naalala mo yung naglaro tayo sa mansion nyo tapos nasira ko ang alagang tanim ni Tita at pinahabol niya ako sa mga alagang aso ni Tito. Kala ko mamatay na ako eh."

"Bakit ko naman makakalimutan yun e epic yun eh, naihi ka pa nga sa salawal mo eh. Bwahahahaha kaya wag kanang sumama at di ka naman inimbita ni mommy, at tsaka akala ko ba may hook up ka na naman? Pang ilan mo na ba yan?"

"Oo nga pala bok, magkikita kami ni Stella mamaya. Di ko na mabilang kung pang ilan eh, alam mo naman madaming nagkakarandapa sakin. Hehehehe" Taas noo nitong saad sakin.

"Ang hangin mo ulol. Hahahaha "

Pagkatapos naming magbangayan at magkwentohan, napagdesisyonan nalang namin na tapusin na ang kinakain para makauwi na ako agad.

The Phoenix: "Z the fainted smile." (On-Going)Where stories live. Discover now