PROLOGUE

68 0 0
                                    


"Hindi ba talaga kayo titigil dyan ha!" 

Na-estatwa ako ng marinig ko ang sigaw ni Mama galing sa salas. Nandidito kasi kami ni Isa na nagbabangayan.  Ilang beses na kaming sinasaway ni Isa, pero 'tong isang 'to, ayaw tumahimik! 

"Si Jarrett po kasi, Ma eh!" biglang sabi ni Isa, at pinandilatan ko siya ng mata. 

Nakikipag-bangayan pa siya sa akin at nagulat kaming dalawa ng nasa harapan na namin si Mama na nakapamewang. Kakagaling lang niya sa kaniyang night shift kaya naka-uniporme pa siya at halata mong pagod na pagod. 

"Gusto niyo bang bigyan ko kayong dalawa ng kutsilyo ha?" aniya, at sabay kaming umiling ni Isa. So far, hanggang pananakot lang ni Mama 'to. 

"Love, anong nangyayari?" sabi ni Papa na nasa likuran na ni Mama. Nag-aayos narin siya dahil papasok na siya sa trabaho. 

"Itong dalawang 'to may pinag-aawayan na naman." sagot ni Mama, "Nagiging alarm clock na 'tong dalawang 'to ng mga kapit-bahay eh." she added, and she scratch her head. 

Papa massaged Mama's shoulder, and he kissed the back of her head. 

"Magpahinga ka na, love." sabi ni Papa, "Ako na bahala dito." 

Agad naman sinunod ni Mama ang sinabi ni Papa. 


Naupo kami ni Isa sa kama ko, at nasa harapan naman namin si Papa. Feeling ko talagag sesermunan na kami dito eh. 

"Ano ang bilin ko sainyong dalawa kapagg may night shift ang Mama niyo?" Malumanay na tanong ni Papa. I am just looking at the floor, trying to reflect on what just happened. 

"Wag pong bigyan ng sakit sa ulo si Mama." sagot ni Isa, as she play with her hands. 

"Ano ba kasi ang pinagaawayan niyong dalawa?" Papa asked, as he crossed his legs. 

"Gusto ko lang naman pong hiramin ang notes ni Jarrett sa Sibika kasi nakalimutan ko ang notes ko sa locker ko." 

Papa looks at me. Damn, ito na naman ba. 

"Ilang beses na po yan napapaggalitan dahil sa pagiging out-of-focus sa klase palagi kaya walang nasusulat na notes." I answered. And with that, I swear. Kahit hindi ko siya nakikita ay kanina pa niya ako pinapatay sa utak niya. 

Papa let out a sigh, at nagkamot ng kaniyang ulo. We both stare at him. 

"Both of you are already adult enough to be responsible on your own." he started, "Kahit sa mga bangayan niyong dalawa hindi na dapat nangyayaari dahil ang tatanda niyo na." 

"As far as me and your Mama knows, alam niyo na dapat kung ano ang konsekwensya ng kung ano ang desisyon niyo sa buhay." He added. 

"But, we're both here for you whenever you need us, okay? Ayaw namin ang nagtatago kayo sa amin kahit hirap na hirap na kayo, tandaan niyo yan ha?" 

Tumungo ako sa sinabi ni Papa. Alam kong hindi niya ugali na sabayan ang galit ni Mama, o kaya naman sabayan ni Mama ang galit ni Papa. Pero, alam ko at naiintindihan ko kung saan sila nanggagaling. I'm very grateful that both of them are our parents. 


Me and my twin sister, Isabelle, are graduating high school students. We're both in a different sections tho- no one knows why. The usual reason though is because twins are identical but in our case, we're twins but we don't look alike at all. Baka mas pagkamalan pang kambal namin ang mga magulang namin kesa saming dalawa ni Isa. 

Only Reminds Me Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon