Ilang araw ang nakalipas at bumalik na kami sa gawain ni Jade. The remaining days of our first sem will be done within few weeks at may mga requirements narin na sabay sabay ang due dates. Nalalapit narin ang finals namin kaya talagang pinipilit namin ni Jade na talagang magawa lahat at wala kaming maiiwanang kahit na ano.
Hindi ko ugaling gumawa agad ng school work kapag hindi pa nalalapit ang due date, pero naging bago na yon dahil sa sistema namin ni Jade. Ika nga niya, kapag tapos na, tapos na. Hindi na kami mag-mamadali para lang gawin ang mga yon kung pwede namang gawin agad.
"Term break na next week!" bigla kong sabi. Napag-desisyunan kong umuwi muna sa bahay kasi bukod sa gusto kong magpahinga, namimiss ko narin mga magulang ko.
Napakamot ng ulo si Jade, "Shet, term break na nga pala."
Kumunot naman ang noo ko,. "Ba't parang hindi ka masaya?"
"I have to go back home," aniya, "And home is not even home anymore."
Bigla kong naalala nga pala ang kalagayan niya.
"Can't you stay here instead?" suhestyon ko, she just scratches her nape.
"Ano namang gagawin ko dito?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga naman, ano nga naman ang gagawin niya?
"Sa school, on-time naman tayo sa mga requirements before term break, mga quizzes natin, pasado naman. mga readings and papers natin ok din naman, malayo pa ang pasahan."
May gusto akong suhestyon pero parang ako mismo ay hindi ko sigurado sa gusto kong gawin. Hindi ako mapakali, gusto ko nang sabih-
"Keith para kang natatae," aniya, at napatingin ako sa kaniya.
"Gago,"
She let out a sigh, "Nakaka-irita," aniya, at tumawa siya ng bahagya.
Sabay namang tumunog ang phone niya at tumingin siya.
"Damn it," she uttered. "Pinapauwi ako."
Nararamdaman kong ayaw niyang umuwi sa kanila. Kahit hindi niya sabihin, napapansin kong palagi kapag sa tuwing tumutunog ang phone niya. Alam kong mga magulang niya ang dahilan para maging masama ang araw niya, alam kong kahit kakatapos ko lang patawanin siya, at sa isang iglap ng text message, pumapangit na naman ang araw niya.
"Ano gagawin mo niyan?"
"Ano pa nga ba," aniya, "Edi uuwi."
"Wala din naman ako magagawa dahil minsan hindi ako umuwi, dahil may requirements ako noon, talagang sinundo ako sa mismong dorm ko. Kaya parang wala din akong kawala talaga."
I just stare at her while she's focusing on scratching her ring finger, "Next time, isama kita samin para di ka ma-bored."
She stares at me for a good minute before she shows her smile.
"Sabi mo yan ha," aniya, "Kailan ba yan?"
Napakamot ako sa ulo ko, "Basta soon! Sa ngayon, tiisin mo muna yung term break."
She rolls her eyes, "I guess, wala naman talaga ako magagawa."
Hindi kalaunan ay nag-simula na nga ang term break namin at umuwi ako sa bahay. Isa will be here as well pero after ilang araw pa dahil may pasok pa sila. Ako lang natira ngayon sa bahay dahil may pasok sila Mama at Papa, mga hapon pa sila uuwi at ako nga ang naatasang mag-luto ng hapunan. I don't even know how to?
BINABASA MO ANG
Only Reminds Me Of You
Narrativa generale(The Unbreakable Love - Sequel). Meet Jarrett. Seeing as Pre-Law as a challenging course for him, but Jade Marie makes it more bearable and surviving.