Ewan ko pero may naaalala talaga ako kay Sebastian. Si ano...
Si Levi Ackerman ng Attack on Titan.
Levi is a captain just like Sebastian. They're both handsome and short. Honest lang.
Ang pinagkaiba nga lang, seryoso sa buhay si Levi habang ito namang si Sebastian...
"HAHAHAHAHAHAHAH! Akala mo po ako'y mapipikon riyan? Naku! Ika'y nagkakamali mahal na Prinsesa!" ayan tawa lang nang tawa hanggang mamatay-- este mapagod.
"At kayo? Anong itinatawa tawa ninyo riyan? Aba'y baka gusto ninyong patalunin ko kayo isa isa sa bangin at aakyat kayo ulit bilang ating pang-umagang EHERSISYO."
"HAHAHAHAHAHAHAH nakakatawa ang kapitan! Eh kung ikaw kaya kapitan ang gumawa niyon? Baka hindi ka na makaakyat sa liit ninyong iyan! Pasensya na kapitan! HAHAHAHAHA!" patawang sabi ng lalaki sa likod niya. Mukhang mas matanda sa kaniya.
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHA" sagot ng lahat ng kawal.
MGA SALTIKKK!!!
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiirita. Ang ingay sa green house na toh! Happy yan?
Siguro na sa 10 minutes pa lang ako dito kasama sila. Maya maya nagsalita si Luna.
"Oh siya siya, sandali lamang at hiramin ko ang kapitan ninyo. Sebastian, sumama ka muna sa amin." tumigil sa pagtawa si Sebastian at sumama sa amin.
"Maaari kayong magpahinga muna! Tatalon kayo sa bangin mamaya!"
"Kapitan naman!"
"Biro lamang HAHAHAHA! Sige na mag-almusal na muna kayo."
Lumakad kami sa isang sulok ng malaking green house na toh at umupo sa mga upuan na nakapalibot sa isang lamesa na katulad ng mga na sa park. Sapat na para hindi kami marinig ng ibang kawal. Ewan ko rin kung bakit kami nagsolo sumusunod lang naman ako kay Luna eh.
Napalitan ng seryoso pero nakangiti pa rin ang mukha ni Sebastian.
"Pasensya na sa kanina lamang Prinsesa Harmony."
"No need to-- Ano ang ibig kong sabihin, okay lang. Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Sa totoo nga lang eh nagtataka't bilib rin ako kung bakit ganoon ka sa mga kawal mo. Bakit hindi ka mahigpit sa kanila?"
"Ang totoo niyan Prinsesa... Noong una hindi naging madali na piliting ipakitang masaya ka kahit hindi naman talaga."
Hindi talaga madali.
"Mahirap pero kailangan. Alam na po ba ni Prinsesa Harmony ang tungkol sa digmaan, Hemlock?"
"Alam niya na. Naikwento na namin kagabi lang." nakangiting sabi ni Luna.
"Iyon po, ang tungkol sa digmaang iyon, matapos kasi non, lahat ay halos mawalan na ng pag-asang mabuhay. Ngunit pinagbuklod kami nina Prinsipe Hektor, ginawa kaming isang hukbo, at ako'y ginawang kapitan. Naisip ko na... bilang isang kapitan, bakit hindi ko gawin ang sarili ko bilang inspirasyon sa mga kawal ko? Bakit hindi ko bigyan ng kulay ang buhay nila? Kaya naman kahit ako mismo'y lugmok sa kalungkutan at troma ay sinikap kong ipakita ang aking mga ngiti upang sila'y mabuhayan hanggang sa naging natural na ang aming mga tawa at ngiti!" mahabang paliwanag niya. Bait mo naman.
"Tsaka ayaw ko pong itulad ang sarili ko sa mangkukulam na Octavia na iyon na idinadaan ang lahat sa karahasan at kapangyarihan. Dapat, masaya lang para makulay ang buhay!" dagdag niya. Ewan ko talaga kung matatawa ako o ano eh.
"May limitasyon rin naman po ang pagiging maluwag namin. Kapag ensayo, ensayo lamang ang gagawin. Kusa rin naman po silang sumusunod kahit hindi ako mahigpit sa kanila.""Ganoon ka-determinado ang mga kawal natin." naka-crossed arm at nangiting sabi ni Luna.
"Uh Luna, bakit mo nga pala kami tinawag dito sa gilid?" I asked.
"Ohh, that. Wala ka bang itatanong? Sasagutin ko lang sana." she answered. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
"Tanong? Anong itatanong ko?"
"Akala ko naman mula pagpasok natin dito ay marami nang tanong na nakaimbak sa isip mo." kamot-batok niyang sabi. Ayy akala mo ba.
I looked around the green house. Nag-aalmusal na nga ang mga kawal. Teka teka...
"B-bakit may sungay 'yung isa? H-hallah! Bakit may dahon sa ulo 'yung isa? Bakit 'yung isa doon sa likod kulay green 'yung balat niya? H-hoy may sakit ba kayo dito?!""HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" tawa ni Sebastian. Happy ka niyan?
"HAHAHA! See? Ayan ang akala kong napansin mo na kanina." sabi naman ni Luna.
"A-ano sila?!"Hirap na hirap pa silang itigil ang pagtawa nila pero ilang saglit lang ay nagsalita si Luna.
"Iyong may sungay, galing sa kaharian ko 'yon, sa Fauna. Kasama niya 'yung mga mabalahibo doon sa gilid kita mo?" tinignan ko ang tinutukoy niya. Oo nga, ang balbon.
"Lahat ng makikita mong may katangiang pang-hayop, galing sa Fauna 'yan." dagdag pa niya.Si Sebastian naman ang nagsalita. "Iyon naman po na sinasabi niyong may dahon sa ulo at 'yung kulay green ang balat, wala po silang sakit ha."
Sorry naman.
"Mga galing po sila sa kaharian ng Flora, 'yung kahariang bumagsak na noon pa pero may mga nakaligtas pa at nanirahan dito sa Pangunahing Lupain." ahhh.
"Kasama po iyong mga may nakapulupot na baging sa braso, iyong may buhok na dahon, at lahat ng may katangian ng halaman. Mga Florans po sila, Prinsesa."
Ang weird. Sa totoo lang nakakatakot silang tingnan kasi nga kakaiba 'yung itsura nila, pero mukha naman silang mabait dahil lahat sila nakangiti lang palagi. Salamat siguro sa kapitan nila.
"I also wanted to introduce Sebastian to you formally. Nang lipunin namin ang mga kawal na nais magkaroon ng bagong buhay at bawiin ang kaharian kay Octavia, kapansin pansin ang kakaibang enerhiya ni Sebastian." halatang halata nga.
"Napaka-self less niya at iniisip lagi ang kapakanan ng iba. Masaya rin siyang magpasaya ng iba. Hindi rin maitatangging magaling siyang makipaglaban sa edad niyang iyan--""Tapos gwapo pa." pabulong na singit ni Sebastian. Nimalen.
"Narinig niyo ho pala. Pasensya na po hehehe."
"As I was saying, magaling nga siyang makipaglaban at oo na gwapo ka na jusko pagbigyan." tuloy ni Luna sa sinasabi niya. Agad namang ngumiti nang pabungisngis si Sebastian.
"So, Hektor decided to put him as the captain and trained them para sa takdang oras, babawiin natin ang kinuha ni Octavia na magagandang buhay natin. We'll give her what she deserves."
"And these soldiers will be OUR allies." dagdag niya.
"Does this mean, susugod na tayo? But do we have a plan?"
"Matagal nang mayroon"
"I-I don't understand. No offense pero bakit hindi niyo pa ginawa?"
"Hinihintay namin ang tamang oras at tyempo. Kasama ka sa hinihintay namin."
I secretly smiled.
Akala ko lahat gagawin ko nang mag-isa.
BINABASA MO ANG
The Musical World (COMPLETED)
FantasyThis is a story about a talented girl who hated music since she lost someone because of music. But what if, she entered a magical world where she needs her singing talent to save everyone from a powerful witch and two powerful children with her. Wil...