CHAPTER 40

18 3 0
                                    

Natulala na lang ako nang naglabas siya ng apoy sa palad niya pero nagtaka ako kung bakit sa tabi ko niya ito ibinuga. Humarap ako sa likod at namilog ang mata ko sa nakita ko.


Isang lalaking may hawak na patalim. Malapit siya sa akin kaya malamang ay ako ang sasaksakin niya. Isa rin siyang Oktabyan dahil sa suot niya. Tusta na siya ngayon.


"Bakit mo sinunog ang kakampi mo?" oo naligtas ako dahil doon. Pero nakakapagtaka naman na ililigtas niya ako at kakampi niya pa ang nagawa niyang patayin. Lumalala ang paghihinala ko na may pinaplano siya.


"Gusto mo bang isunod kita?" napalunok ako dahil sa sinabi niya. Ako yata dapat ang hindi na magbuka pa ng bibig.


Maya maya ay nakarating kami sa tabing ilog. Maganda ang lugar. Kung wala lang akong kasamang demonyo na pwede akong tustahin ano mang oras, ang saya sana sa lugar na 'to.


May ilog, ang daming bulaklak, may mga paru-parong naglalaro, tahimik.


Nakakapagtaka na may iisang bahay dito na gawa sa kahoy. Hindi kalakihan pero maganda ang pagkakagawa. Pumasok doon si Blaze at nag-alangan ako kung papasok din ba ako o hindi. Paano kung dito niya ako lulutuin? Gagawing abo? Sa pinakamasakit na paraan? Hindi ko masikmura ang mga naiisip ko.


"Kapag ikaw naabutan nila diyan bahala ka sa buhay mo." sinong 'nila'? Mga Oktabyan?


Para na naman akong tangang nagsunud-sunuran sa lalaking 'to at pumasok sa loob. Nagulat ako sa gara ng loob. Puro kahoy ang kagamitan pero napakagaganda. Walang ibang tao dito. Kami lang. Anong gagawin ng lalaking 'to sa akin?


Nakatayo lang ako sa pintuan pagpasok ko kaya tumingin siya sa akin. Lumapit siya sa akin nang hindi nagsasalita kaya kinabahan ako. Agad nagwala ang puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan nang hawakan niya ang dalawang balikat ko at tumingin sa mukha ko.


Ano ba 'to? Baka nasobrahan na ako sa kaba.


Akala ko kung ano nang gagawin niya pero iniusog niya lang ako sa gilid ng pinto. Akala ko may gagawin siya.


"Paharang harang ka." sabi niya kasabay ng pagkandado niya ng pinto. B-bakit niya kinandado?


"B-bakit tayo lang dalawa dito? Gagahasain mo ako 'no? Subukan mo, papatayin kita!"


"Masyadong mataas ang iyong pangarap binibini." sabi niya habang nakatalikod sa akin at may kinakalikot sa mga shelves. Kapal ng mukha.


Panain ko na kaya siya habang nakatalikod? Pero bakit ayaw gumalaw ng mga kamay ko? Yawa!


Maya maya ay humarap siya sa akin nang may dalang dalawang maliit na tasa. Nilapag niya 'yon sa lamesa sabay hinatak ang isang upuan sa harap ko kaya umupo naman ako doon.


"Baka kasi hindi mo pa alam kung paano umupo." sarkastiko niyang sabi. Dapat nga yata pinana na kita.


Umupo siya sa tapat ko at iniusog sa harap ko ang isang tasa at kinuha niya ang isa pa.


"Iinumin 'yan hindi tititigan."


"Ano bang malay ko kung may nilagay kang lason diyan?"


"Kung papatayin kita ay hindi sa ganiyang paraan. Gusto ko sa paraan na magugustuhan ko." iniangat niya ang tingin niya sa akin kaya kinilabutan na naman ako. This man is giving me chills.


Anong paraan ba ang magugustuhan niya?


Tinignan ko ang tasa kong may lamang tsaa. Inamoy ko muna kung may kakaibang amoy na siya namang ikinailing niya. Wala namang kakaibang amoy kaya uminom na ako. Masarap siya magtimpla ha.


"Wala man lang ba akong maririnig na salamat? Tsk"


"Salamat? Alam ko namang may kapalit ang mga ginawa mo. At alam kong magiging brutal 'yon." sagot ko kaya napailing na naman siya.


"Inaasahan ko nang sasabihin mo 'yan."


"Bakit mo ako dinala dito? Kung papatayin mo ako gawin mo na."


"Bilisan mo inumin 'yan puro ka satsat." sabi niya kaya napairap na lang ako. Hirap naman kasama nito.


"Oh ayan tapos na." sabi ko matapos lagukin nang minsanan 'yung tsaa.


"Nasaan ang nanay ko?" out of nowhere, bigla kong naitanong 'yon. Napansin kong natigilan siya.


"Kung papatayin mo ako, okay lang. Pero please sabihin niyo muna na okay lang si mommy." sabi ko ngunit wala man lang akong narinig na sagot mula kay Blaze.


Maya maya ay tumayo siya papunta sa isang kwarto kaya sinundan ko siya dahil gusto kong marinig ang sagot niya.


"Malapit mo na siya makita."


"Ha? Paanong malapit nang makita? Kailan? Sagutin mo ako ng maayos please."


"Ang ingay mo! Pasok sa kwarto bilis!"


"H-hoy! A-anong gagawin ko sa kwarto? Anong gagawin mo sa akin?"


Hindi niya ako sinagot at pinagsalubungan lang ako ng kilay kasabay ng pagtulak niya sa akin sa loob ng kwarto.

"Hoy! Bastos ka!" sigaw ko pero malamang hindi niya na narinig dahil mabilis niyang isinara ang pinto at naiwan siya sa labas. Hutek ano bang trip ng lalaking 'to?


Nagtaka ako nang ilang segundo ay nakaamoy ako ng usok. Takte, hindi lang usok! May sunog!


"Blaze! Taena ilabas mo ako dito! Ito bang paraan na 'to ang sinasabi mong magugustuhan mo?! Kapag ako nakalabas dito papatayin kita!" sigaw ko kasabay ng pagpasok ng makapal na usok sa bintana.


Hindi mo ako mapapatay sa ganito Blaze. Kingina ka.


Napasigaw ako nang biglang may lumipad papunta sa akin na arrow. Saan galing 'yon? What the heck is happening?


Nagulat ako nang may lumitaw na nilalang na naka-hood sa bintana kasabay ng pagtutok nito sa akin ng pana. Bago niya ako matamaan ay naunahan ko siya.


"Edi naging bato ka ngayon diba." sabi ko sa kaniya nang matamaan siya ng arrow ko at maging bato. Bato na naman ngayon?


Isasara ko ang bintana dahil baka kung ano na naman ang lumitaw dito. Pero bago pa ako makarating sa bintana ng kwarto ay nakaramdam na ako ng panghihina. Umubo ako nang umubo dahil sa usok. Sumasakit na din ang dibdib ko. Sinikap kong maabot ang bintana at nang maisara ko 'yon ay bumagsak ako sa sahig. Unti-unting bumibigat ang talukap ng mata ko hanggang sa mapapikit ako.


Bago ako tuluyang balutin ng dilim, kitang kita ko ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng isang lalaki. Katapusan ko na yata.

The Musical World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon