Chapter 5

2 2 0
                                    

Marsin POV

Pagkatapos namin kumain nag aya si daddy na mag shot pampatulog lang daw. Kaya dumiretso kami sa pool area at nagpahatid nalang ng inoming alak at pulutan kay Nana Sel.

P O O L    A R E A

"Nak, kumusta ang mission niyo sa Maguindanao?" Seryosong saad ni daddy sa kalagitnaan ng aming inoman.

"Ayos lang naman dad, kahit na may namatay sa mga kasamahan ko at nasugatan. Naitawid naman namin ng mabuti at natalo namin ang grupo ng mga NPA." Seryosong saad ko dito at inaalala ang hirap at pagod namin para lang malipon ang mga grupo na yon.

"Napakaproud ko sayo anak, di ko inakala na susundan mo ang mga yapak ko at congratulations Lt. Marsin Veraque, pagbutihin mo lang ang serbisyo mo at maging tapat kansa tungkolin mo at di magtagal ikaw ang papalit sakin bilang PNP Director General." Masayang saad naman ni daddy.

"Nako dad salamat pero ang layo pa ng lalakbayin ko para masundan ko ang mga yapak mo, ang layo na kaya ng narating niyo." Nahihiyang saad ko dito na siyang kinangiti ng ama ko.

"Nak maiba tayo may naibigan na ba ang binata kong anak? Kailan ka ba mag aasawa? Gusto na namin na magka-apo anak." Mapanuksong saad ni daddy sakin.

Biglang pumasok sa isip ko si Caile at ang maamo niyang mukha lalo na ang napaka - misteryoso niyang dalawang pares na mga mata.

"Wala pa akong natitipuhan dad eh, tsaka di ko pa naisip mag settledown. Career muna at dapat magiging Director General pa ako diba?" Nakangiti kong saad dito.

"Pwede mo namang pagsabayin yan anak, basta wag mo lang pababayaan ang mag ina mo kung sakali, dapat mag laan ka ng oras at araw para sa kanila." Seryosong saad nito at isang tipid na ngiti lang ang isinukli ko dito.

"Soon po dad." "Meron na sana dad kaso mukhang mahihirapan ako sa kanya." Sa isip ko.

Pinagpatuloy namin ang inuman at napag-usapan ang mga ibat ibang bagay gaya ng polika, mga kasalukuyang pangyayari na kinahaharap ng bansa natin at iba pa.

Pagkalipas ng ilang oras ay lasing na lasing na kami ni daddy kaya nagpasya kami na pumasok na at magpahinga. Magka - agapay kami ni daddy sa pag akyat ng hagdanan dahil kaunting pagkakamali lang sa pag apak baka sa baba kami pupulutin.

Tanghali na noong ako ay nagising, medyo masakit ang ulo ko dulot ng hang over kaya't di muna ako bumangon sa kama at nag antay muna ng ilang minuto bago tumayo at maligo.

Pagkababa ko sa hagdanan dinig ko agad mula dito ang paninirmon ni mommy. Pinagalitan kaming dalawa ni daddy dahil pareho kaming may hangover kaya di namin maiwasan na mapamukmok sa lamisa habang nakikinig sa mga sermon nito.

"Sa susunod na mag iinoman kayo matuto kayo mag kontrol sa sarili niyo, para di kayo magkakahang over kinaumagahan. Saglit lang at ipagtimpla ko lang kayo ng kape nang Mabawasan yang sakit ng ulo niyo at ipakukuha ko na rin kayo ng gamot sa sakit ng ulo kay Selma." Pagpuputak ni mommy saming dalawa ni daddy.

"Thank you mom." Nangiti kong saad dito habang yumayakap sa mommy ko.

Habang iniinom namin ni dad ang mainit- init na kape ay pinaalalahanan ako nito para sa darating na Community Immersion sa susunod na linggo na siyang kinatango ko nito.

Caile POV

O U T   P A T I E N T   D E P T .

"Kumusta napo nanay? Ilang araw na po yang ubo nyo?" Nakangiti kong saad sa matandang pasiyente ko.

"Nahihirapan po akong huminga doc pagnakahiga. Mag dadalwang linggo na ata ang ubo ko doc." Nalulungkot na saad ng matanda at minsan ay inuubo sa kalagitnaan ng pag-uusap namin.

"Nay, magpapa XRAY muna tayo ha, para makita natin kung may komplikasyon ba sa baga nyo at samahan natin natin ng sputum. Ipapa assist ko nalang kayo kay Nurse Jean." Nakangiti kong saad dito at agad ko namang tinawag ang nars na mag aasikaso kay Nanay. "Nurse Jean paki assist naman si Nanay sa XRAY Dept."

Sa sobrang daming pasyente ngayong araw di ko namalayan na lunch time na pala at kung hindi pa ako pinuntahan ni Geng baka hindi na ako makakakain ng tanghalian dahil sa sobrang kabusyhan.

"Geng busy ah? Tara na break ka muna, Ok lang naman kumain diba?" May pag - aalalang saad nito nang makalapit ito sakin.

"Oh geng sorry di ko namalayan yung oras sa sobrang dami ng pasyente. Saglit lang at tataposin ko lang to, tapos gora na tayo." Nakangiti kong saad dito.

Hindi na nagtagal baktas na namin ni Geng ang papunta parking lot kasi nagyaya itong mag lunch out libre daw niya kaya, aarte ka pa ba? Syempre grab na, isang daang piso din matipid ko nito.

"Sa pulang bubuyog ba tayo?" Biglang tanong ni geng sakin habang papasok kami ng mall

"Doon nalang tayo geng nag crave kasi ako ng manok nila." Nahihiyang saad ko dito.

"Ok tara doon na tayo. Ano bang gusto mong kainin ako na ang pipila para satin dalawa? Ako rin naman magbabayad kaya wag kanang mahiya, isang bagsakan nalang." Nang aasar na saad nito kaya di ko maiwasang makatapawa.a

"Ahm, Two piece chicken with extra rice, Coke Zero large, and chocolate sundae. Para isang bagsakan na lang talaga geng, paki hatid naman ako sa bahay mamaya ok lang ba?" Natatawang saad ko dito. Dapat sa ganyang pagkakataon sagarin na natin, bihira lang darating ang pagkakataon na ito.

"Wow ha pinangdigan talaga ang isang bagsakan? Wow geng kailan ka kaya matuto ng word na hiya?" Nang aasar na saad nito kaya mas lalo akong napatawa.

"Heheheh alam mo naman geng pagdating sayo di ko alam ang salitang hiya, ikaw kaya ang pinaka maganda at pinaka mabait na taong nakilala ko." Pambobola ko dito.

"hahaha iba ka talaga geng kaya love kita eh." Para bulateng inasinan na saad nito.

Habang kumakain ako, kanina ko pa napapansin na nakatitig lang sakin ang kasama ko.

"Bakit? Ba't hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" Tanong ko sa kanya habang busy ako sa kinakain kong balat ng manok na sinawsaw ko sa chocolate sundae. HEAVEN!

"Weird mo talaga kumain ng manok. Sarap na sarap ah? Anung lasa?" Naweweirdohang saad nito sakin.

"Gusto mo geng, matry mo masarap ito promise." Sabay abot ko sa kanya ng manok na sinawsaw ko sa sundae.

"Wag na geng ok lang ako. Sayo nalang yan
Ayaw ko mahawaan sa kabaliwan mo. hahahah" Natatawang saad nito.

Pagkatapos namin kumain agad din kaming bumalik sa hospital para taposin ang mga naiwang trabaho namin.

The Phoenix: "Z the fainted smile." (On-Going)Where stories live. Discover now