Chapter 18

265 12 1
                                    

"Oriol is that you?"

Ang narinig kong banggit sa pangalan ko habang ako ay nakatalikod at tinitikman ang nectar ng bulaklak.

Ako ay napalingon naman kaagad dahil dito.

Nakita ko ang isang lalakeng mas matangkad sa akin, nakasuot ng white na polo, gwapo at malakas ang dating may bigote at balbas din kagaya ni Zen but cleaner looking siya compared to Zen.

Nakita ko ang isang lalakeng mas matangkad sa akin, nakasuot ng white na polo, gwapo at malakas ang dating may bigote at balbas din kagaya ni Zen but cleaner looking siya compared to Zen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi ko naman malaman bakit nabanggit niya ang pangalan ko eh hindi ko naman siya kilala? At bakit pala siya nakapasok dito sa hacienda? Business partner kaya ng pamilya ni Zen?

Bumakas naman ang pagkagulat sa kanyang mukha ng makita niya akong humarap.

"Oh sorry you're a guy. I thought you are the Oriol that I know." Mukhang napahiya pa siya tsaka nalang siya napakamot sa kanyang batok at napangiti.

"Who are you? Bakit alam mo ang pangalan ko?" Ang takang naging sagot ko naman sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Who are you? Bakit alam mo ang pangalan ko?" Ang takang naging sagot ko naman sa kanya.

"Wait you're name is Oriol?!"

"O-oo Oriol nga ang pangalan ko. Teka nga bakit ka ba nandito at paano ka nakapasok? At anong kailangan mo sa akin?" Ang sunod sunod kong tanong sa kanya.

"What a coincidence. Akala ko ikaw yung isa sa mga childhood friends ko na si Oriol. Kasi naman the way you smell and try to taste the nectar of the flower just reminds me of Oriol. Pero I know hindi ikaw yon kasi ang alam kong Oriol ay isang babae, cute, maganda, medyo clumsy pero mabait."

Oh sh*t kilala ko na siya!

He is Alfred! Alfred Fuego!

How come na this bully second to Zendo is here!

No! No! No! He's not Alfred. But what if he is?

"By the way I'm Alfred. Alfred Fuego a friend of Zendo. I'm just trying to visit him kasi matagal din akong nagstay outside the country. Makikikamusta lang at catch up to my brother."

Patay na! He's Alfred nga.

The Vice leader kung ano ko siya tawagin noong mga bata kami. Paano kasi bibida bida at lagi rin akong inaasar katulad ni Zen but unlike Zen, Zen knows his limitations sa pambubully sa akin.

Naalala ko pa noong mga bata kami talagang sinadya niyang buksan yung kulungan ng mga tuta eh that time takot na ako sa mga aso kaya ayun nanginig at napaihi nalang ako sa aking suot na shorts. Nanginginig pa ako non dahil sa nangyari buti na lang at si Zendo ay nakita ako on that situation at pinaamo niya yung mga tuta na nagkumpulan sa aking tabi.

He also made sure na di malalaman nung iba kong mga kalaro na naihi na ako sa aking shorts dahil sa takot ko.

That time sinabi kong si Alfred ang may gawa ng lahat and Zendo was mad that time pero sinabihan ko siyang wag ng makipag-away sa kanya para di nalang lumala ang sitwasyon. But in the end when all of our friends ay nagsialisan na at ako nalang, si Alfred at Zen ang natira ay doon pinagsabihan ni Zen si Alfred sa nangyari.

Nagsorry sa akin si Alfred kaya tinanggap ko naman yon. Binigyan pa nga niya ako ng chocolates bilang peace offering noon pero may pagkasalbahe talaga si Alfred at nilagyan ba naman ng sili yung isang bar ng chocolate.

Kaya simula noon ay isa na rin siya sa mga kinaiinisan ko katulad ni Zen kapag binubully ako.

"Hey are you okay?" Ang tanong sa akin ni Alfred at nakita kong nakalahad pa ang kanan niyang kamay sa akin kaya inabot ko naman kaagad ang kamay ko sa kanya.

Parang naramdaman ko naman ang konting pagpisil na ginawa niya sa aking kamay ng magshake hands kami.

"You're hands are so soft just like of a woman."

Di naman ako kaagad na nakapagreact sa sinabi niya.

"Oh sorry it's not what I meant to say. It's just napakalambot lang ng kamay mo parang sa babae and you also have a fair skin. It's a compliment." Ang paliwanag niya sa akin.

Mabuti siguro na wag ko na munang sabihin sa kanya na ako si Oriol na kababata niya. Baka ano pang masabi niya.

"Kuyaaa!!!" Biglang sigaw naman ng isang babae. Napalingon kaagad kami kung saan nagmumula ito at nakita namin ang isang maliit na babae siguro ay nasa 5'5 ang tangkad, maganda, mahaba ang buhok at may pagka-inis ang mukhang papalapit kay Alfred.

Nang makalapit siya sa amin ay agad siyang nagsalita.

"Why did you left me there sa car! Sabi mo sandali ka lang! I'm thirsty and hungry already! Ang tagal na nga ng flight at ng biyahe sa car tapos sira pa yung aircon ng car mo tas iiwan mo ako don sa loob! Nasan na ba kasi ang friend mo at ng makiinom muna sandali at ihing ihi na rin ako!" Parang armalite lang si ate kung magsalita. Di hinayaang makaporma si Alfred. May pinagmanahan ang kapatid na babae sa kanya.

Napangiti na lang ako habang pinapanood na parang pinapagalitan nitong nakababatang kapatid ni Alfred siya. Ngayon ko lang din nalaman na may kapatid siyang babae. Eversince naman kasing lumipad ang pamilya nila paespanya at US ay wala na akong communication sa kanya. Siguro ay si Zen lang ang may communication sa kanya.

Mukhang napansin nila akong pinapanood sila at ngayon ay sa akin na nabaling ang atensyon niya.

"Ooops sorry! Hhehe! Are you my brother's friend? You didn't tell me na nandito na pala at kausap mo yung kaibigan mo? Gwapo pa.

Narinig ko lahat ang kanyang sinabi.

"Ahemm! Um Hello I'm Carissa. Alfred's younger sister. Sorry sa nakita mo kanina but you know I'm not that kind of girl naman. I'm shy and innocent. Nainis lang ako ng kaunti sa brother ko. Pero can I get your number?"

"Carissa!" Ang suway naman ni Alfred sa kapatid niya.

"Sorry for my sister di niya alam ang pinagsasabi niya. Dala lang siguro ng gutom nito."

"Kuya!"

"Don't worry. I heard na nauuhaw na siya at mahaba rin ang naging travel niyo papunta dito. Pumasok na muna kayo at tatawagin ko lang si Zen."

Zendo And OriolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon