10

515 21 5
                                    

*****

Ako at si Zen ay gumising na matapos ang nakakahiyang eksena kanina sa kama.

Di na kami nagbreakfast sa kanila at uminom lang kami ng coffee dalawa.

Dahil wala akong pamalit na damit at kailangan ko ng pumasok sa trabaho, umalis kami ni Zen sakay sakay ako sa kanyang kotse. Naiwan kasi ang car ko sa company parking namin nang hilahin ako ni Zen kahapon para dalhin sa kanila.

Wala rin akong pamalit kaya diretso hinatid niya ako sa bahay samantalang sina mom at dad ay umuwi rin pala kagabi sa amin together with my other family members.

Dahil ako ay bunso sa pamilya, kahit na lalaki talaga ang kasarian ko at nagpakalalaki na ang itsura ay babae pa rin kung ituring sa amin.

For almost seventeen years ay kumilos akong babae kaya hanggang ngayon ay ganon pa rin ang turing nila sa akin.

Nagpupumilit nga ako na tumira na sa ibang bahay simula ng mag-work ako sa company kaso nga lang ay di nila ako pinayagan kesyo ang dami daw nilang mga reasons.

Even my kuya's, imbis na suportahan ako sa decision ko ay tinraydor nila ako kaya heto sa bahay pa rin ako nina mom at dad nakatira.

Sa paghatid niya sa akin ay agad naman akong bumaba ng sasakyan.

"Hey midget! Di mo lang ba ako papapasukin sa loob?" Ang narinig ko namang sigaw sa akin ni Zen matapos kong bumaba na lang sa sasakyan niya at papasok na sa bahay.

"As if you need my permission. Kahit na umayaw naman ako ay welcome na welcome ka sa bahay. Para ka ngang bisitang pandangal ng mga magulang ko kapag nandito ka." Ang inis ko namang sagot sa kanya.

Totoo naman kasi. Super hanga nina mom at dad kay Zen. Excited na excited na maging son-in-law nila.

Ako ay tumalikod na sa kanya at pumasok na ako sa amin.

Narinig ko ang pagpatay niya ng makina marahil susunod na siya.

Agad akong umakyat sa taas sa room ko at dumiretso sa cr para maligo at makapagpalit ng damit.

Inihanda ko naman ang mga susuotin ko para paglabas ng cr ay mabilis na lang at baka malate na kasi ako sa work ko.

Iba rin kasi yung sekretarya ko akala mo siya ang boss kung pagsabihan ako.

Binilisan ko na ang pagligo sa banyo para makaalis na rin kaagad. Ngunit nang lumabas ako ay halos gusto ko na lang lamunin ng lupa para makaalis dito.

Paano naman kasi ay...

"You're still wearing women's underwear ah?" Ang sabi ni Zen habang hawak hawak ang underwear ko na susuotin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"You're still wearing women's underwear ah?" Ang sabi ni Zen habang hawak hawak ang underwear ko na susuotin.

Itinaas pa niya ito at tiningnan talaga.

Dahil sa labis na pagkapahiya ay agad kong hinablot sa kanya ang underwear ko at itinulak siya papalabas ng room ko.

"Akin na nga yan! Lumabas ka nga sa room ko!" Ang sigaw ko sa kanya.

I'm so embarassed dahil sa laki na ng katawan ko ay di pa rin ako nasanay na magsuot ng brief instead of panties. Isa ito sa pinaka pahirapan sa pagbabago ko. Ayos lang ang ibang mga damit na panlalake ngunit nang subukan kong magsuot ng brief at dahil wala naman akong talong ay napaka uncomfortable sa feeling. Kaya naman muli akong bumalik sa pagsusuot ng panties dahil pambabae naman ang aking ari.

"Don't be shy midget. I see that you have quite a taste in choosing womens underwear. Quite sexy uh." Ang tila walang tinag naman siya kahit na ipinagtutulakan ko na siya palabas.

"Umalis ka muna! Magbibihis pa ako!" Ang sigaw ko sa kanya.

"Okay okay! I'll see you sa baba. Hahatid na kita sa work mo." Ang sabi niya naman sa akin sabay alis na sa harapan ko.

Gusto kong magsisigaw sa hiya sa nangyari. Bakit naman kasi na palaging sa mga moments sa super embarassing ay nandoon siya palagi. Samantalang ako naman ay tila wala namang mahanap na flaw niya.

Nakasimangot akong bumaba. Nakita ko siyang nakaupo at hinihintay ako.

"Let's go. May 30 mins pa naman bago ang start ng work mo so let's grab some breakfast on the way."

"Malelate ako. 20 mins pa ang biyahe from here papunta sa company ko. If you want hatid mo muna ako tsaka ka na magbreakfast."

"You're the boss there so 20 to 30 mins of being late doesn't hurt that much. Let's go and I don't want a no for an answer." Ang sabi niya sabay tayo at hawak sa palapulsuhan ko.

"You're being unreasonable Zen! I need to work!"

"Tapos na naman ang game natin and I won so having breakfast with me, doesn't I deserve it?"

Hindi ako nakasagot sa kanya. Ako ay napatahimik na naman.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at mabilis na niyang pinaandar ang sasakyan.

"I talked to your parents pala kanina while you're in the shower sa room mo. They agreed that we should live in a house together.

By the end of this week, Saturday eh sasama ka na sa akin. Napagawa ko na ang isang bahay sa isang subdivision sa Angeles City. And by this time sa tingin ko ay pinagpapack na ni Tita Roselle ang mga gamit mo. Ipadadala niya na lang sa address ng titirhan natin."

No words...

No words can explain how am I supposed to feel right now. Wala na ba akong say sa buhay ko at lagi na lang sila ang tila may hawak nito?
Bakit di man nila ako sinabihan kaagad.

"Zen that's basically tomorrow! H-how!" Ang di ko makapaniwalang sigaw sa kanya.

"Can you atleast lower your voice down! Nandito na tayo gutom na ako."

"Zen! This is an important matter and di mo lang ako sinabihan kaagad! Is this how it is supposed to be kapag ba kinasal na tayo? Wala na ba akong say sa kahit na anong bagay?

Bakit ba palagi na lang na kayo ang nasusunod! This is the f*cking reason kaya nagawa kong makideal sayo na tinatawag tawag mong petty reason ko! It's as if you are all controlling me kasi. Ano ako puppet niyo lang! Sawang sawa na ako bakit wala man lang makaintindi sa gusto ko!"



That's it. I lost it.

*****

Zendo And OriolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon