Chapter 4

2 2 0
                                    

Marsin POV

Pagtapos ng pagkikita namin ng kaibigan kong si Martin, napagdesisyonan ko na umuwi nalang muna sa condo ko bago pumunta sa mansion dahil may oras pa naman ako para makapagpabihis. Papunta na  sana ako ng basement ng mahagip ng mata ko ang nakilala kong binata kanina lang, masaya itong nakipag-usap sa isang pang lalaki na mukhang kaibigan nya. "Magtatagpo din ulit ang landas natin mahal ko." Bulong ng isip ko.

"Mahal ko? Erase, erase, erase."  Nababakla na ba ako? Hindi ako bakla nakaka attract lang ang mata nya. What I mean is na appreciate ko lang yung ganda nya yun lang yun.

"Umayos ka marsin. Bakit mukha akung defensive? Basta yun na yun.. attraction lang." Patuloy kong pakikipag-usap sa sarili ko habang naglalakad.

Napailing nalang ako, kasi na akong baliw na kinakausap ko ang sarili ko. Patuloy kong binaybay ang basement paputungo sa kotse ko. Bago ako nakarating kung saan nakaparada ang kotse ko, may nakita akong isang babae na may bitbit na mga groceries, papunta ito sa kulay puting sedan, at kita kong nahihirapan siya sa ginadala nya kaya nagpresinta na ako tulongan ito.

"Excuse me miss, i can help you." Seryosong saad ko sa babae.

"Oh hi, thank you, medyo mabigat kasi, kaya salamat sa tulong mo ha." Nahihiyang saad nito.

Kinuha ko ang mga pinamili niya at tinungo ang sasakyang niyang nakaparada sa di kalayuan. Habang baybay namin ang kotse niya. Di parin siya tumigil sa kaka Thank you sakin.

"Salamat talaga ah sa tulong mo at sadiyang mabigat lang talaga ang mga pinapili ko. Ano nga pala, ako nga pala si Kareen, ikaw anong pangalan mo?" Nahihiyang saad parin niya sakin.

Pagkarating ko sa sasakyan niya, agad naman niyang binuksannang compartment ng sasakyan nito at nilagay ko muna ang pinamili niya bago ko sya sinagot.

"Marsin miss, Marsin ang pangalan ko, at tsaka wala yun maliit na bagay lang naman yun." Seryosong saad ko parin dito.

"Ahm Marsin gusto mo mag kape, libre ko na para makabawi naman ako sa tulong mo. Nakakahiya naman kasi naabala pa kita ." Nahihiyang pag imbita niya sa akin.

Tinignan ko muna ang relos ko at doon ko napansin na kaunting oras nalang pala ang meron ako, "Wag na miss  maliit na bagay lang naman yun. Next time nalang may lakad rin kasi ako eh."

"Sige kung gusto mo sa susunod nalang. Alam ko naman magkikita pa tayo at hindi pa ito ang huli. Tsaka pwede bang mahingi ang number mo para may contact tayo sa isat isa?" Nahihiyang saad nito kaya lihim akong napalingo.

"Pasensya na miss ah di ko kasi memoryado ang number ko tsaka lowbat ang phone kaya ako nagmamadali para maka pagcharge. Salamat ulit sa imbitasyon aalis na po ako."

Kahit di naman talaga lowbat ang phone ko, di ko parin binigay ang number ko, kasi para sa akin di kasi appropriate kung ang babae mismo ang hihingi sa number ng lalaki.

Pagkapasok ko sa sasakyan agad kong binuhay ang makina para makauwi agad. Pagka lagpas ko sa babae kanina kita ko parin sa rear view mirror ko na nakatingin parin siya sa gawi ko kaya napailing nalang ako.

Pagkapasok ko sa condo ko agad akong pumunta sa kwarto para maghubad at makaligo. Bago ako pumasok sa banyo tinignan ko muna ang repleksyon ng buo kong katawan sa salamin. "Napakaperpekto talaga ng mukha at katawan mo Marsin kaya ang daming naghahabol sayo eh, di kalang magandang malalaki maginoo at mabait kapa. Bwahahaha." Pagbubuhat ko ng sariling bangko habang kinakausap ang sarili ko.

Bago ako lumubas ng condo tinawagan ko muna si mom para sabihing  papunta na ako.

Dialing Mom........

"Hello mom, I'm on my way na po. May gusto po ba kayo ipabili ng madaanan ko?" Masayang bati ko sa mommy ko.

"Hello baby boy ko, wala namn baby, ingat ka sa pagmamaneho." Masayang saad sa kabilang linya.

"Yes po mom. Ibababa ko na po ito mom. i love you po."

"Sige baby, i love you more baby boy ko."

Pagtapos ng pag uusap namin ni mommy agad akong umalis patungo sa mansion. Habang na sa daan ako may nakita akong flower shop kaya dumaan muna ako para makabili, pa consuelo ko kay mommy sa di ko pagpapakita sa kanya agad ng nakauwi ako galing sa misyon.

