Chapter 10

2 1 0
                                    

Caile POV

Ito na ang huling araw namin sa Community Immersion kaya sinusulit nalang namin ang natitirang araw na ito para sa pamamasyal namin at magkasama kami nila Lt. Veraque, Doc Lem at Sargent Roa na mamasyal at maligo narin sa pinagmamalaki ng mga taga rito na talon, dahil sa community immersion naming uto ay nabuo ang pagkakaibigan naming apat.

Magkaka - agapay kaming apat habang bagtas namin ang maputik na daan patungo sa talon na kung tatawagin nila ay Maginhawa Falls. Napuno ng tawanan ang aming paglalalad dahil sa kakulitan nilang Srgt. Roa at ng kaibigan ko na si Dox Lem dahil laging nag aasaran ang dalawa. Mahigit 30 minutos ang aming nilakad para makarating sa Maginhawa Falls. Sobrang namangha kami sa nakita ng mga dalawang mata namin, napakalinis ng tubig at napapalibutan pa ito ng mga naglalakihang puno, may mga ibon din na nagliliparan sa tutok ng talon napakagandang pagmasdan ang tubig na dumadaloy dito na nagmula sa taas. Napakalinaw rin ng tubig dahil makikita mo ang mga maliliit na isda sa ilalim nito.

Agad namang nag - aya sila Srgt. Roa at Doc Lem na magtampisaw pero mas pinili nalang muna namin ni Lt. Veraque na magpahinga muna saglit dahil medyo hinihingal ako sa aming paglalakad kaya napagpasyahan muna namin na umupo sa bato at mag kwentohan habang nakatanaw sa dalawa pa naming kasama na nagtatampisaw at nagkukulitan habang naliligo.

"Uuwi na tayo mamaya. Ano na ang plano mo pagdating natin sa siyudad? Gusto mo labas tayo minsan." Pagbubukas ni Lt. Veraque ng usapin habang kinakain ang dala naming saging.

"Gusto mo lang ako makasama eh." Nakangiti kong saad dito.

"Paano kong sasabihin ko sayo na gusto ko nga makasama ka?" Agarang sagot naman nito sa akin, na naging dahilan para matahimik ako at mapulahan ng dalawang pisnge.

Hindi ako nakasagot sa tanong nito. "Nyeta nasupalpal ata ako ba't ko pa kasi sinabi open. Ano bang nangyari sayo self? My god saan na ang pagiging Maria Clara mo?" Pakigpag usap ko sa sarili ko kaya agad ako huminga ng malalim.

"Tsee! Tumahimik ka nang aasar ka na naman." Natatawang saad ko dito at tumawa lang ito pero may parte sa isip at puso ko na sana totoo ang sinabi nito.

"Seryoso Doc, babalik na tayo mamaya ano ang plano mo pagdating sa siyudad?" Seryosong saad nito.

"Siyempre, Balik sa realidad na papasok at mag tratrabaho pag may free time." Seryosong saad ko dito habang nakatanaw sa umaagos na tubig.

Napagpasyahan namin na kumain muna kaya tinawag ko muna ang dalawang naliligo.

"Geng, Sgrt. Roa mamaya na yan kumain muna tayo." Sigaw ko sa kanila dahil nasa medyo malayo na sila at agad namang sumang ayon ang dalawa sa sinabi kong kumain muna at nag unahan pa sa paglanggoy pabalik dito sa kinalalagyan namin.

"Gala tayo pagdating sa siyudad may bagong bukas na bar daw don sa TCH." Masiglang saad ng kaibigan ko habang puno pa ang bibig nito sa kinakain.

"Weeeehhhh, gusto mo lang makita at makasama si Srgt. Roa ehhhh, kami pa niloloko mo geng.Tsk.. tsk.. wag ako geng kilala kita." Natatawang sagot ko dito sa kaibigan ko kaya napahalakhak nalang kami ni Lt. Veraque dahil nasamid ito.

"Gwarkkk!" Agad naman itong inabotan ni Srgt. Roa ng tubig at agaran din naman niya itong tinanggap at ininom.

"Grabe ka naman sa akin geng. Nakekeheya beke ane ne sesebehen ni Srgt." Pagpapabebeng sagot naman nitong kaibigan ko sakin kaya napatawa ulit kami.

"Totoo naman ah, Hindi kaya ako marunong magsinunging." Nakangising saad ko dito.

"Grabe ka naman sakin geng, wag mo naman ako ipahiya kay Srgt. Roa." Pabebeng pag depensa ulit nito at agad itong tumayo para maligo ulit.

"Nagdrama pa hahahaha" komento ni Srgt. Roa.  "Hoy sandali Doc Lem sama ako saan ka pupunta." Sabay habol nito sa doctor.

"Uuwi na tayo mamaya at babalik na sa kanya kanyang mga buhay natin, pwede bang mahingi ang number mo, para naman may komunikasyon parin tayo, at makapag pamasyal naman tayo minsan." Seryosong saad nito Lt. Veraque sa akin habang tinutulongan ako sa pagliligpit ng mga basura namin para dalhin pabalik.

"Sige ok lang naman sa akin numero lang pala. Ang sarap sa feeling no na makatulong ka, at sobrang nag enjoy talaga ako dito, yung accident na nangyari sakin not included yun ha." Nakangiting saad ko dito at ibinigay dito ang digit ko.

"Oo nga eh ang sarap sa pakiramdam at gusto kong mag volunteer ulit sa susunod na immersion." Nakangiting saad nito sa akin at sinuklian ko lang ito ng ngiti rin

Pagkatapos namin magligpit ng basura ay bigla nalang nag aya si Lt. Veraque.

"Doc, gusto mong maligo? Sasamahan kita." Nakangiting pag aya nito sakin.

"Nako, wag n Lt. hindi ako marunong lumangoy, dito nalang ako manunuod nalang ako sa inyo." Nahihiyang saad ko dito, hindi talaga kasi ako marunong lumangoy madali kasi pulikatin ang benti ko.

"Tara na doc ako bahala sayo, kapit ka lang sa akin. Hindi naman tayo pupunta sa malilim na parte. Gusto ko sana ma enjoy at maranasan mo rin ang talon dito, di naman gaano kalamig ang tubig. Tsaka kasama mo naman ako at tignan mo ang tubig ko inaaya ka maligo." Pamimilit nito sa akin, at hindi talaga ako tinigilan hangga't hindi ako pumayag kaya nagdesiyon ako maligo na rin dahil tama nga rin ito. Pagtitingin ka sa tubig para itong nag aanyaya sayo na maligo dahil sa sobrang linis at kumukislap pa pag nasisinagan ng araw.

Inienjoy namin ang nalalabing oras namin dito sa Barrio Sta. Lucia sa pagliligo sa talon, at hindi talaga ako pinabayaan ni Lt. lagi lang itong naka agapay sa akin at minsan tinuturuan pa ako nito na lumangoy.

Hindi nagtagal napagpasyahan namin na bumalik na ulit sa tent para narin mailigpit na ang mga gamit namin at makatulong narin sa paglilinis ng buong are. Masaya naming nilakad ang daan pabalik habang nagtatawan at nag kwekwentohan.

"Geng na ligpit mo na ba ang lahat ng gamit mo? E double check mo baka may makalimutan ka." Pagpapaalala ni Doc Lem sa akin kaya napangiti ako nito.

"Yup tapos na, ikaw ba?" Balik na tanong ko dito.

"Not yet, but almost done na at geng ikaw nalang magligpit sa tent natin hindi ako marunong eh." Nakangiti nitong saad sa akin kaya hindi ko mapigilan pisilin ang pisnge nito dahil alam ko naman kaya ito nag tatanong kung tapos na ba ako kasi may ililigpit pa pala.

Habang nagliligpit kami ng gamit bigla nalang nakuha ang atensyon namin kay Lt. nang lumapit ito sa amin.

"Doc Lem, pwede ba mahiram saglit ang kaibigan mo, may sasabihin lang ako." Nahihiyang saad ni Lt. sa kaibigan ko

"Sure, geng I'll take my graceful exit muna, wag mo isuko ang bataan ha?." Pang aasar sa akin habang tumatawa.

"Gago, loko ka talaga" natatawang saad ko dito, saka binalingan ang Lt. pagkaalis ng kaibigan ko. "Yes Lt.? Anong atin?" Tanong ko dito habang pinagpatuloy ang pagliligpit ng tent namin.

"Ahmm" Napakamot pa ng batok, dahil nauutal sya. "wala, I just want to say goodbye, and see you soon sa siyudad and Take care." Nahihiyang saad nito sa akin at bakas sa mukha nito ang nahihiya dahil namumula naman ang mga pisnge nito at tenga.

"Salamat, ikaw din, ingat ka and see you soon." Ang nakangiting ko dito at niyakap ito bilang pagpapasalamat ko sa kanya para sa lahat lahat ng tulong nito sa akin na siyang dahilan para matigilan ito.

3rd Person POV

Pagkatapos yakapin ng doctor ay hindi parin nakagalaw si Lt. Veraque dahil sa nangyari , at nakatanaw lang ito sa palayong bulto ng binatang doktor.

"Ingat ka lagi, kasi mamahalin pa kita at bubuo pa tayo ng sarili nating pamilya." Sa isip isip nito habang hindi mawala - wala ang ngiti nito  habang nakatuktok sa binata na kausap ang mga kasamahang doctor at sumakay na sa saksakyan.

The Phoenix: "Z the fainted smile." (On-Going)Where stories live. Discover now