TTL-1: The Story Begins

153 14 0
                                    


𝓘𝓬𝓮𝓭 𝓬𝓸𝓯𝓯𝓮𝓮

Schy's POV

"Anak bangon na!" Sigaw ni mama mula sa Ibaba. Bumangon ako at Nakita ko mag aalas-ocho na at agad ako kumaripas ng takbo sa palikuran na para bang hinahabol ng mga aso.

"Bwisit, malalate na 'ko sa internship!" bulong ko sa sarili. Pagkatapos kong tanggalin ang damit na suot ko ay dumiretso na ako sa pagligo. Ako nga pala si Schy Bustamente. Isa akong nutritionist aspirant since meron kaming family business na restaurant. Ako ang panganay, ngunit ang kaisa-isa kong kapatid ay sumakabilang buhay na. Ito rin ang dahilan kung bakit nag-aaral ako nang maayos para kina mama at papa. Sila nalang kasi ang natitira kong kaligayahan.

Nang natapos na ako maligo ay agad ako nagbihis kinuha ko ang white polo ko at sky blue trousers dahil eto lang naman yung mga styles nababagayan ko. Nang matapos na ako magbihis at mag ayos ay bumaba na ako ngunit nakalimutan ko ang coat ko.

"Anak kain na mahuhuli ka sa intern po." Sabi ni mama kaya bumaba na ako ulit.

"Anak ang pogi pogi mo sa suot mo ah" saad ni mama at pinaghanda niya ako ng paborito kong almusal.

"ayan anak pinagluto kita ng Beef tapa at sinamahan ko na rin ng itlog." Nakangit sabi niya habang ako naman ay kinuha ang cellphone ko. Naku malalate na ako, kumuha ako ng kakaunting pagkain at umalis na agad.

"Anak kumain ka muna." Sabi ni mama.

"Malalate na ako ma paki sabi kay papa umalis na ako! Love you sainyo!" pasigaw ko at tumakbo na ako palabas at sumakay ng bus.

Tumunog ang cellphone ko at agad ko ito sinagot.

"Hello?"

"Nasaan ka na?" tanong Haven, bestfriend ko simula nung first year kame kasama na rin si Talia.

"Papunta na ako, ireserba niyo ako ng upuan if ano man." Sabi ko.

"sige basta bilisan mo dahil magagalit naman si maam Felicity neto." Sabi niya at binaba ko ang cellphone ko.

Napansin ko medyo traffic at malalate nga talaga ako kaya sinubukan ko bumaba para tignan ano pwede sakyan ngunit wala ako makita tapos hindi pa gumagalaw ang mga sasakyan dahil sa bigat ng traffic.

Wala ako choice kung hindi maglakad habang ako may Nakita akong pamilyar na motor.

"Teka lang...."

"Si Malcolm!"

"Sakay na malalate ka sa first day mo." Sabi niya at ngumiti ako sa kaniya at sumakay sa motor niya.

Si Malcolm ay kababata kong kaibigan alam niya buong storya ng buhay ko dahil saksi din siya sa lahat ngunit nung tumungtong na kame sa college nawalan na kame ng oras dahil sa kaliwat kanan na projects and activities.

"Kumapit ka baka mahulog ka." Sabi niya at humawak ako sa may bag niya at agad niya kinuha ang kamay ko at nilagay sa may bewang niya.

"Diyan ka kumapit para hindi ka mahulog." Sabi niya at humagikgik ako.

"At anong nakakatawa dun?" lumingon siya sa akin at pinasuot niya ang helmet sa akin.

"Wala magmaneho kana mahuhuli ako." Sabi ko at agad niya pinaandar ang motor niya.

-

Nang nakaabot na kame sa school ay agad ako bumaba at kumaripas ng takbo dahil malalate na ako. Buti na lang ay naka abot pa ako dahil kakapasok pa lang ni Ms. Felicity. At agad kumaway si Talia kung saan sila nakaupo at tumungo ako dun.

TASTE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon