𝓡𝓸𝓪𝓼𝓽𝓮𝓭 𝓒𝓱𝓲𝓬𝓴𝓮𝓷
Schy's POV
"Pa, tama na!" sigaw ko habang patuloy parin niya sinisintok si lucas. Pilit kong pinipigillan si papa ngunit di parin ito nagpaawat. Umiiyak na si miracle kaya minabuti ni mama na dalhin siya ito sa loob ng bahay.
"Pa, tama na please?!" sabi ko kay papa ngunit hindi parin ito tumigil. Bugbog sarado si lucas sa mga pasa nakuha niya kay papa.
"PA TAMA!!" sigaw ko at tumigil ito. Namuo ang mga luha sa aking mga mata habang tinitignan si lucas na hinang hina na.
"Bakit schy? Napamahal ka na ba sa boss mo? Schy tandaan mo may anak siya." Nagsisihagibis nito. Tinignan ko si papa sa mata ngunit mas lalo ako naluha dahil may mali rin ako.
Nilapitan ko si lucas na bugbog sarado, patuloy parin si papa pag sermon sa akin ngunit hindi ko pinapakinggan dahil naawa ako sa sitwasyon ni lucas.
"Bakit mo yun ginawa?" bulong ko sa sarili ko. Naisipan ko na dalhin na siya sa sasakyan niya.
"Saan ka pupunta?!" kunot noong tanong ni papa sa akin.
"Iuuwi ko po siya pa." matipid kong sagot sa kaniya.
"Ano?! Bakit kaya mo ba magmaneho?" napatigil ako sa paglalakad habang karga ko si lucas.
"Ikaw naman ang dahilan kung bakit namatay ang ate mo!" Dagdag nito, maslalo akong umiyak sa sinabi niya. Nanumbalik ang mga alaala na dapat na kinalimutan ko sana.
Patuloy ako sa paglalakad papuntang sasakyan ni lucas. Kinuha ko ang susi nito sa bulsa para buksan ang sasakyan. Dahan dahan kong ipinasok si lucas sa sasakyan at kumuha ako ng jacket para takpan ang katawan nito.
"Anak?" narinig ko boses ni mama. Lumingon ako at nagkasalubong ang mga mata namin. Pinunsan niya ang mga luha sa mata ko, hindi ko napagilan na yakapin siya.
"Papa schy?" umiiyak parin si miracle.
"Your papa will be fine, okay? Papa schy will take care of him?" nakangiting sambit ko sa bata at pumasok na ito sa sasakyan, binigay ko yung paboritong laruan nito paa tumahan.
"Schy?" bigkas ni Malcolm at tinignan ko siya ng ilang Segundo bago ako pumasok sa sasakyan at nagsimula paandarin ang sasakyan.
Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak hawak ko ang manibela. Pilit kong nilalakas ang loob ko kaya nagsimula na ako magmaneho.
"Papa schy, are you okay?" pag-aalala ni miracle sa akin at tinignan ko ito mula sa rear-view mirror. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti upang kumalma siya.
"I'm good, papa schy is good and daddy too." Nakangiting sagot ko sa bata at patuloy parin ako sa pagmamaneho hanggang sa nakarating na kami sa bahay.
Mahimbing natutulog si miracle habang si lucas naman ay wala paring malay. Inuna ko muna si miracle dalhin siya sa kwarto niya buti mahimbing ang tulog nito. Sinunod ko naman si lucas medyo nahirapan ako sa pagkarga dahil sa laki at bigat niya.
Kinuha ko ang medical kit sa loob ng drawer, bago ako naglagay ng gamot ay nilinisan ko ito muna ng tubig.
"Ugh!" nagising siya sa hapdi ng gamot na nilagay ko. Nagkatingan kami ngunit ngumiti ito sa akin na para bang wala nangyari.
"You're there." Nakangiting sabi nito sa akin.
"Ouch! Ang sakit nun." Sabi niya dahil diniin ko ang cotton sa kaliwang pisngi nito.
"Akala mo nakakatuwa yung ginawa mo?" seryosong kong sabi sa kaniya, mula sa mga matatamis na ngiti ay nagging linya na lang ito.
"Akala mo ba natuwa ako sa ginawa mo? Sa totoo lang hindi." Dagdag ko.
BINABASA MO ANG
TASTE OF LOVE
General FictionThey say the way to a man's heart is through his stomach but not for Lucas Travor Cambridge, a senior pilot, a father and a widower. After his wife died, he promised to never welcome love again. He changed and shut people out of his way, but that wa...