CHAPTER 13

20 3 0
                                    


"Gising na ang Prinsesa."

"Lapitan mo na Kira, kamustahin mo pakiramdam."

"H-ha? Ako? Ah-eh, ikaw nalang Jim, natatakot ako."

"Bakit ako teh? Si Troy na lang, kaya tumanggap ng bonggang mga suntok 'yan."

Bakit ganyan ang pag-uusap nila tungkol sa akin? Ano nanaman ba ito, at nasaan ako?

"Oh iha, gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo?", sabi ni Mang Caspian pagpasok niya sa pintuan. Hindi pamilyar ang kwarto. Hindi ito ang bahay ni Mang Caspian.

"Ayos lang po-- Aray!", sinubukan kong tumayo pero biglang kumirot ang braso ko kasabay na rin ng buong katawan ko. Naalala ko ang nangyari kanina, nagkuyom ang mga kamao ko.

"Huwag ka munang gumalaw galaw Harmony at hindi pa magaling ang iyong mga sugat.", bakit siya lang ang kumakausap sa akin?

"Nasaan tayo? At bakit parang iniiwasan niyo ako?", sabi ko nang humarap sa mga kaibigan ko na may mga nagaalalang mukha pero nagdadalawang isip lumapit. Sa bandang paanan ko nakahilera ang mga kabayo na hindi makatingin ng diretso sa akin na parang may nagawa akong nakakatakot.

"Hindi naman sa ganon Harmony, a-ano lang kasi eh... Yung ano...", hindi maituloy-tuloy na sabi ni Kira na umiiwas din sa mga tingin ko.

"Anong "ano"?"

"Natatakot kami sa'yo teh.", nagulat ako sa isinagot ni Jim.

"Mukhang hindi maalala ng Prinsesa Harmony ang mga pangyayari kanina lamang. Mabuti pang ipaliwanag ninyo sa kaniya.", mahinhing pagkakasabi ni Harley. Dumapo din ang tingin ko kay Mia na parang bata lang talaga na nag-blink ng dalawang beses sa akin. Ang cute niya pero maalala ko ang pakikipaglaban niya kanina, parang bigla siyang nag-iba. Hindi siya kasinglakas, kasing-bilis, at kasinglaki ng tatlo pero may maibubuga rin siya sa pakikipaglaban dahil sa paggamit niya ng natatangi niyang talino.

"Mabuti ngang ipaliwanag ninyo, kasi naguguluhan ako sa inaasal niyo.", walang gana kong sabi.

Umupo si Mang Caspian sa paanan ko at tumingin ng diretso sa akin nang may nagaalala ngunit seryosong mukha.

"Saang banda ang mga naaalala mo mula sa nangyaring labanan kanina lamang?", tanong nito.

Pilit kong inalala ang mga nangyari kahit kagigising ko lang at ang sakit ng ulo ko.

"Ang alam ko po kinaladkad ako nung Zeke na 'yon.", sagot ko at napansin ko ang agad nilang pagtitinginan.

"At kasunod non?", muli niyang tanong.

Hindi ako nakasagot dahil wala akong maalala.

"Kasunod non ay tila ika'y natutulog at nananaginip ngunit nakabukas naman ang iyong mga mata.", dugtong ni Aries.

"Huh?", tanging nasabi ko lang. Naiinis ako kasi ang gulo. Ang gulo gulo!

"Tinatawag ka namin at sinasabihan kang lumaban pero para kang walang naririnig", sabi ni Kira.

"Kinakaladkad ka na ni Zeke pero hindi ka man lang nagpumiglas", dugtong ni Troy.

"Nakatulala ka lang at ang tanging sinasabi mo lang ay namimiss mo na ang mommy mo.", dagdag rin ni Jim. T-that happened?

Medyo naliwanagan ako banda don pero may isa pa akong ipinagtataka.

"Eh ano yung sinasabi niyong natatakot kayo sa akin?", I asked forcing myself to stay calm even I'm irritated of what's happening.

"Sapagkat matapos mong manatiling tulala ay tila may winika si Zeke na hindi namin narinig at bigla ka na lamang sumigaw Prinsesa Harmony.", sabi ni Atlas. Anong sinigaw ko? Teka, sumigaw ako? W-wait... I think I remember some of this part...

~FLASHBACK~

"Huwag ka nang umasa bata, hindi mo na siya makakasama. Papatayin na namin ang nanay mo."

Papatayin na namin ang nanay mo
Papatayin na namin ang nanay mo
Papatayin na namin ang nanay mo.

Parang sirang plakang umulit ulit ang linyang iyon sa pandinig ko. P-papatayin nila si m-mommy.

Bigla akong nabalik sa reyalidad nang dahil doon. Hindi nila pwedeng gawin 'yon. Bakit nga ba kailangang mangyari ng mga labanang ito? Dahil masasama sila, mga mamamatay tao sila at mga uhaw sa kapangyarihan. Bago pa na kami ang patayin nila,

"UUNAHIN KO KAYONG PATAYIN!"

~END OF FLASHBACK~

"Naaalala mo na ba iha?"

"N-no... Noooo!!! Sabi ni Zeke papatayin niya si mommy... S-sa harapan ko. Saan matatagpuan ang kinaroroonan nila? Uunahin ko siyang patayin bago si--",
hindi ko natapos ang sinasabi ko nang pigilan ako ni Mang Caspian.

"Kumalma ka iha. Wala ka pang Zeke na hahanapin dahil napatay natin ang halos buong hukbong dinala niya at maging siya ay muntik mong mapatay kaya malamang ay nagtatago pa ang mga iyon at magiisip ng plano."

"M-muntik mapatay?",
tanong ko. Ano bang sinasabi niya?

"And that's the part that she forgot.", sabi ni Troy pero walang sumagot dahil malamang hindi nila naintindihan.

"Hindi niya maalala.", sabi ni Mia sa boses niyang pambata.

Huminga ng malalim si Mang Caspian tsaka nagsalita.

"Matapos mong isigaw na uunahin mo silang patayin bigla ka lamang nagwala. Mula sa tulala ay bigla mong sinugod ang natitirang mga Oktabyan at ginawa silang bato lahat gamit ang sandata mo. Pagkatapos ay si Zeke ang isinunod mo."

"Maging kami ay napaatras na sa naging aksiyon mo, Mini.",
wika ulit ni Mia.

"Nagulat din si Zeke dahil napakatalim ng mga tingin mo habang pasugod sa kaniya. Sinipa niya palayo mula sa pagkakahawak mo ang pana mo ngunit hindi mo na inabalang pulutin pa bagkus ay pinaulanan mo siya ng mga sipa at suntok hanggang sa hindi na siya makalaban."

"At ayon! Durog nanaman ang pagmumukha ng pangit na Zeke HAHAHAHAHAHA!", patawang sabi ni Atlas. Para siyang horse version ni Kira.


"Ang naaalala ko na lang ay 'yong na sa ibabaw niya ako at tinitingnan niyo ako ng may takot. Kaya pala ganon na lang kayo kung makatingin. Pasensiya na.", at siguro nga nahimatay nanaman ako kaya andito ako ngayon sa higaan na toh. Medyo matigas kung ikukumpara sa higaan ko sa bahay. Teka ano bang lugar toh? Kanina ko pa tinanong 'yon eh.

"Hindi mo kailangang humingi ng pasensiya iha sapagkat pabor pa sa atin ang nangyari. Sadyang nakakapagtaka lamang na biglang ganoon ang naging aksiyon mo. "

"Iyon po ay matapos sabihin ni Zeke na papatayin niya si mommy, si nanay."


"Pero bakit?", tanong ni Kira.

"Ikaw ba naman galitin eh. Tatanong ka pa.", si Troy ang sumagot. Agad siyang binigyan ni Kira ng matalim na tingin.

"Kita mo na? Haha pikon!", asar pa ni Troy.

"Huwag mo ngang asarin si Kira, Troy Evans.", biglang sabat ni Atlas.

"Huwag ka ngang mangealam Atlas brown horse.", panggagaya ni Troy sa tono ni Atlas.

"Huwag nga kayo dito mag-away ang sakit ng ulo ko.", panggagaya ko rin sa pananalita nila.

"Sorry na. Pero grabe ka pala magalit ng sobra first time ko makita nang ganon ka.", dispensa ni Troy.

"F-fist taym?", tanong nila maliban sa aming mga tao.

"FIRST po, first time ibig sabihin unang beses", si Jim ang sumagot.

"Ahhh"

"Eh ano rin kaya ang dahilan nung biglang pagkatulala ni Harmony?",
tanong ni Jim.

Tumingin naman silang lahat sa akin kaya inalala ko ang nangyari kung bakit nga ba nagkaganon. 

"Kinwestyon ko po ang sarili ko kung bakit natin kailangan manakit at pumatay matapos kong makita ang mga Oktabyan na ginawa kong bato."

"Matapos po non ay bigla ko nalang naalala at narinig ang boses ni mom-- ni nanay na pinapaalalahanan akong huwag manakit dahil masama iyon."

"Naalala mo pala siya noong mga oras na iyon Prinsesa kaya ganoon na lamang ang mga salitang lumalabas sa iyong bibig. Tila ba nangungulila ka sa iyong ina.",
sabi ni Harley. Itong kabayong toh ang hinhin pero kung makipaglaban grabe din.

"Nasaan po ba tayo?", sa wakas naisingit ko din.

"Na sa ilalim tayo ng lupa iha.", what!? Underground? Wow! Pero hindi ito tulad ng underground na lagi kong iniisip noon. Parang ganoon rin ang istilo sa bahay ni Mang Caspian, classic.

"Sa ilalim ng bahay namin Mini", sabi ni Mia. So andito pa rin pala kami sa hardin kung saan naganap ang labanan?

"Nahimatay ka kasi at andami mo pang sugat kaya hindi na natin magawang lumikas. Pati kami may mga sugat rin sakit nga eh.", sabi ni Kira. Aba ngayon lang naman kasi nagalusan ang malaporselanang kutis nan. Masyadong pinapangalagaan ng mga magulang niya kaso ngayon hindi lang galos ang nakuha niya.

Tinignan ko sila, oo nga may mga sugat sila ngayon ko lang napansin. Nahihilo pa ako kanina eh. Si Kira may malaking bandage sa tuhod at may unting galos sa braso. Si Troy ay butas ang damit sa tagiliran at may bandage na rin doon habang si Jim naman ay maraming sugat sa mukha.

"Pwede niyo po ba ako iwan saglit? Kasama po silang tatlo.", tanong ko at tinuro sila Kira, Troy at Jim.

"Oo naman po Prinsesa, kami ay magbabantay muna sa labas.", sabi ni Aries at akmang tatalikod na sila nang magsalita ako.

"Salamat, pero sana huwag nyo na akong tawaging Prinsesa. Hindi ako sanay."

"Pero Prinsesa Har--"

"Utos 'yon.",
I said in authority. I don't want to be bossy but I don't really like to be called a princess all the time. I find it- arghhh! Ang corny!

"Masusunod po Pri- masusunod Harmony."

"Salamat",
I thanked them.

"Sige Mini magbabantay na kami, paalam!",
Mia said in her cute voice. Ngumiti na lang ako bilang reponse.

Nang makalabas silang lima, naiwan kami ng mga kaibigan ko.

The Musical World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon