Please comment and vote! Lovelots! <33
-------KIRA'S POV
Gusto mo malaman kung ano almusal namin? Ayoko nga, baka humingi ka eh. Chos!
Pero bago ko sabihin juskoo gusto ko lang i-compliment ang luto ng Kuya Hiro niyo mygosh napakagaling niyang chef!
Siguro gumagamit siya ng spells sa mga luto niya? Kasi diba wizard siya?
Pero kahit pa gumamit siya ng spells wahhh ang sarap talaga! Kung ako 'yan magbenta ako nan dito. Tapos naalala ko nagtatago pala sila HAHAHAHA akina ako magtinda, bili kayo ah? Ang bumili magkakajowa na diz year.
So ayon na nga, ang almusal namin ay sinangag na kanin na sobrang level up ang sarap, then ang ulam ay bacon na favorite ko at sausage na medyo itlog. Kasi 'yung itlog nasa loob ng sausage, hiniwa sa gitna 'yung sausage tapos doon niluto 'yung itlog. Gets? Ang makagets bibigyan ko ng isang piraso non.
At ang pinakamasarap sa lahat, nag-bake siya ng donutsss!! Owemji ang sarap talaga! Iba't ibang flavor may strawberry, coffee, chocolate tapos ang weird kasi gumawa pa siya ng cookies and cream na donut. Oh diba pak?
Ackkk ito na ang pinakamasarap na almusal na natikman ko simula nang dumating kami dito sa Rhythm. Ang sarap talaga ng luto ni Kuya Hiro! Swerte ng mapapangasawa ng nerd na 'to. Cutie rin siya mga teh lalo kapag nakasalamin mwehe. Ang bait bait pa hihihi.
Para siyang si Harry Potter na katulad niyang wizard din.
Tama na nga baka sabihin niyo ang harot harot ko. Slight lang hehehe.
Nakalimutan ko saglit na kailangan naming makipagpatayan ilang araw o linggo na lang mula ngayon.
Sa totoo lang bago ako matulog sa gabi, iniisip ko, makakabalik pa kaya ako nang buhay sa amin? Makakauwi pa ba kami? Aaminin ko oo natatakot ako. Natatakot ako kay Octavia. Marunong na kami makipaglaban at marunong na humawak ng armas, pero paano kung hindi pa 'yon sapat?
Pero nung dumating kami dito sa kweba nila Kuya Hektor, nagkaroon ako ng pag-asa. Pag-asa na mananalo kami at makakauwi sa mundo namin. Sa lakas ba naman ng kapangyarihan ng mga 'to? Pero may mga thoughts pa rin sa utak ko, kung may utak man ako, sabi kasi ni Troy wala. Char, ang sabi niya lang hindi ko ginagamit utak ko.
Naiisip ko pa rin na, iilan lang kami. Oo malalakas sila Kuya Hektor, pero kami kami lang din laban sa napakaraming kawal ni Octavia. Siguradong maraming kawal 'yon kasi buong Rhythm nga bihag niya diba? Hindi pa sigurado kung ilan na ang nahakot na kakampi nung mga nahakot daw ni Harmony nang maharang sila ng mga Oktabyan. Grrrr walang kasiguraduhan ang lahat!Wala mang kasiguraduhan ang lahat, ang mahalaga maganda ako.
Joke lang! Take two, wala mang kasiguraduhan ang lahat, ang mahalaga ay hindi kami mawalan ng pag-asa. Tandaan niyo 'yan ha? May mga bagay bagay talaga sa mundo na hindi natin hawak, at walang kasiguraduhan. Pero huwag na huwag kayo mawawalan ng pag-asa na mananalo kayo laban sa pinakamalalaking kalaban niyo. Fight lang ng fight mga mare! Kapag napagod, magpahinga pero huwag susuko.
Ayan! Hindi na ako bobo, marunong na ako mag-advice.
"Grabe Kuya Hiro ang sarap ng luto mo!" komento ni Jim na kakaubos pa lang ng pagkain sa plato niya.
'Yung totoo Jim, anong masarap? 'Yung luto o 'yung nagluto? HAHAHAHA
'Kala mo siguro hindi ko narinig 'yung sinabi mo kanina.
"Thanks for the compliment, masaya akong nagustuhan niyo. Halata naman dahil naubos niyo haha!"
"Si Kira lang nakaubos halos lahat eh. She's the one who ate the most, right Kira?" walang hiya talaga 'tong kano na 'to kahit kailan. Abay ngingiti pa ng nakakainsulto eh sarap tusukin ng tinidor. Pero true hehe ako pinakamadaming nakain.
"Wala kang make ngano (Wala kang pake kano)" hindi ko pa mabigkas nang maayos ang sinabi ko dahil puno ang bibig ko at nginunguya ko 'yung last na donut. Mwehe.
"See? Takaw." komento niya kaya inirapan ko na lang.
Wala akong pake sa sasabihin ng iba, basta ako busog period.
Natapos kami lahat mag-almusal at dinala namin ang mga nagamit namin na pinggan sa lababo nilang napakabongga sa kinang at kintab. Nakikita ko pa ang aking magandang peslak dito.
"Nagrereflect ang maganda kong face sa kintab ng lababo niyo Kuya Hektor!"
"Weh? Maganda? Sure?"
1 dot, babatukan ko 'tong amerikanong hilaw na 'to.
Pagkatapos kong ilapag ang ilan sa mga pinggan sa lababo, agad akong sumunod kay Troy at binatukan. 'Diba may dot 'yung huling sentence ko?
"What the heck was that for?!"
Napatitig ako sa kaniya saglit. Hayst. Hindi mo talaga maitatanggi kahit kailan ang kagwapuhan nitong lalaking 'to eh. Sa kahit anong anggulo gwapo siya. Ang gwapo niya pala lalo kapag nagugulat na medyo nasigaw. Mwehe.
"Hoy! Kako bakit mo ako binatukan. Tulala ka diyan, gwapong gwapo ka saken noh? Tsk, kalma ako lang 'to." idagdag mo pa 'yung bulol bulol niyang pagtatagalog.
Bigla akong bumalik sa reyalidad nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya.
"Aba! Tigas ng mukha mo! As if naman gwapo ka noh, iw. 'Yung batok ay para sa pambubully mo sa magandang si ako." sabi ko at nag-hairflip at tinalikuran siya.
TROY'S POV
Hindi daw ako gwapo pero titig na titig sa akin ng about 1 minute at hindi makasagot sa tanong ko, hay nako Kira Davis. Pasalamat ka...
By the way, what are we going to do for the whole day? Training pa rin ba?
Gosh, can't we have a day off? Or a vacation? Ugh, what am I thinking? We can't do that especially we have a very important mission. We can't just chill around while the whole Rhythm's in danger. Tita Melody's in danger.
"Manong, may training po ba ngayon?" tanong ni Jim na agad namang kinontra ni Kira.
"Jusko sis! Malay mo nakalimutan huwag mo na ipaalala huhu kahit ngayon lang please."
"Guys, many people at this moment are probably striving for their lives and to survive that Octavia witch. Makakaya ba natin mag-chill habang sila ay nasa bingit ng kamatayan?" I interrupted them.
"Ay oo nga teh, tama si Troy. Kaso... Ano na ba talaga ang gagawin natin? Wala pa tayong kaplano-plano." sabi ni Jim. Napasulyap ako kay Harmony na nakatingin sa amin habang hindi man lang kumikibo.
She gives me this "Wala kayong alam?" look.
Sa tagal naming magkakasamang apat, alam ko na basahin ang mga pag-uugali ng mga 'to. Lalo na si Harmony dahil expressive ang mga mata niya, madaling basahin kahit hindi siya magsalita.
She woke up earlier than us. Does she know anything that we don't? You know, Harmony's really clever. She may be silent but she always observe her surroundings. Hindi malabong may alam na siya. May plano na ba kami sa paglusob?
"Uhm, I think you all shall have a break. Even just for a day." I looked at Luna with shock. A break? Really?
"Wait wait, you didn't even told us such thing kapag kami ang nagte-training." sabat ni Kirino. This man needs to improve his manners and patience.
"Hektor, would you? I mean, they're exhausted, traumatized, and pressured. Hindi malabong mag-mental breakdown sila. Lalong hindi natin gusto 'yon. They need a break. Kahit saglit lang na kasiyahan."
Sandaling tumahimik si Hektor at maya maya nagsalita. "You got a point Luna. Kayong lahat, including you Kirino and Karina, huwag muna natin isipin ang training or whatever. Tara sa falls at magsaya!" agad namang nagliwanag ang mga mata namin at napangiti.
"May falls kayo dito!?" we asked in unison. Kuya Hektor just smiled at us. "Just see."
BINABASA MO ANG
The Musical World (COMPLETED)
FantasyThis is a story about a talented girl who hated music since she lost someone because of music. But what if, she entered a magical world where she needs her singing talent to save everyone from a powerful witch and two powerful children with her. Wil...