Hello. I'm Nathaniel De los Reyes. Naty For short. High school student. Katamtaman ang height ko. Maputi. Nagsusuot ako ng neird glasses and headbands. Makapal na buhaghag ang buhok ko. Sakto din naman ung Weight ko di ako payat di rin mataba.
Naiimagine mo na ba ang hitsura ko?
Simulan na natin to.....Sa private school ako nag-aaral. Sa klase namin ako ung naiiba. Ang poporma nila samantalang ako Eto baduuuuy. Nilalayuan ako ng mga maarteng babae hindi nga nila ako matitigan. I became a loner. Buti na lng....
Habang kumakain ako sa canteen na mag-isa May tumabi sakin isang babae at bading. Iba sila Sosyal na Hindi maarte.
Ang sabi sakin ng babae. "Hi miss. Pwedeng makitable?" Tumango lng ako at kinuha ung bag ko sa upuan. Biglang nagsalita yung bading. "Bat ka laging mag-isa?" Sabi ko "Hindi kasi ako sanay sa sosyalan at tsaka mukhang Hindi naman nila ako Gustong kasama."
"Kami! We want you to be our Friend. By the way I'm Beverly Woods." Yan pala pangalan niya. Woods? Half half ba siya? Mukha nga kasi napakaganda niya. And kinis sobrang puti. Mahaba ang buhok niya na nay highlights. Ang tangos tangos pa nung ilong niya. Walang silbi ang Ilong ko sa Ilong niya. Buti nalng Hindi ako pango. Perfect girl siya. Ambait pa niya. Ni walang pimples di gaya ko may tatlo nabibilang naman pero hindi sila nagtatagal.
"I'm Albert Castillo bes." Nakakalalaki Naman tong pangalan ng Baklang to. Bading man ito lalaki naman kung manamit pero halata sa kilos niya na bading siya. Bes agad? Edi wow!
"I'm Nathaniel De los Reyes. Naty for short. Nice meeting you." Biglang nagreact tong si albert. "Nakakalalaki naman yang pangalan mo." Ngumiti na lng ako.
Ang ingay nitong si Albert. Pero funny siya. Si Beverly tawa lng tawa.
Ringgg.
Hindi namin namalayan ang oras. Next class na pala.
Nagpunta muna ako sa CR kasi ihing ihi na ko. Sina beverly at Albert naman Nauna sa room nila.
Psssssssssssssssssshhhhhhhhh.
"Hay buti patong ihi nakakakilig.." Dumeretso ako sa room. Pagkapasok ko Nandoon sina Beverly at Albert. Classmates ko pala sila! Wow kahit papano Naging confident ako."Naty dito kana umupo." Sabi ni Beverly. Pumunta ako doon. Nature na talaga nitong si Albert ang mag-ingay kasi kahit may teacher kinakausap niya kami.
Pagkauwi ko Tinanong ako ni nanay.
"Anak, Kamusta ang first day?" Sabi ko "OK naman nay." Minsan kasi ang OK pwedeng totoo kadalasan hindi. "May mga kaibigan ka na?" "Mayroon na nay. Magbibihis lng po ako."Nang tapos na ang dinner namin. Gumawa na ko ng homeworks ko. First day tambak ang Home works! More on research naman.
Tantanan tantantan tananantanan tan tan (5x) --Alarm
Hayy diko namalayan nakatulog pala ako. Buti nalng naka Off ung Laptop kung hindi masisira ko na naman.. Pangatlong laptop ko na yun. Naligo na ko tapos bumaba para magbreakfast .
Nakita ko si nanay naghahanda. "Nay, thank you po sa pagpatay ng Laptop kasi pag nasira na naman yun dina daw ako bibilhan ni tatay." Ngumiti ako Kay nanay. "Pag-ingatan mo yung mga pinaghihirapan ng tatay mo kasi dugo't pawis ang Pinuhan nya para makabili lng ng mga kailangan mo." Mayaman kami pero ayaw ni tatay na nasasayang ang Mga pinagpaguran niya May companya kami ng mga Damit. Pero kung ano naman ang meron kami Hindi ko Gusto kaya eto baduy ako.
Hinatid ako ni tatay sa School. "Tay salamat kasi nabigyan moko ng oras kahit saglit lng." Nakangiti Kong sinabi. "Ingat ka anak hah. Ipapasundo kita sa driver mamaya may Meeting kasi ako mamaya sa mga kliyente ko."
Pagkababa ko umalis na si tatay. Kumakaway ako sa knya. Busy kasi si tatay most of the time He's with the clients. Para naman daw sa future ko.
Naglalakad ako pero may narinig akong boses. Parang Boses ni Beverly. Paglingon ko siya nga kaya Sabay na kaming pumasok. Ang Dami naming napagkwentuhan ni Beverly Sabi pa nga niya tawagin ko daw siyang Bev. Pagdating namin doon sa room nandoon na si Albert.
"Albert, Nakagawa ka ng Honeworks?" Kako. "Alby, bes. Yup nakagawa na ko." Sabi naman niya.
Nang matapos ang klase sa English. Sumunod doon Math. Paborito ko Kaso Hindi gusto ni Bev at Alby kaya Di sila nakikinig Pressure lng daw kasi kahit ipilit wala pa rin daw nangyayari. Si Miss Emerald Valdez Ung teacher namin. Batang bata kaya madali pakisamahan.
Pababa na kami sa Hagdanan ng May nakita ako lalaki. Matangkad, Maputi, mukhang mabait, gwapo. Ewan first time nangyari sakin to. Ano kaya to bat parang tumigil ung ikot ng mundo na parang siya na lng nakikita ko. Ano ba tong nararamdaman ko di ko maintindihan ang weird sa 14 years na existence ko sa mundong to ngayon lng to nangyari para akong kinukuryente. Bawat pagbaba ko sa hagdan siya ang tinitignan ko na para bang slowmo kasi palapit na palapit nako sa kanya dalawang palapag na lng Tapos biglang may Nagmamadaling umakyat tapos binunggo ako. Hindi ko nabalance ung sarili ko kaya siguradong mapapahiga na ko dito Pero sinalo ako ng lalaking nakita ko. Tadhana ikaw na ba yan? Perfect timing keep it up! Ang mga bisig niya Ang maamong mukha niya, tapos ngitian ako. Wala akong marinig na boses.
"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!" Malakas na sigaw ni alby. Doon ako nagising sa kahibangan ko.
"Miss, OK ka lng ba Hindi kaba nasaktan?" Sabi nung lalaki. Pero teka kanina pa Niya hawak hawak este ako pala ang nakahawak. Tumayo ako tapos inayos ung damit ko. "OK lng ako salamat." Sabi ko nang bigla bang sumabat tong si alby "How sweet." "Shut up, they're having their moment" Pabulong na sabi ni Bev.
"Next time, mag-iingat kana. Ako nga pala si adrian" Mabait na Sabi Niya. "Nathaniel" Inabot ko ung kamay ko.
BINABASA MO ANG
Chances
RomanceThis is a story of a Relationship who need chance to change the past and build a better Relationship.