Chapter 12

1 1 0
                                    

Caile POV

Pagkarating ko agad sa bahay ay naabotan ko si mama na naglilinis sa sala agad ko naman itong nilapitan at niyakap sa likod para naman malaman niya nandito na ako.

"Nay, sabi ko naman sa inyo diba bawal ka mapapagod ba't naglilinis kayo ng bahay pwede naman ako na maglinis nito. Yung mga gamot niyo po wala ka naman nakaligtaan diba? Kumakain kaba sa saktong oras? Hindi ka naman nagpalipas ng gutom diba?." May pag-aalalang tatanong ko dito at agad naman ako nitong iginiya pa upo sa maliit na sofa namin.

"Nako naman anak hindi naman nakakapagod tong paglilinis. Tsaka oo naman hindi ko naman kinaligtaan ang mga gamot ko at pagkain ng sakto sa oras, takot ko lang sa doctor ko." Paglalambing naman ni nanay ng maka upo kami sa sofa.

"Nako nay, diba ngayon ang schedule mo sa check up? Bihis kana Nay samahan na kita." Nakangiting saad ko dito.

"Kakarating mo lang ah, hindi ka ba napapagod at magpapahinga man lang, kakarating mo lang sa biyahe eh?" Hindi matago ang pagalala ng ina ko, alam ko na ako lang ang nag iisang kayamanan niya.

"Nako Nay, hindi naman ako napagod at tsaka natulog lang naman ako sa biyahe pauwi. Nay walang salitang pagod at oahinga sa akin pagkalusogan mo po ang pinag-uusapan natin." Madamdaming pahayag ko kay nanay.

Natapos ang diskusyon naming mag ina, at ngayon papunta na kami sa Clinic sakay ng taxi at hindi nagtagal narating rin namin ang pupuntahan namin, agad naman ako nagbayad ng pamasahe sa taxi driver.

VELEZ MEDICAL ARTS

"Oh, maayos naman ang lagay ng Nanay mo, basta tuloy tuloy lang ito sa pag inom ng gamot niya. Tsaka reresetahan ko na rin ng Vitamins si Nanay ah" Nakangiting saad ng doktor ni Nanay sa amin ng matapos niya itong tignan.

"Salamat naman doc. Sige po mauna na kami sayo doctora. Sa susunod ulit na follow up check up ni Nanay." Nangiting paalam ko dito.

Habang papalabas na kami ni nanay sa Clinic ng Doctora, napag isipan namin na mag Mall muna para naman maka pagbonding kaming dalawang mag ina. Matagal na rin kasi kami huling lumabas, sa pagkakaalala ko noong graduation pa ko sa kolehiyo.

"Nay, Ayala muna tayo bago umuwi, matagal na din tayo nakapagbonding eh." Nakangiting saad ko dito.

"Sige Nak, tama ka din ang tagal na natin di nakapagbonding, saglit lang e text ko lang ang Tita Deborrah mo, para sabihin ko sa kanya na magbobonding lang tayo para siya muna ang magbabantay sa tindahan." Nakangiting saad ni nanay sa akin at agad naman kinuha ang lumang telepono nito para e text si Tita Deborrah.

Baktas namin ang papunta sa Ayala sakay ang taxi pinara ni Nanay. Hindi naglaon dahil hindi naman gaano ka traffic ngayong araw dahil Monday nakarating na kami sa Mall at inalalayan ko ang Nanay sa pagbaba ng taxi at magkahawak kamay pumasok sa loob ng mall. Sinulit naming mag ina ang bawat oras na magkasama, Nagwiwindow shopping, naglalaro sa arcade at ang pinakapaborito kaming gawain mag ina mula noon hanggang ngayon ay ang kumain sa paborito naming fast food chain, ang pulang bubuyog.

Hindi namin namalayan ang oras dahil pareho kaming nag enjoy sa bonding namin. Paglabas na kami ng Fast food gabi na pala kaya nag aya ako na umuwi na. Pauwi na sana kami ngayon ng bigla nagpaalam ang nanay na gagamit muna ito ng kubeta.

"Nak Saglit lang" Pagsalita ni nanay sa gitna ng paglalakad namin palabas ng mall.

"Bakit Nay, napagod naba kayo? Gusto niyo muna umupo?" Nag alalang ko dito.

"Ano kaba wag ka nga magalala OK lang ako, magpapaalam lang ako na magbanyo puputok na ang pantog ko eh" Natatawang saad ni nanay sa akin.

"Hay kinabahan ako sayo Nay kala ko napano na kayo. Samahan na kita." Saad ko dito at nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman kong ayos lang ito.

The Phoenix: "Z the fainted smile." (On-Going)Where stories live. Discover now