Real Deal
Mythe Evaine Stavros Romanov'sSeryoso ang ambiance sa buong living room ng villa na tinutuluyan namin ni Paeng. Magkatabi kaming dalawa sa isang single sofa na malaki ang espasyo habang ang iba ay okupado ang ibang seats ng living room. Alam kong darating ang araw na kailangan naming harapin muli ang problemang nagpahiwalay sa amin noon ni Paeng... Ang mga Almadeos at iyon ang pinag-uusapan namin ngayon habang hinihintay ang iba pang kabilang sa Heads of the Stavros Power Houses. Yes... The tiyos and tiyas will be here in a few... Kasama ang dalawang importanteng karakter sa istoryang ginawa at pinagplanuhan namin ni mama ng mahabang panahon
"Do you want to rest first, Architect?" he whisper habang inaayos ang buhok ko na nagulo sa pagkamot ko kanina sa frustration na nararamdaman.
Tipid na ngumiti ako sa kanya at umiling. Hinayaan ko siyang isandal ako sa balikat nya at marahang tinatapik ang aking balikat na tila pinapayapa ang aking kalooban. And I must admit he is succeeding. Napatingin kami ng marinig ang pagtikhim ni dada at nangingiting napapailin na tila natutuwa para sa amin.
"Love suits you, cara..." ani dada na ikinangiti ko naman. Hindi ako nakaramdam ng pagkailang o hiya sa tinuran nya. Alam kong deserve ko ito. Alam kong nararapat ito para sa akin.
"Thank you da... I love him po." buo ang kaloobang inamin kay dada na ikinangiti nito na buong pagmamahal. I know, my Engineer is smiling too.
May sasabihin pa sana si dada ng sunud-sunod na pumarada ang mga mamahaling sasakyan sa harap ng villa kasunod niyon ay ang magkakasunod na pagpasok ng Head of Stavros Power Houses at sina Czar at ang nobya nitong si Roma na nakangiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanila pabalik. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni na ikinangiti ko naman lalo. Possessive huh?
Humiwalay ako kay Paeng at bumati muna sa mga bagong dating. Alam kong seryoso ang sitwasyon namin ngunit gumagaan ang mga ito dahil naririto ang amin pamilya. We exchange pleasantries before settling on the dining kung saan nagpahanda ng pagkain si Paeng.
"So this is what taking most of your time, hon..." may panunudyong tanong ni Czar na ikinangiti ko naman at ni Roma.
His endearment and remarks... Alam kong he is messing with Paeng's head.
"Yes, hon. Kaya hindi ako nakakatulong sa wedding preparations..."
"Dahil sa kasal natin ka lang tutulong, Mythe Evaine." may diing sabad ni Paeng at marahang itinaas nito ang kamay kung nasaan ang kanyang singsing na ikinagulat ko maging ng mga nasa paligid namin. Roma even ran to me and check on the ring with excitement.
" OH MY god! Miss, you are really engaged? For real?!" anito na tila tuwang tuwa. I was now being surrounded by the girls of the family and checking Paeng's ring on me. Queen mama even smiled with satisfaction after seeing the stones. I know, ma... This is expensive.
" We will have a proper celebration for that great news, Mythe and Rafael. After we settle our problem with the Almadeos." putol ni Tiyo Nolv sa aming pagsasaya. Lahat kami ay naging seryoso at tensyonado. We settled ourselves on the long dining table where tiyo Nolv and Gov de Leon took the two kabiseras.
"We gathered all evidences that can put the old evil Almadeos behind bars... All receipts and records of their evilness and under the table deals were all gathered by my team with the help of Atty. Stavro-"
"Tiyo Ybarra for you, lady lawyer. You are Stavros yourself. Don't hurt this old man with the formality." may halong humor na putol ni tiyo Ybarra kay ate.
Ngumiti naman ito at tumango. "Sorry, Tiyo. Old habit die hard. I'll keep that on mind." malambing na saad ng asawa ni kuya Roquil bago nagpatuloy. "...as I was saying, all evildoers and their eneblers will surely go hell jail for all we have now." she added. Tila narinig ko ang isang tunay na Stavros sa tono niya. No wonder she got kuya Roquil under her sleeves.
"I thought we still have to gather more, like you said last time we talked." ani tiyo Ybarra na tila na surpresa sa sinaad nito. Ngumiti naman ng may konting kapilyahan ng asawa ni kuya.
"Sorry, tiyo... Got tiyo Morris and the Governor's help for this!" mapaglarong saad nito. "Can I connect my tablet with your TV here?" anya kay Paeng na agad naman tumalima upang tulungan ito.
Napatingin ako kina Czar na nagbaba ng tingin at naging uneasy sa di ko mawaring dahilan.Napatingin ako kay Paeng ng umupo itong muli sa tabi ko at nafocus kaming lahat sa TV ng magplay ng isang video roon. It was a dashcam footage of that day I hated most at the place we are not allowed to go back.
Namilog ang mga mata ko at nanigas ang katawan ko sa kinauupuan ko ng makita kung sino ang inakala nilang kami... Napatingin ako sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko ng lubos na... Lalo na sa lalaking kamuntikan ko nang pakasalan na ngayon ay nakasalampak sa sahig at sinusuntok ni Paeng. Inaawat sila ni Roma na yumakap kay Czar upang protektahan ito na pilit siyang iniaalis roon."STOP! PLEASE! WAG NYO SIYANG SASAKTAN! AKO PO. AKO PO ANG MAY KASALANAN! INILIGTAS NYA LANG AKO NOON... I WAS ABOUT TO GET RAPED BY HIS FATHER...I WAS VIOLATED THAT TIME. INILIGTAS NYA LANG AKO... PATAWARIN NYO KAMI... KAHIT AKO NA LANG PO ANG PARUSAHAN NYO... WAG SI CZAR. WALA SYANG KASALANAN... NILIGTAS NYA LAMANG PO AKO... PARANG AWA NYO NA PO... AKO NA LANG PO... "tila mas nabingi ako sa mga pagmamakaawa at pagtangis ng babaeng kailanman ay hindi ko kinakitaan ng kahinaan...
Ngayon lamang...
She was a victim...
They are both also a victim by this circumstances...
Wala silang kasalanan...
" Paeng... Stop... They are not our enemies..."
"But Mythe they fucking manipulated us! Kung hindi dahil sa kanila... Hindi ka malalagay sa panganib... Hindi ka pagtatangkaan ng masama ng pamilya nila... Hindi... Hindi sana natin naranasan ang lahat ng ito! Kasalanan nila iyon.!"puno ng hinanakit at galit na saad ni Paeng na akmang susuntukin muli si Czar ngunit niyakap ko siya ng mahigpit.
" Please... Paeng. Violence doesn't resolve all of these... They are also a victims. They don't have a choice that time like you were back then. Czar chose to hide the truth bout that day because he wanted to protect Roma from his family like you went away from me to protect me. Dapat ay mas nauunawaan mo sila...dahil tulad natin... Biktima sila ng mga Almadeos. At sila ang dapat pagtuunan natin ng pansin hindi ang mga tulad nating biktima. "
BINABASA MO ANG
Stavros Memoirs 2: How Deep is Your Love?
ChickLitHow deep is your love I really mean to learn 'Cause we're living in a world of fools Breaking us down When they all should let us be We belong to you and me -Bee Gees