Chapter 19

284 13 1
                                    

Agad ko namang pinapasok ang magkapatid sa loob ng bahay.

Naalala pa nga ni Alfred ang butler at ilang mga kasambahay ng pamilya ni Zen na matagal ng nagsisilbi sa kanila.
Nagkamustahan pa sila kaya hinayaan ko naman.

Muntikan pa nilang banggitin ang tungkol sa akin pero mabuti na lang at agad ko silang nasenyasan na huwag munang ipaalam sa kanya.

Wala pa naman sina Tito at Tita para salubungin siya. Tiyak akong matutuwa ang mga yon dahil sa natatandaan ko ay close din siya sa mga ito.

Sina abuelo at abuela naman ay nasa kabilang mansyon. May aparteng bahay kasi sila dito sa hacienda.

While waiting, iginiya ko na muna si Carissa para makapag cr na siya.

"Uhmm Carissa right?"

"Ah yes."

"The comfort room is right there. You can take your time first while your brother is still catching up with them."

"Ah can you help me there? Baka kasi maligaw ako sa laki ng mansion eh?" May pagka-pabebe nitong request sa akin.

Alam ko namang tila nagpapapansin siya pero para hindi na lang ako magtunog suplado ay sinamahan ko na siya hanggang sa harap ng pinto ng banyo.

"I'll just wait for you here." Ang sabi ko sa kanya.

"Sige. Bibilisan ko na lang."

After a few minutes of waiting ay lumabas na rin si Carissa sa banyo. Naging mas maaliwalas na ang kanyang mukha dahil siguro kanina pa niya pinipigilan ang kanyang pag-ihi.

Sakto rin naman tapos nang makipagkamustahan si Alfred kaya agad ko ng sinamahan ang magkapatid sa sala.

Inutusan ko na rin ang mayordoma para ipaghain ng maiinom at ng meryenda ang mga bisista.

"Can you wait for a while. Tatawagin ko lang si Zen at sabihing may bisita siya."

"Okay. Thank you." Ang nakangiting sabi naman ni Alfred sa akin sabay wink pa.

Napakunot na lang ako ng aking noo sa kanyang inasal?

Weird? Does he like men too?

Pinuntahan ko na lang sa kwarto niya si Zen. Sigurado akong tulog pa yon ngayon kasi he's having his siesta this time.

Di na ako kumatok pa at dumiretso na ako papasok sa loob. Nakita ko ngang tulog pa rin ito.

I tried calling his name para magising siya.

"Zen, Zen. Wake up. Someone's here for you." Hindi pa rin siya magising sa tawag ko kaya naman tinampi tampi ko pa ng bahagya ang mukha niya para magising.

"Hnghmmm!"

"Hey Zen."

"I'm still sleepy. Get out." Ang wala sa wisyo niyang sabi at inaantok pa siya.

"Zen tumayo ka na diyan. May bisita ka." Ang dagdag ko pang sabi sa kanya.

"Sino ba yan?" May konting inis niyang sabi sabay mulat ng kanyang mga mata.

"Your Vice Captain is here!" Ang sabi ko sa kanya.

"Who's Vice Captain your pertaining to? Please stop spitting nonsense just to wake me up in my sleep and annoy me!"

"I'm not trying to annoy you! Alfred's here! Alfred Fuego!" Naiinis na ako sa kanya bakit ang hirap niyang gisingin.

"What!? Alfred? Alfred's here!? Why?"

"Andami mong tanong nandoon na siya sa sala kasama yung kapatid niya at hinihintay ka."

"Tell him to wait! That bastard! He didn't even tell me he's coming back to our country."

"Sige. Balikan na lang kita dito to help you clean up yourself."

Tumango na lang ang injured sa akin.

Lumabas na ako at pinuntahan sina Alfred at kapatid niya.

"Wait lang daw at kakagising niya lang. Mag-aayos lang daw siya sandali."

"Ang gagong yon! Anong mag-aayos lang sandali. Tell me his room at pupuntahan ko na siya ngayon din. Ah right I remember sa taas diba?" Hala siya agad ng lumabas ang dating Alfred na kilala ko. Di ko na siya napigilan pa na umakyat sa taas sa kwarto ni Zen dahil nung mga bata kami ay ganyan na ganyan din yan. He will just barge in to any room kaya dapat i lock mo ang kwarto mo kung ayaw mong makapasok siya.

"Pasensya ka na sa brother ko. Tayo na lang muna ang mag-usap dito." Ang sabi naman ng kapatid niya na naiwan sa aking harapan.

"A-ah." Di ko mahanap ang sasabihin ko dahil una yung isa na nasa taas ay di niya alam na dito sa baba sa guest room nag sstay ang injured na si Zen at pangalawa di naman ako pwedeng humindi dito kay Carissa because I dont want to sound rude pero sinabi ko kay Zen na babalik ako to help him.

Alam kong hirap pa siya sa pagpapalit ng damit. And sa tagal kong nakilala siya he doesn't want others to see his appearance na parang bagong gising lang.

"Ahhhm sandali lang ha. Let me get to you in a bit. For now enjoy mo muna yung drinks and food." Ang paalam ko kay Carissa sabay diretso na kay Zen. Hinayaan ko na lang muna si Alfred to wander sa taas at siya na mismo makadiskubre na wala si Zen doon.

Nakita kong nakatayo na si Zen at wala na ring suot pang-itaas. Kumuha na lang ako ng shirt na madaling ipasuot sa kanya.

Iba talaga ang super yamang katulad niya at versace talaga ang brand ng damit niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Iba talaga ang super yamang katulad niya at versace talaga ang brand ng damit niya.

Habang pinapasuot ko naman ito sa kanya ay napansin ko ang kanyang katawan. Ewan ko at napako na lang ako sa kanyang dibdib at sa mapula pula niyang utong.

"Snap out of it Midget, kung ayaw mong alisin ko ang mga benda ko sa katawan and just topped you in my bed right now."

"B-baliw! Ano bang ginagawa ko!" Sa taranta ko pa dahil nahuli niya akong nakatingin sa katawan niya ay natamaan ko ang isa niyang braso na may benda and...

"Shit! Stop panicking!"

"S-sorry."

Natapos ko na rin siyang bihisan pero napansin ko namang ang kanyang buhok ay di pa nasusuklayan kaya naman agad kong kinuha ang suklay para suklayan siya.

May point pa habang sinusuklayan ko siya na nagkatitigan kaming dalawa pero ako na ang pumutol dito dahil ako ay nailang. Masyado lang akong nahihipnotismo ng kanyang mga titig sa akin.

"T-tara. Lumabas na tayo at di na makapaghintay si Alfred sa labas." Ang sabi ko sa kanya matapos kong ibigay ang mga saklay niya.

Nakatalikod na ako sa kanya ng tinawag niya ang pansin ko.

"Hey..."

"Hmm. Napano?"

"Nakalimutan mong ibutones yung last pair of buttons ng shirt ko."

Napatingin naman ako dito at kaagad na lumapit sa kanya. Matapos kong ibutones ang huling pair sa shirt niya ay tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Ayan tapos n-... Hmm!" Di ko na natapos pa ang sasabihin ko nang dumapo na ang kanyang mga labi sa akin.

I was trying to process kung ano nga ba ang nangyayari but my mind stopped working.

I just let my mind and heart to follow the rhythm.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata and savour his sweet luscious lips until...










Blaghh!

"Here you are my brothe-... Oh shit!"

Zendo And OriolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon