Chapter 9

2 1 0
                                    

Caile POV

Halos hindi na umalis si Lt. Veraque sa tabi ng binata simula ng iniligtas niya  ito sa kapahamakan kahapon. Dito na ito natutulog sa upuan sa tabi ng kama kung saan nagpapahinga ang binatang doktor, siya na din ang nagpupunas dito noong inaapoy ito ng lagnat. Halos mag buong araw na ito natutulog at hanggang ngayon hindi parin ito nagigising.

Unting - unti binaksan ni Caile ang kanya mga mata, at nakita nya ang Lt. namahimbing natutulog sa upuan nito, bakas dito ang pagod sa pagbabantay sa kanya. Napangiti nalang ang Doctor ng maisip niya kung gaano ito kapayapa pagmasdan habang natutulog, at sinusulit nalang niya ang pagkakataon na tignan ang mukha nito mula sa matangos na ilong, ang makakapal na pares na mga kilay, ang perfect jawline at ang mapupulang labi nito na kay sarap halikan. Hindi niya namalayan napapangiti nalang siya habang tinitigan ang mahimbing na natutulog na binata. Bigla nalang sya napabalik sa ulirat ng nagsita ito.

"Pogi ba?" Nakangising saad nito. Hindi maiwasan ng binata na lihim na mapangiti ng na aktuhan niya itong nakatitig sa kanya.

"Luhhhh asa ka." Pagtataray ko dito at inirapan ko nalang ito para matago ang hiya na naramramdaman ko ng mahuli niya ako pinagmasdan siya habang payapang natutulog.

"Pasensya kana ha at nakatulog ako. Kanina ka pa ba nagising? Kumusta na pala ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Nagugutom ka na ba? Gusto mo munang uminom ng tubig?" Sunodsunod na tanong nito sa akin at bakas sa mukha nito ang pag - aalala dahil sa sinipit ko kahapon.

"Ayos lang ako, salamat pala ha sa pagligtas mo sakin hindi ko na alam ang gagawin ko ng mga panahong yun, salamat talaga at dumating ka." Ang naiiyak na saad ko dito ng maalala ko ang nangyari kahapon na halos mawalan na ako ng pag - asa at inakala ko na kataposan ko na kaya di ko mapigilan ang mapaiyak.

"hush, hush, hush ayos na yun, wag mo nang isipin yun, ang mahalaga ligtas kana. Kaya wag kanang umiyak ang pangit mo kasing umiyak alam mo mas babagay sayo ang laging nakangiti." Pang aasar nito sa akin para mapagaan ang loob ko.

"Bwesit ka, gusto mo masapak. Kakagising ko lang, binibwesit mo agad ako." Nang gigigil ko na saad dito na siyang kinatawa niya.

"Seryoso, nagugutom kana ba? Saglit lang maghahanda lang ako ng makakain mo." Nakangiti nitong saad sa akin at agad naman itong tumayo at lumabas ng tent para kumuha ng makakain ko.

Napangiti nalang ako ng makalabas na ito ng tent, hindi ko akalain na sa lahat ng tao siya pa ang magliligtas sakin, at may tinatago palang kabaitan ang lalaking yon. Agad naman itong nakabalik na may bitbit na mga pagkain.

"Sige na kumain kana, susubuan nalang kita. Para hindi kana mahirapan sa pagkain, naka benda kasi ang isa mong kamay at hindi pa raw yan pwede igalaw masyado sabibng consultant niyo."Nag aalalang saad nito sa akin kaya napatango na ako dito.

Hindi na ako nakipagtalo pa dito dahil nagugutom na rin ako at totoo din naman nag sinasabi niya mahihirapan lang ako pagtinanggihan ko ang pa anyaya niya sakin. Mamaya nalang ulit ako makipag argumento kakain muna ako para may lakas naman ako kung sakali.

"Sige nganga na, dahan dahan lang medyo mainit pa kasi." Nakangiting saad nito sakin habang inilalapit niya ang kutsarang may kanin na inihipan niya.

"Solomoot" Nakangiti kong saad dito habang ngumungoya at napangiti nalang ako nang malunok ko ito dahil ni minsan hindi ko naisip na magpasubo sa isang lalaking.

Biglang nalang natulala si Lt. Veraque sa pagngiti ng binatang doktor at hindi niya namalayan na kanina pa pala nakabuka ang bibig ni Caile oara magpasubo ulit.

"Ahm Lt. wala ng laman ang bibig ko, ahhhh" Natatawang saad ko dito habang naka nganga

"Sorry, ito na." Nahihiyang saad nito sakin at lihim akong napangiti ng makita ko ang namumulang mga psinge nito at tenga.

Habang nagsusubuan ang dalawang binata  bigla nalang sila napatigil ng bumukas ang tent, at pumasok ang bestfriend ng doctor na nagdradrama at umiiyak pa.

"Geng. OMG! Finally gising kana salamat talaga, akala ko't napano kana, tinakot mo ako, akala ko mawawala ka na sa akin, akala ko mamatay ka nang hindi magkakajowa at madidiligan. Wag na wag mo nang uulitin yun ha" Pagdradrama ng bestfriend ko, with paiyak effect pa at nag walling pa. Napangiwi nalang akk sa kagaguhan ng kaibigan ko.

"Ahy sorry nag momoment pala kayo hindi niyo naman ako ininform, ay wait nagsusubuan pa. Sige ituloy niyo lang yan, dont mind me, I'm fine sige balik nalang ako pag tapos na kayo magSUBUAN." Nakangising saad ng kaibigan ko at pinalandakan talaga ang word na subuan. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa pinagsasabi ng kaibigan ko.

Nangmatapos akong pakainin, at pinainom na naman niya ako ng gamot para tuloyan ng mawala ang lagnat ko.

"Salamat, hindi ko akalain may ganitong side ka pala. I think we should start a new yung hindi puro asaran at pambwebwesit. Sorry pala kasi alam ko nasaktan kita ng physical dahil sa pambwebwesit mo sa akin. Friends na tayo?" Nakangiti kong saad dito sabay abot ng kamay ko upang makikipagkamay sa kanya.

"Sure, from now on, di na kita bwebwesitin at aasarin," Nakangiting saad naman nito sa akin  " Minsan nalang" Hindi niya maiwasang hindi matawa dahil sa hisura ko dahil nan gigigil talaga ako sa kanya akala ko ok na sana eh.

Napailing nalang ako habang pinagmamasdan ako ang lalaking ito habang busy sa pagliligpit ng mga kinainan ko. "Ang sarap pala magkasakit pag ikaw ang nag aalaga sa akin." Bulong ng isip ko habang nakangiting pinagmamasdan ito.

The Phoenix: "Z the fainted smile." (On-Going)Where stories live. Discover now