"Ms. Romanov, you will be one of the students who will represent our school to the International Mathematics Olympiad... " Ani Ms. Cortez na syang Head Teacher ng Mathematics Department ng St. Claire Academy. Pag-aari ito ni Tita Clara...Pinagmasdan ko ang faculty room ng Mathematics Department at napansin ko na abala ang lahat sa mga ginagawa sa laptop nila. I guess, they are doing paperworks.
Mukhang hindi na naman nila mahagilap si Mythos... For sure siya na naman ang kasama ko..
Tumango ako kay Ma'am Cortez at kapansin-pansing tila naiilang itong tingnan ako sa mga mata. Huminga ako ng malalim ngumiti rito. "Okay po, ma'am. Do I need to go here for my review and training? Or it will be a selfreview ?" I asked calmly.
"Hintayin mu na natin ang kasama mo upang mapagusapan natin ang set-up." Ma'am Cortez said in low voice.
Napakunot ang noo ko sa narinig mula rito...kaya napansin ko agad ang pamumutla nito... Hay... Kailang ba sila masasanay sa amin? "Hindi po ba si Mythos ang makakasama ko?" Tanong ko rito.
Huminga ito ng malalim na tila kinakabahan sa akin. "Hindi sumali sa selection exam si Mr. Romanov ngayong taon. Kinausap na namin sya tungkol dito ngunit ang sabi niya ay hindi muna sya sasali ngayong taon dahil magiging abala siya sa pag-aaral ng early business course." Sagot nito na ikinakunot ng noo ko.
Mukhang hindi ko ata alam iyon? Sabagay... Mythos is really like that... He is unpredictable.
"Kung ganoon po, sino pong makakasama ko sa Batch po namin?" I asked .
Maraming matatalino sa school namin pero hindi ko masyadong kilala dahil hindi naman ako masyadong nakikisalamuha. I needed to focus on my studies more than to socialized with them . Kay iilan lang akong kaibigan and I'm good with that.
"Good afternoon po, Ma'am Cortez, pinapatawag nyo raw po ako?" Anang isang malalim na boses mula sa likuran ko. Kunut noo ako napatingin rito at tila nahigit ang hininga ko ng makita kung gaano ito kalapit sa akin... Buti na lamang at mas matangkad ang lalaki sa akin kundi ay baka nahalikan na nya ako. Agad akong humakbang palayo rito na ikinataas naman ng kilay nito. Inayos ko ang aking salamin at umiwas ng tingin rito. This guy got some aura huh? Who's family is he from?
"Rafael, naririto ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay nitong si Ms. Romanov" magiliw na bati ni Ma'am Cortez sa bagong dating."I think you knew already each other right?" Expectant na tanong pa ni ma'am na labis kong ipinagtaka. Why would I have to know him? Is he that special?
"Sorry?" I asked. Manghang napatingin sa akin si ma'am habang ramdam kong nakatingin na rin sa akin ang lalaki.
"Uhm... Ms. Romanov, hindi mo ba kilala si Rafael?" Nagaalangan na tanong. Nito.
"Do I have to know him? " Naguguluhan kong tanong na ikinangiwi nito.
Huminga ng malalim si Ma'am Cortez habang kunot ang noong nakatingin rito ang katabi ko. May nasabi ba akong mali?
"H-hindi ba't limang taon na kayong magkaklase ? " Nagtatakang tanong nito naikinabigla ko.
"Oh... S-sorry... " At kinagat ang pang-ibabang labi dahil sa pagkapahiya.
"It's okay. It's expected from a princess like her, Ma'am. " Bago ito humarap sa akin upang pormal na magpakilala. "I'm Rafael de Leon." Supladong pakilala nito habang inilalahad ang kaliwang kamay nito sa akin upang mag-shakehand habang ang kabila ay nakapamulsa sa pants nito.
"Mythe Evaine Stavros Romanov. Nice to meet you?" Nagaalangan kong sagot rito at tumango ng kaunti bago tinanggap ang kamay nito for shakehand at agad kong binawi.
BINABASA MO ANG
Stavros Memoirs 2: How Deep is Your Love?
ChickLitHow deep is your love I really mean to learn 'Cause we're living in a world of fools Breaking us down When they all should let us be We belong to you and me -Bee Gees