"Have you ever fell in love?" literal na naibuga ko ang iniinom kong tubig.
"I-I-I don't know, actually."
"Paanong you don't know? What do you mean?"
Napaiwas ako ng tingin. Tumitibok na naman ng mabilis 'yung puso ko. Hindi ko rin alam kung bakit pero kapag ganitong usapan, may isang nilalang na pumapasok agad sa isip ko.
" H-hindi ko alam kung kailan mo matatawag na 'in love'. "
"At that age!? Ang behave mo naman HAHAH" ang hinhin niya tumawa.
"Well... Masasabi mong in love ka kapag hindi mo siya maialis sa isip mo. 'Yung kapag nakakausap mo siya, nalalapitan, or even kahit maisip mo lang siya eh agad nang bibilis ang tibok ng puso mo. You often feel butterflies in your stomach when you see him."
What the hell... Gusto ko mang itanggi, pero lahat 'yan nararamdaman ko. N-no! No no no, hindi pwede.
"Ito ang malala. Minsan sa sobrang in love mo sa tao, gugustuhin mo na siyang makasama sa pagtanda mo. You feel sad and lonely when he's away. Minsan iimagine-in mo pa 'yung future niyong dalawa HAHAHAH"
May ganon?
"Uhm wait, how do you know all of these?" I asked.
Natigil siya sa pagtawa at ngumiti ulit. "Because I'm feeling it towards a certain person."
"Talaga? Sino?" tanong ko.
"Secret hihi." hindi ko na siya pinilit na sabihin but I have an idea kung sino ang tinutukoy niya.
Kanina pa kami naglalakad sa loob ng kweba at dahil don, narealize ko na napakalaki pala nito. Habang tumatagal, pakitid nang pakitid ang daan hanggang sa pumasok na kami sa isang parang tunnel na puro torch lang ang ilaw. Nilakad namin iyon nang medyo matagal tagal.
Naubos ko na nga 'yung sandwich eh. Ang sarap, gusto ko pa.
"We're here. Are you ready to see them?"
"S-sinong 'them' ?" pero hindi niya ako sinagot. Hinawakan niya lang ang lever sa tabi ng isang pintuang bakal sa dulo ng tunnel na nilakaran namin.
"Basta. Matagal ka na nilang hinihintay na makita."
Ano bang na sa likod ng pinto na 'yan? Nakakakaba naman.
Unti-unti niyang ibinaba ang lever at unti-unting bumukas ang pinto. Nagulat ako nang may lumipad na arrow sa akin. Ano 'yung sinabi ni Luna na 'Matagal ka na nilang hinihintay na makita'? Ano 'yon para panain?
Nasalo ko ito sa kamay. Mangha namang tumingin sa akin si Luna.Tsamba lang siguro. Kung hindi ko nasalo edi na-head shot na ako? Inilipat ko ang paningin ko sa harap ko at nagulat ako sa mga nakita ko. At halatang gulat rin sila na makita ako.
"Sino sila Luna?" tanong ko habang naka-titig pa rin sa mga nilalang na nasa harapan ko.
"Ito si Prinsesa Harmony, kaisa-isang anak ni Haring Harrison at Reyna Melody." sabi ni Luna at saka lumuhod ang mga nilalang sa harap ko.
"Maligayang pagdating Prinsesa Harmony. Pasensya na sa nangyari ngayon lamang, hindi namin ito sadya sapagkat kami'y nagsasan--" hindi na natapos ang sinasabi ng na sa unahang lalaki nang sumingit ako.
"A-ano. Okay lang, walang problema. Magsi-tayo kayo, hindi niyo kailangangang lumuhod sa harap ko."
Unti-unting tumayo ang mga kawal nang may ngiti sa labi. Oo, mga kawal. Napakadaming kawal. Napakalaki ng lugar na ito nang buksan ni Luna ang pinto. Kung anong inilaki ng lugar, siya din namang idinami ng mga kawal dito.
Parang isang green house ang lugar. 'Yung dingding hanggang bubong ay green screen at ang inaapakan namin ay magandang uri ng damo. Maliwanag din ang paligid dahil maraming halaman.
"Karugtong lang ba ito ng kweba, Luna?" bulong na tanong ko.
"Oo, maganda ba?"
"Maganda, sobra. Pero paano? I mean, kweba tapos may green house? Tapos ang liwanag pa."
"Magic magic lang." eh? Si Hiro pa rin kaya ang may gawa nito? Unti na lang talaga dudukutin ko na 'yang magic wand ni Hiro. Jk.
"Uhh, Luna, s-sino sila?" ulit ko sa tanong ko kanina.
"Maganda siguro kung ang kapitan na nila ang magpakilala sa iyo." nakangiti niyang tugon at napatingin ako nang tumayo ang lalaking nagsalita kanina. Siya ang kapitan!?
"Pagbati muli Prinsesa Harmony! Ako si Sebastian ang napakagwapo--"
"Ehem" reaksyon ng mga na sa likod niya.
"Edi ang napakakisig--"
"Ehem" natawa ako nang nag-react na naman ang mga na sa likod niya. Hindi na siya matapos tapos magsalita.
Pikon siyang ngumiti. "Patawad Prinsesa, ako si Sebastian, ang kapitan ng hukbo ni Prinsipe Hektor." nakapag-pakilala rin siya sa wakas.
"Kayo ba'y masaya na? Aangal pa kayo?" sumisilay pa rin ang pikon niyang ngiti at nagulat ako dahil tinawanan lang siya ng mga kawal sa likod niya. Kung siya ang kapitan, bakit siya tinatawanan lang?
He's handsome. May pagka-tisoy, and totoo naman ang sinabi niya kanina, makisig nga siya. Looks like Luna's age, or Hektor's. Pero...
"Sebastian, ilang taon ka na?"
"Dalawampung taong gulang na po ako mahal na Prinsesa."
"Bat ang liit mo?" wala sa sarili kong tanong.
Huli na nang marealize ko ang tinanong ko. Binawi ko ito agad nang magtawanan na naman ang mga kawal sa likod niya.
"A-ay pasensya na, hindi ko sinadyang insultuhin ka." pero imbis na mapikon siya nagulat ako sa response niya.
Hinawi niya ang buhok niya patagilid. Pinadaan niya ang hinlalaki niya sa nose tip niya.
"Hindi bale nang ako'y maliit, gwapo naman."
Mas malala pa kay Karina.
BINABASA MO ANG
The Musical World (COMPLETED)
FantasyThis is a story about a talented girl who hated music since she lost someone because of music. But what if, she entered a magical world where she needs her singing talent to save everyone from a powerful witch and two powerful children with her. Wil...