M A N S I O N   D E   V E R A Q U E

Pagkaparada ko ng sasakyan, nakita ko agad si Nana Sel, Kaya agad ko tinakbo ang kinaruruonan niya at isang mahigpit na yakap ang iginawad namin sa isat isa.

"Nana Sel namiss po kita, kumusta po kayo nana, bat parang di ata kayo tumanda?" Pangbobola ko dito. Si Nana Sel ay tinuring ko nang pangalawang mama ko, halos siya na kasi ang nagpalaki sakin lagi kasing wala si Mom at Dad sa bahay, pero bumabawi naman sila Mom at Dad tuwing weekend, kaya di ako nagtatampo sa kanila at naintindihan ko naman kung ba't laging wala sila sa bahay.

"Nako bata ka ang laki mo na at lalong gumagwapo ka ata? Tsaka nangbola kapa. Tara na nga naghihintay na ang mga magulang mo sa dining area. Pasok na tayo." Nakangiting saad nito sakin.

Agad kami tumungo sa dining area habang kaakbay ko si Nana Sel. Pagkapasok ko sa dining area agad ko nakita at binati si Mom at Dad sabay halik sa pisngi ni mommy at sabay bigay ng bulaklak na dala ko.

"Dad , Mom good evening po. Si Ate Marissa po?" Nakangiting saad ko sa kanila.

"Baby boy ko miss na nakita. Thank you dito mabuti naman at di mo ko nakalimutan dalhan nito. Kasi itong daddy mo di na nagbibigay na bulaklak sakin, wala ng ka sweet - sweet sa katawan baka may babae na ito, umayos lang yang daddy mo na di ko mahuli lagot sakin yan, sisiguraduhin ko putol kaligayahan nyan." Pagmamaktol ni mommy.

"Mahal naman, siyempre kayo lang ni Marissa ang babae sa buhay ko, di ko magagawa sayo yun, sadyang busy lang talaga ako, kaya nabawasan ang paglabing-labing natin at tsaka pag pinutol mo to, wala kana ring kaligayahan gabi-gabi." Panuknukso ni daddy kay mommy.

"Tseee! Bibig mo Maximo umayos ka nasa hapagkainan tayo. Ang tandatanda mo na maharot ka parin." Pagmiminaldita ni mommy kay daddy kaya di ko mapigilang mapangiti habang nakatanaw sa kanila.

"Matanda raw sino bang sumusuko satin pagnaglabing labing tay....." Di na pinatapos ni mom, si dad sa sinasabi nya at agad itong pinutol ni mom ng masamang tingin, si dad naman agad umamo na parang tuta, ganyan si dad, kung sa giyera di natatakot yan, pero kay mom tumitiklop yan.

"Ang sweet nyo naman mom, dad,? Di nga mom? Ikaw ba talaga ang unang sum---" di na ako pinatapos ni mom sa sasabihin ko at agad niya akong binato ng sandok.

"Hoy Marsin Veraque baka nakakalimutan mo na ako parin ang ina mo at nasa hapagkainan tayo? Umayos ka wag kang gagaya sa ama mong maharot." Pangangaral ni mommy sa sakin kaya napatawa nalang ako at ang laking ng ngisi ni dad na para bang proud na proud siya.

Pinagpatuloy na namin ang hapunan, tudo asikaso si mom samin lalo na kay dad, pinaghain pa niya ito ng kanin at ulam, ganyan si mom, hands on talaga siya sa amin kaya nga love na love namin yan. Habang kumakain kaminnag uusap din kami, kumustahan sa trabaho at iba pa.

"Mom si ate Marissa nga pala?" Seryosong tanong ko.

"Baby next month pa ang uwi ng ate mo, kaya dapat kompleto tayo dito, kaya ayusin mo na ang dapat ayusin, alam mo naman yang ate mo bihira lang uuwi kaya dapat kompleto tayong pamilya." Seryosong saad ni mommy.

"Yes po mom. Aayusin ko po agad wala pa naman kaming mission next month." Saad ko dito habang kumakain ng dessert na gawa ni mommy

"Anak Marsin sa susunod na linggo bakante ka ba?" Tanong ni dad sakin.

"Yes po dad, wala naman akong gagawin next weekend bakit po?"

"mabuti kung ganun, ikaw ang sasama para sa community immersion, kasama ang Appleone Visayas Medical Corp. sa iyang rural community para magbigay ng serbisyong medical at iba pa di kasi ako pwede next week kasi nakapangako ako sa mom mo na dadalawin namin ang ate mo sa L.A." Mahabang saad ni dad.

"Sige po dad, walang problema po, pakikumusta nalang ako kay ate, ingat po kayo dun."

Pinagpatuloy namin ang aming hapunan na puno ng tawanan dahil sa kabibohan nila daddy at mommy.

The Phoenix: "Z the fainted smile." (On-Going)Where stories live. Discover now