Nakauwi na ako matapos kong siguraduhing nakapasok na siya sa bahay nila bago ako tuluyang umalis sa street nila. It's already 11:49pm and I'm still wide awake.
"Sayo lang ako nakakaramdam ng saya kapag kasama kita."
"Sayo lang ako nakakaramdam ng saya kapag kasama kita."
"Sayo lang ako nakakaramdam ng saya kapag kasama kita."
Pumikit ako ng mariin habang tuluyan paring umuulit ulit sa isipan ko ang sinabi niya sa akin. Hindi ko matantya kung seryoso ba siya o binibiro lang niya ako. Hindi ito ang unang pagkakataon na may magsabi sa akin ng kung anong nararamdaman nila, pero kapag galing kay Lauren? Natatanga ako.
It's not that I like being liked, it's just that I feel like hindi pa ang tamang panahon para magkaroon ako ng relasyon ngayon. I'm just a teenager trying to graduate in High School, trying to even enter university.
Papa told me about his mistakes before. He told me that he didn't regret about having kids that early, but he told me to be a responsible man. Every action that I'm going to take, hindi man agad magkakaron ng epekto, e siguradong magkakaroon iyon sa panahong magdadaan.
And with that, I always make sure that I'm making my decision based on long-term effects. Nagkaroon na ako ng gusto sa iba, oo, but I didn't pursue her. I like her from a far, and that's good enough for me.
Am I too scared of commitment? Am I too scared to love someone?
I don't know.
Maybe?
I close my eyes and hoping that I'm finally asleep.
"J, wake up!"
"J!"
I woke up with my annoying sister bugging me. I scratch my eye and my vision is starting to focus on her.
"What the hell?" busangot ko sakaniya.
"Ma! Nagmumura si Jarrett!" sigaw ng maldita kong kapatid.
Siniringan ko nalang siya at nag-aantay ng sigaw ni Mama. Kaso wala ako narinig.
"What do you want?" I scratch my head while I'm sitting down.
Ano na bang oras na?
"Pupunta tayo ng Zambales ngayon, kaya mag-bihis ka na dyan at maligo."
Nakatingin lang ako sakaniya at naka-kunot ang noo.
"Hindi pa ako nag-iimpake!" sabi ko, at nagkamot ako ng ulo. "Wala naman 'to sa plano ah?"
Nag-kibit balikat lang si Isa at umalis na sa kwarto ko.
Dali-dali akong tumayo at lumabas ng kwarto para makita kung aalis ba talaga kami ngayon. O baka pinaglololoko nanaman ako nito.
"Anak, bakit hindi ka pa bihis?" biglang sabi sa akin ni Papa na ngayon ay nakapang-alis na ng suot, habang si Mama naman ay nag-aayos na ng mga gamit.
"Pupunta talaga tayo ngayon?" sabi ko pa, at parang tinignan lang ako ni Papa na may mukhang "Are you serious rn?"
"Pero wala kayong sinabi sa akin?" sabi ko, "Hindi pa ako nakakapag-impake eh."
Lumabas si Mama sa kwarto nila at dala-dala ang bag niya. "Kung kanina ka pa nagsimulang mag-impake, dapat tapos ka na ngayon." Mahinhin niyang sabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Only Reminds Me Of You
General Fiction(The Unbreakable Love - Sequel). Meet Jarrett. Seeing as Pre-Law as a challenging course for him, but Jade Marie makes it more bearable and surviving.