Prologue

12 2 0
                                    

"Mahal mo'ko? Ba't merong siya?
Sabi mo ako lang, bat siya na?
Nangako kang hanggang sa huli, bat iniwan mo ako sa ere?" Umiiyak na sambit ko sa kanya.

"I'm sorry, hindi ko sinasadyang mabuntis si Kareen."

"Sorry? Ang sorry ginagamit sa pagkakamali, at wag mo sabihing pagkakamali yun kasi kagustohan mo at ginusto mo yun, kasi may pinili kana at yun ang saktan ako at itapon ang tatlong taon na pinagsamahan natin."

"Please Caile, isang pagkakataon pa, ayusin natin to. Please Mahal nakikiusap ako sayo. Mahal na mahal kita. Wag mo naman akung iwan."

"Mahal? Ang sarap sa tenga sa tuwing sinasambit mo ang katagang mahal. Pero tama na. Ang sakit sakit na... Nakakatakot kanang mahalin... Nakakamatay. Pakiusap lang hayaan mo na ako at wag na wag mo akung susundan. Pinatay mo na ako , wag mo na akung patayin pa ng paulit ulit."

Habang nagmamaneho si Caile ng sasakyan hindi niya alintana ang lakas ng bugso ng ulan, na parang nakikisama sa nararamdaman nya.

Hindi nya namalayan isang truck na paparating hanggang sa minaubra nya ang kanyang sasakyan hanggang sa maluhog ito sa bangin.
Bago lamunin ng kadiliman ang malay ni Caile, bumalik ang mga masasayang alaalang pinagsamahan nila ni Marsin.

The Phoenix: "Z the fainted smile." (On-Going)Where stories live. Discover now