30

130 8 0
                                    

Broken Wings

Mythe Evaine Stavros Romanov's

"Mauna na kami Architect... Hindi ka pa ba talaga sasabay?" ani Alec na nagpahuli ng kaunti sa mga kasamahan namin ng madaanan ako habang nakamasid sa puntod ng kalilibing pa lamang na si nana habang nakatulala roon at nakatayo si Paeng habang kinakausap sya na tila nagpapaalam na si Gov rito at tinatapik ang balikat nito.

Matipid akong tumango rito." Please Alec... Let me be here... And don't report any of these..." pakiusap ko.

Nakakaunawang tumango ito... . "You know my loyalty is yours, Architect. Matagal na. Lalo na ngayon." anito. Dumaan si Gov sa kinaroroonan namin at nagpaalam.

Mytheo and Luna paid respect together with the kids. Naririto rin sila kanina ngunit nauna na na bumalik sa resort dahil nagtantrums na si Ellie. Dada and Mythos called to sent their condole to Paeng and... To check on me.

"Engineer, sa akin ka na sumabay. Pinauna ko na sila." ani Nayumi na syang lumapit sa amin. Nakita ko ang kaunting pagdaan ng iritasyon sa mata ni Alec ngunit nawala agad iyon. "And... Evaine... Sabay ka na..."

"Mauna na kayo. I want to stay here for awhile..." may pilit na ngiti kong sabi tsaka sumulyap kay Paeng. Nakakaunawa namang tumingin sa akin si Nayumi at niyaya na si Alec na umalis. Pinanood ko muna sila hangang makasakay sa sasakyan bago ako huminga ng malalim at hinayaan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang kumawala. Tahimik akong tumangis at kinakalma ang sarili sa gitna ng sakit na nararamdaman dahil sa pagkawala ni nana.

Ilang beses kong kailangan huminga ng malalim bago makalma ang sarili tsaka ko nilapitan ang tulalang nakatayo sa tapat ng puntod ni Nana na si Paeng. Tulad ng inaaaaahan ko ay hindi ito magsasalita... After nana died at the hospital, he became distant and never shed even a single tear... Hindi ito umalis sa tabi ng kabaong ni nana sa buong durasyon ng burol at kami lamang ni Nayumi at kuya Jim ang halos nag-asikaso sa mga nakikiramay. Mabuti at nagvolunteer ang mga staff ng resort na magsalitan sa pagtulong dito. Paeng closed his doors to others... Ilang beses ko rin siyang sinubukang lapitan upang damayan at papagpahingahin but he refused... He smiled a bit at sasabihing ayos lamang siya at hayaan muna syang mag-isa. And that pained me.

"Nana is in the better place now, Paeng..." panimula ko upang makuha ang atensyon nito na napagtagumpayan ko. "... She's a wonderful soul who raised you amazingly with her unconditional love."

"You think so?" nakaramdam ako ng kirot sa puso ng marinig at makita ko ang pagdududa sa boses nito sa narinig mula sa akin. Why would he doubt that? He is a living proof of nana' s love.

"Of course... I am certain that nana will agree with me..." assuring him. "Why would you doubt that, Paeng?" I asked with a comforting tone kahit hirap na hirap akong pigilan ang pag-iyak. This man does not need to see me broke down now... Dahil alam kong mas uunahin nya pa ako kaysa sa sarili niya.

"Pakiramdam ko ay n-nabigo ko siya... I-I am not the person nana wanted me to be... Mythe..." he broke down. Napaluhod ito sa damuhan at agad ko siyang sinalo at niyakap. "I failed her, M-Mythe... Since t-the day I-I broke y-you... Nana always wanted me to be a better man than my father... Pinalaki nya a-ako at minahal u-upang hindi ako matulad sa ama ko... N-na sinaktan a-at tinalikuran ang mama ko... B-but I failed. D-dahil nasaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko... N-nasaktan kita... "

Halos madurog ang puso ko sa narinig mula rito... Nakakaramdam siya ng ganito dahil sa akin... How can I forget how dedicated and loving this man is... How he value his grandmother's love and words...
Sinalo ko ang kanyang magkabilang pisngi at pinunasan ang mga luha roon. Pinilit kong hinuli ang tingin nito at binigyan siya ng reassuring na tingin. "You never disappoint nana... Paeng. You did what you thought was best for me... You acted based on how you thought will benefit your loved ones the most... Not minding if you'll get hurt in the process... You are selfless and protective towards your love ones... And that made you amazing person. And that's how nana molded you... So never think that you are a failure to anyone... Specially to nana... Dahil malulungkot iyon... "

I realized how this man can love selflessly and the way he can sacrifice himself for others... Pity that I can't afford myself to have that kind of love now... Not that I promised myself to let the Almadeos pay for what they took from us...

Kung hindi lamang dahil sa mga ito ay siguro ay hindi ako nagbago ng ganito... At walang nasayang na oras sa aming mga buhay. Sa amin ni Paeng...siguro ay masaya kami... I smiled bitterly.

Damn whatifs.

Damn our broken wings...

He looked directly to my eyes and there I saw how broken he is right now... He look like a lost boy left nothing but wounded soul.

"B-but I broke you... And scarred your soul to the point that you lost that beautiful sparks in your eyes whenever your surrounded with your loved ones... I lost the most genuine girl I know becau--"

"Because you wanted to protect her... Never forget that part... Paeng. You intentions were pure... And whatever that girl's situation is... It's all on her. Let her do the protecting now. Let her spread her wings even they are scarred. Give her that... You all owe her that... " I smiled sadly as I finished my piece. This is all we need... This painful yet comforting talk.

We cried our heart out together as we sorted things out... our much needed closure on such chapter of our lives left untold.

---
Maaga akong gumising kinabukasan at naisipang maghanda ng almusal namin ni Paeng just to cheer him even a lil... Kahapon ay napakabigat ng lahat sa amin... Lalo na para kay Paeng. Hinayaan ko syang ilabas lahat ng nais nyang ilabas na paghihinagpis at kalungkutan sa pagkawala ni nana...

Hinayaan namin ang isa't isa na ilabas at tuldukan ang mga sugat na dinulot namin sa isa't isa sa nakaraan. We made peace with our young selves... And let ourselves mourned for nana's passing and young love we had.

"What are you doing?" ngumiti ako sa kanya ng makitang kakagising lamang nito at tila dito na dumiretyo pagbangon. Mugto ang mga mata nya tulad ng mga akin. He's in his PJs.

"I cooked for our breakfast. Napaaga kasi ang gising ko. C'mon. Maghilamos ka muna then umupo kana sa hapag at patapos na ko maghain." I said with my encouraging tone. I busied myself preparing the table for us ng maramdaman ko ang panitig nito kaya napatingin akong muli sa kanya. He looked confused and conflicted.

"I'm not vulnerable, Mythe. You don't have to do things for me..." mahinahong saad nito na tila nagpabigat ng puso ko. Ngumiti ito ng malungkot at sinulyapan ang pagkain inihanda ko bago tumingin muli sa akin. "I appreciate these though. But still no need. San ka nakakita ng nanliligaw na pinagluto ng nililigawan?" he even joked na ikinairap ko naman.

I clear my throat first. "Di mo ba narinig? I told you that I woke up early that's why I took the liberty of cooking the breakfast for us. Just go ang do your things first para makakain na tayo... I'm famished." taboy ko upang mapagtakpan ang bigat ng loob ko.

Ginawa nito ang sinabi ko. Kaya ng bumalik siya ay agad na kaming nagdasal at kumain ng aming agahan. We did small chitchats then he asked me if I have plans for today. Sabi ko sa kanya na kikitain ko lamang sandali sina Mytheo bago sila umuwi ng Laguna dahil nagpatawag ng Fiesta mi Familia ang tiyo Nolve mamayang gabi. I excused myself for the work I have here.

"Umaga naman iyon right?" he asked and I nod as response while sipping my tea. "Good. Can you give me after?" he carefully asked.

Kunut noo ko siyang tiningnan. "What for?"

"Aayusin ang mga naiwang gamit ni Nana sa bahay... A-at... Our family lawyer will read her will later this afternoon." aniya sa malungkot na tinig na pilit nyang pinatatatag but failed miserably.

I smiled gently at him. "Of course. I surely will" huminga ako ng malalim. "... For nana... And.. ."

Stavros Memoirs 2: How Deep is Your Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon