Last day of our exams, at nagpapanic na si Jade kaka-aral. I think our exams went well, at kahit papaano naman ay nagtatanungan kami ng mga bagay bagay at nasasagot naman namin dalawa iyon.
"Are you ok?" tanong ko sa kaniya habang nag-aantay kaming mag-bukas ang exam hall.
"I'm freaking out inside, Keith." she whispered, "Para akong natatae na ewan."
"Ang aga aga naman, Jade." sabi ko ng natatawa at hinampas niya ng bahagya ang braso ko.
"Pinapagaan ko lang ang sarili ko Keith," sabi niya, "Nababaliw na ako."
Hinawakan ko ang kamay niya and I intertwine it with mine. She looks at me, wondering why I am doing this to her.
"You'll do great, ok?" sabi ko sa kaniya, "Nag-aral naman tayo pareho, nag-tanungan naman tayo pareho eh, mas nakakasagot ka nga kesa sa akin. Magtiwala ka sa kakayahan mo at wag mo muna intindihin ang mga magulang mo, ok?"
She nodded and she lean her head on my shoulder.
"Dapat noong unang exam mo pa yan sinabi sakin, Keith, nakakainis ka." sabi niya, at nakita ko kung pano niya punasan ang luha sa mga mata niya at sumisinghot pa.
"Uy, gagi, kapag puno ng uhog mo yang manggas ko ha!" Nakatanggap lang ako ng hampas sa kaniya.
Nauna akong natapos sa kaniya sa pagsasagot ng exam kaya inantay kong muli siya sa labas ng exam hall. May mga kaklase akong nakakasalubong ko at nagkakamustahan kung anong balita sa exam nila.
"May ibang part ata na hindi naturo yun ng prof ano?" tanong sa akin ni Nico, kaklase namin sa Philo, "Wala ata akong nabasang ganon sa module niya eh?"
"Parang nabasa ko naman?" sabi ko sakaniya, at nakita ko kung paano siya kinabahan.
"Gago tol!"
Natawa ako ng bahagya, "Pasado yan tol!"
Inaya na si Nico ng iba naming mga kaklase dahil kakain daw muna sila bago sila mag-inuman. Inaya nga nila ako kaso hindi naman ako nainom kaya humindi ako.
"Keith," Tumalikod ako kung saan nanggagaling ang boses ni Jade
"How was it?" tanong ko, unti-unti siyang lumapit sa akin, at agad niya ako niyakap. "What's wrong?"
"Nakahinga na ako ng maluwag." sabi niya, I caress her back, "Salamat sa sinabi mo kanina."
Humiwalay siya ng yakap, "Dapat talaga sinabi mo yan noong lunes pa,"
I chuckled, "Hayaan mo sa susunod na midterm, wala pa man din, sasabihan na kita."
Napag-pasyahan namin na umuwi muna sa mga dorm namin para makapag-pahinga kami. Alam naman naming may klase na agad sa lunes at may mga readings pa kaming due, pero we promise ourselves na deserve naming magpahinga kahit ngayong araw lang.
From: Jade
I'm bored.
From: Jade
Is this where I'm supposed to be studying kasi wala akong ibang gagawin?
I woke up to her text messages.
Tinignan ko yung wall clock ko at alas cuatro palang ng hapon. Nakaka-dalawang oras palang ako ng tulog, pero feeling ko kulang pa. Wala akong ibang plano ngayong araw kung hindi ang matulog lang, o gumamit ng cellphone. Yung school? Bukas na. Bahala na.
BINABASA MO ANG
Only Reminds Me Of You
General Fiction(The Unbreakable Love - Sequel). Meet Jarrett. Seeing as Pre-Law as a challenging course for him, but Jade Marie makes it more bearable and surviving.