CHAPTER 4

17 0 0
                                    

1 week has passed, pero wala paring Lauren ang napasok sa silid aralan namin. Ilang beses ko narin siyang tinawagan o tinext pero ni-isa don wala siyang reply, o kaya naman kahit Read manlang sa text ay wala din. 

Gustong gusto ko na talagang magpunta sa kanila para lang malaman kung ok lang ba siya kasi kahit loka-loka din yung babaeng yun, ok naman siya kasama. 

"O, pumasok ka pa?" 

Napatingin ako sa pintuan kung saan pumasok si Lauren. As usual, hindi niya pinansin ang pangangasar ni Kaila sakaniya at dumeretso siya sa upuan niya. She grab her stuff and patiently waiting for our teacher to come  and teach us. 

Ngayong nakikita ko na siya, kumakalabog ang puso ko. 

She cut her hair short until her neck, which suits her more than her long hair. At may kakaibang aura ang meron siya sa araw na 'to. 

Dahil sobrang busy namin sa klase, wala akong ibang oras na magtanong sakaniya kung hindi ang mag-pa-form si Sir Lagman ng mga Seniors at nagkaron kami ng short meeting. Sakto namang kinakausap ng adviser namin si Lauren kaya napasabay kami sa locker area. 

"O." 

She look at me, and at the notebooks that I'm offering her. 

"For what?" 

"Uh, notes?" sabi ko, "You missed one whole week." 

"Thanks." aniya, at walang alinlangan niyang tinanggap. "Balik ko kagad."

Hindi na niya ako kinausap ulit, na para bang iniiwasan niya ako. Did I do something wrong? 

"Are you mad at me?" 

She stopped putting her things in the locker and tried to look at me, and she faintly smiled. 

"No," she said, "Just tired." 

I sensed there's something wrong, pero ayokong ipilit kung ayaw niyang sabihin. Sino nga naman ba ako para kamustahin ko siya? Kung hindi naman kami magkaibigan? We're merely classmates right?

"Sure ka?" 

Maski ako nagulat sa sinabi ko. 

I guess gusto ko lang talaga malaman kung kamusta siya. Hindi na kasi siya yung Lauren na nakilala ko before kami magbakasyon? 

Hindi naman siguro iyon sa hindi ko pagsabi sakaniya na magbabakasyon kami hindi ba? I mean, hindi naman kami ganon ka close para sabihan ko siya kung ano ang ginagawa ko o kung saan ako pupunta. 

She nodded. 

"Sige una na ako." Aniya, sinusuot niya ang kaniyang back pack, "Balik ko 'to agad siguro bukas o sa isang araw." 

Hindi na niya narinig ang sinabi ko dahil agad siyang nagmadali para umalis. 

Ingat ka. 

Ganon ang nangyari matapos magdaan ang ilang mga araw. Me, trying to approach her, pero she was just giving me limited response. Minsan, aayain ko siyang samahan para mag-lunch gaya ng dati, pero nauuna siya agad umalis ng classroom pagka-bell manlang. Hinalughog ko na ang buong school para mahanap siya, pero nauubos lang palagi ang oras na yon. Magugulat nalang ako at nasa classroom na siya, bago pa magsimula ang klase. 

She is really acting weird. And some of our classmates noticed na hindi na kami magkadikit na parang tuko ni Lauren. Akala nila "LQ" daw kami kuno kaya hindi kami nagpapansinsan. 

"Mind your business." Sabi ko nalang at nagbuklat ng libro. Natahimik naman sila at pinagpatuloy ang kung anomang ginagawa nila. 

To my surprise, they didn't bully Lauren. Sa sobrang bilis niyang lumabas ng classroom ng pagka-bell, ay siguro hindi na nila siya ginugulo pa. Sa puntong ito, kahit ilang beses ko pa siya gustong kausapin, ilang beses din siyang gagawa ng paraan para hindi ako makausap. 

Only Reminds Me Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon