CHAPTER 9

8 0 0
                                    


Few days after, our hell week starts 2 weeks from now kaya majority ng oras namin ni Marie ay nasa library. We both make sure to become disciplined when it comes to studying + food trip. Napatunayan naming ang hilig namin kumain in between ng pag-aaral kaya minsan ang kinahihinatnan ay mas marami ang oras sa kain kesa sa aral. 

Those days that have passed, nagtutulungan kaming dalawa sa mga due dates sa mga klase namin. We both always remind each other for the upcoming due dates kaya naman, napasa namin lahat on time. Kaya ngayon, panay review at pagbabasa ang ginagawa namin dahil nga malapit na ang hell week. 

"May handout ka ba nung exercise sa Philo noong last week?" She asked me. 

We are now sitting down on one of the the tables outside the building. Napagpasyahan namin dito dahil nabuburyo na kami sa library. Ika niya e baka wala na kaming Vitamin D sa katawan. Abnormal

"Teka hanapin ko." 

I open up my bag and retrieve my file folder. Kinuha ko ang lahat ng nakahiwalay na Philo doon at tinignan ko isa isa. 

"Ito yung isa, tapos ito naman yung kasunod." 

She said her thanks and starts to review from that hand-out. While me, I start to read the objectives and materials of every outcomes that we did. Feeling ko dapat mas sundin ko muna yon kesa mag-excercise ako. Tutal, nasa kaniya naman yon. 

"Need mo ba ng tulong sa Oblicon?" biglang tanong niya sa akin kaya napatanggal ako ng isa kong earbud. 

"Ha?"

"Kako kung kailangan mo ba ng tulong sa Oblicon?" aniya, at umiling ako

"That's tomorrow problem," natatawang sabi ko at tumawa nalang din siya. 

Luminga ako sa paligid para mag-masid. May mga estudyante paring naglalakad, maaaring kakatapos lang ng klase nila, o pupunta sa kung saan. Napatingin din ako sa relo ko at alas sais na pala. 

"Nagugutom ka na ba?" I asked her and she looks at me, "Parang oo sagot mo ah?"

Hinampas niya ng bahagya ang braso ko at natawa siya as she put her head back. 

"Grabe ka sakin!" aniya, "Oo, gutom na ako!"

Sinimulan na naming mag-ligpit ng mga gamit namin, baka kung hindi pa kami mag-aral ulit after namin mag-dinner eh baka magpunta kami ng library naman. Lalo na't pag-gabi narin at wala na makita sa binabasa namin. 

"KFC nalang tayo?" sabi niya. Kanina pa din naman kasi kami naghahanap ng kung ano ang makakain. Lalo na't baka marami din kami mga kasabayang kumain dahil pa-hapunan na nga. 

"Tara."

Nakarating kami sa KFC at nakahanap kami agad ng pwesto, hindi pa naman ganon kadami ang tao sa loob, pero alam mong in any  minute dadami na. 

I ordered our dinner while she waits in our spot. Natatakam na nga ako kanina pa pagpasok din kasi minsanan nalang din ako mag-KFC at alam kong gutom narin siguro talaga ako kaya sobra na rin siguro akong gutom. 

"WAAAAH CHICKEN" sabi agad ni  Marie as she clasps her both hands and stare at the chicken in front of her. 

I smiled at her gesture, hmm, cute.

Binigay ko na sa kaniya ang pagkain niya at nag-umpisa na agad siyang kumain. Itinabi ko muna ang mga gamit niya at dahil sa gutom niya, tignan mo, hindi na niya napapansin mga gamit niya. 

"Remind me why I am not into KFC anymore because I definitely miss eating this kind of chicken!" she said in between her chewing. 

"Mahilig ka kasi sa Bonchon," segway ko, kahit hindi ko naman alam kung totoo. 

Only Reminds Me Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon