14

368 12 1
                                    

Nagising na nalang ako sa boses ni Zen na tinatawag akong midget.

Ang aga aga pa bakit ba parang nandito lang sa kwarto ko kasama si Zen?

And then the realization hits me.

Agad agad akong napabangon nang matandaan ko na nasa kwarto pa la niya ako at nandito ako sa bahay nila. Tinawagan at pinapunta pala ako ni tita dito sa kanila and nalaman ko rin na Zen had an accident a week ago.

"Glad you're awake. You sleep like a log. Get up and wash your face. The breakfast is ready and bilisan mo na lang at baka malate ka pa sa work mo. Lalabas na ako. I'll be waiting outside."

Tinanguan ko naman siya and agad na akong dumiretso sa banyo niya para maghilamos na. Mabuti na lang at may spare na toothbrush sa cabinet ng cr nila for me to use.

Binilisan ko talag ang paghihilamos ng aking mukha dahil alam na alam ko n ayaw ng makupad ni Zen.

Nakita ko naman si tita na nasa sala kaya agd ko naman itong binati ng magandang umaga.

"Oriol bilisan mo na at kanina ka pa hinihintay non sa table."

"Kayo po tita di niyo po ba kami sasabayang magbreakfast?"

"Hindi na. Kanina pa ako nagbreakfast and look at the clock, ano ng oras oh? Zen never skips his breakfast kaya nga nagtaka ako bakit di pa siya sumabay sa akin kanina. My son really loves you."

Hindi ko naman malaman kung ano ang isasagot o sa mga huling salitang binitawan ni tita.

Napangiti na lang ako at nahiya. Agad na rin akong nagpaalam dahil baka namumula na pala ang aking mukha.

Agad na akong dumiretso sa dining area ng kanilang bahay. Hindi pa rin ako masanay sanay sa laki ng dining area nila. Lalo naman ngayon na alam kong kaming dalawa lang ni Zen ang uupo sa napakalawak at napakahabang mesa dito.

"Sit. Let's eat already. Kanina pa ako gutom ang tagal mo kasi."

Di na lang ako nagsalita. Ang bilis ko kayang naghilamos.

Typical na breakfast ang nasa hapag namin ngayon. Fried eggs, bacon and sausages. Sinamahan pa ng mainit na kape.

Agad na akong kumuha ng pagkain at sumubo na. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay napansin kong tila bakit ang bagal bagal ni Zen na kumain. Then tumingin ako sa kanya and I saw him struggling na kuhanin ang pagkain na nasa kanyang plate gamit ang mga utensils.

Sumabay pa na nabitawan niya ang kutsarang isusubo na sana niya ng kanyang bibig. Lumikha ito ng malakas na tunog dahil napakatahimik rin namin at ng lugar.

I saw his frustrated face and first time kong makitang nagsstruggle siya sa isang bagay. Suddenly my insticts kicked in and agad akong tumabi sa upuan niya at pinulot ang kubyertos na nahulog.

"Let me help you." Ang pagprisinta ko ng tulong sa kanya.

"I can manage. Just go finish your own food." Ang naging sagot naman ni bugnutin. Tila mas naging nakaka inis siya ngayong may injury siya kaysa sa dati na normal siya.

Hawak hawak ko na ang kutsara niya at nalagyan ko na rin ng pagkain at isusubo ko na sana sa kanya nang kinuha niya sa akin ito pero dahil hirap pa nga siya dahil sa kanyang injury kaya naman hindi niya maayos na nakuha sa aking kamay at muli na namang nahulog ito. Ang masama pa ay sa akin ito natapon.

Di naman ako nagalit sa kanya. Pero nainis ako sa mga sumunod niyang sinabi.

"Ayan kasi! Sabi ko ng kaya ko na!" Tila mas nainis pa siya sa akin eh ako na nga ang nagmamalasakit sa kanya.

"Tapusin mo na ang pagkain mo and just go!" ang dagdag pa niya. Talagang gusto niya akong paalisin.

"Zendo! Nakakainis ka na! The last time I remember is di mo man lang ako sinabihan kung ano ang nangyari sayo at kung hindi pa dahil kay tita ay di ko pa malalaman ang nangyari sayo. Tapos ngayong tutulungan lang kita sa pagkain mo dahil nakikita kong nahihirapan ka, ikaw pa tong may ayaw at gusto mo pa akong paalisin na kaagad! Fine if this what you want then so be it."

Tumayo ako sa aking upuan and wala ng anu-ano pa ay naglakad na ako papunta sa taas sa kwarto niya at kinuha ko lang ang mga damit ko at nagdire diretso na ako palabas sa kanilang bahay.

Nakita ko pa siyang nakatayo sa sala. Nagkatitigan pa kami. Ako naman na tanga at akala ko ay may sasabihin pa siya para pigilan ang pag-alis ko ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang panoorin lang ang pag-alis ko.

"Zen" narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko ngunit wala na at pumunta na ako sa kotse ko at nagmaneho na pauwi sa amin.

*****

Naibagsak ko na lang ang kubyertos na hawak hawak ko nang tuluyan na ngang umalis sa bahay si Oriol. I was just so fucking messed up. Naibuntong ko sa kanya ang inis ko dahil sa di ko na nga magawa ang mga normal na ginagawa ko noon dahil sa naging accident ko.

Di ko na tinapos ang aking pagkain at ako ay muling nagmukmok na lang sa aking kwarto.

Sa totoo niyan ay gusto ko siyang tawagan at mag sorry sa mga nagawa ko pero hindi ko na lang tinuloy dahil mas magiging okay na muna siguro ito na huwag muna kaming magkita lalo na at baka maibuntong ko lang sa kanya ang mga frustrations ko.

Araw araw lang akong nasa kwarto at di lumalabas simula ng aking accident. Even tho na nasa gantong sitwasyon ang katawan ko ay paminsan minsan ay chinecheck ko pa rin ang mga nangyayarin sa aking company.

Kahit na ilang beses na nga akong binawalan ni mama at alam kong si kuya muna ang naghahandle sa company ko ngayon ay tila na feel kong nawala ang silbi ko. Dumagdag pa sa isipan ko ang di pagkakaunawaan namin ni midget this past few weeks.

Umabot hanggang sa lunch ay nakahilata lang ako at umiikot lang ang isip ko sa ibat ibang mga bagay hanggang sa tawagan na nga ako ni mama para lumabas na at kumain na.

Sinabi kong wala akong gana dahil sa nangyari kanina pero napilitan naman akong tumayo nang sabihin niyang may bisita daw ako.

Ako naman ay nagtaka kung sino ito? Wala namang nakakaalam kung hindi ang pamilya ko lang sa nangyari. At ang alam ng sa kumpanya ko ay nasa isang business meeting ako sa ibang bansa kaya ang brother ko ang naghahandle ngayon.

Ako ay tumayo na at dumiretso na sa dining area namin.

Ako ay nagulat na lang kung sino ang dumating.

Zendo And OriolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon