∞∞
Breaktime namin kaya naman nag online muna ko para tignan yung FS na ginawa sa akin ni Joshua. Pagkacheck ko sa gallery niya may mga nag vote na mga chatters as in marami pwede kasi yun e like kung sa FB ay may like, sa twitter ay retweet. Natuwa ako kahit na simpleng "Kim" lang nakalagay don perfect na para sa akin kasi kasama yung mukha niyang nakangiti. Kontento na ko sa gawa niyang yun. Matagal kong pinagmasdan ang picture niya kaya naman nagulat ako ng yugyugin ni Jenny yung braso ko.
Si Jenny ang matuturing best friend ko sa school at alam niya yung tungkol kay joshua at sa chatsite na lagi kong pinupuntahan. Para daw akong sira kasi masyado daw akong madaling maniwala sa chat, e marami daw na hindi totoo sa mga chatters at baka mapahamak pa ako dahil hindi ko naman sila kilala.
"Ngiting aso ka na naman dyan Kim. Para ka na talagang stalker ang creepy mo girl!" nakasalubong na kilay niya na nakatingin sa akin.
"Walang basagan ng trip Jenny. Wag mo kong guluhin." sabi ko kay Jenny. Ganyan yan lagi e laging nega pag dating sa pag chachat ko.
"Ano ba naman kasi tinititigan mo dyan kanina pa?!" sabay hablot sa cellphone ko ni Jenny.
Pilit kong kinukuha sa kanya pero matangkad siya 5'9 siya kaya hirap na hirap akong kunin. Nakaangat pa yung braso niya habang hawak niya cellphone ko. Kaya ang ginawa ko kunyari ay naiiyak na ako para lang ibigay niya sa akin. At nagtagumpay naman ako kaya siya na mismo nag abot sa akin.
"Oh eto na cellphone mo wag ka umiyak."
Pagkabigay niya napatawa ako ng malakas kaya sumalubong ang kilay niya sa akin. At pinaghahampas ako sa kamay.
"Baliw ka talaga Kim, akala ko umiiyak ka na talaga. Kaw pinagloloko mo ko ha!" sabay pout niya sa akin.
Tawa pa rin ako ng tawa halos maiyak na ko. Paano ba naman kasi nakakatawa si Jenny. "Okay sorry, ikaw kasi eh. Hayaan mo na lang ako dito sa pagchachat ko. Kung inaalala mong may mangyari sa akin wag ka mag alala kasi hindi naman ako basta basta nakikipagkita sa kanila."
"Okay sorry din pero wag ka masyadong magpapadala sa ganyan. Hindi mo sila kilala ng totoo kaya dapat ingat ka baka ikaw lang masaktan sa bandang huli" sabay punta namin sa classroom for our next subject.
After ng class ko sa bahay ay nag gm ako. Tuwang tuwa ako dahil sa fansign. Sobrang kinikilig ako.
My GM Text: Salamat sa pag gawa mo ng fansign sa akin. Thank you din dahil kinantahan mo ko noong isang gabi. Ganda pala talaga ng boses mo. You know who you are: D
Maraming pumasok na messages sa akin after kong masent yung gm. Tinatanong nila kung sino daw ang tinutukoy ko. Meron pa sa kanila kinikilig tulad ko. Pero hindi ko sila nireplyan lahat maliban syempre kay Joshua.
Joshua: You're welcome Kim. Buti naman nagustuhan mo yun kahit simple lang: ) Talagang ni-GM mo pa ah. Malamang maraming nagreply sayo kung sino tinutukoy mo. Dami ata nacurious. hehehe
Me: Wala lang gusto ko lang i-gm para ishare sa kanila. Don't worry hindi ko sasabihin na ikaw yun. :D
Joshua: Okay lang na malaman nila walang problema sa akin. ;)
Grabe hindi matigil yung kilig ko. Mukhang mapapaos ako nito kaka ihhhh ko. Para akong kiti-kiti, galaw ng galaw sa sobrang kilig. Sinilip ko profile niya pero bigla na lang akong nalungkot kasi nakita ko sa relationship status niya ay in a relationship. Mas lalo kong kinalungkot ng malaman ko kung sino ang girlfriend niya. Akala ko dahil hindi naging sila noon kahit na nanligaw na siya ay wala nang chance na maging sila, nagkamali pala ako. Naging Joshua at Janine na.
Bakit ngayon ko pa nalaman to ngayong sobrang saya ko pa. Bigla na lang naputol ang kaligayahan ko sa mismong araw na to. Naniniwala na ako na kapag sobrang saya ay may lungkot din na kasunod. Hay!
1 new inbox
Niclick ko agad yun at nakita ko na si Palekerong_Cute. Nice timing! Sigurado akong mangungulit na naman siya paano kasi hindi pa rin siya natigil sa sinasabi niya sa akin na liligawan niya ako. Ininvite ako sa private room ng lokong to para magchat daw kami ng walang istorbo. He's full of himself talaga!
Me: Oh ano na naman?! Bakit invite-invite ka sa akin?!
Him: Eto naman ang sungit. Gusto lang naman kita makausap kasi sobrang miss na kita!
Me: Wala akong paki kung namiss mo ko.
Him: Grabe ka naman, meron ka siguro kaya ang sungit mo. hahaha
Me: Sira-ulo ka pala e! Kung mambibwisit ka lang wag mo na kong kakausapin kahit kailan! Tse!
Him: Okay sorry hindi kita iniinis. Para kasing problemado ka e kaya pinapatawa lang kita. Sorry na.
Him: Uy andyan ka pa ba? Bakit hindi ka na sumagot?
Him: Hello! May kausap pa ba ako?
Him: Hala may mumu na ata dito! Baka mamaya mumu na sumagot sa akin dito. Baka bigla akong kunin dito, mawalan pa ng gwapo. Sayang ang lahi ko!
Natatawa ako sa kanya para kasi siyang baliw e. Kinakausap niya sarili niya. Duwag sa mumu. Yabang kung umasta takot naman pala. Sa totoo lang kaya hindi ako nagpopost kasi iniisip ko na kung hindi lang siguro siya mayabang may pag asa siya sa akin kaya lang inunahan niya ng yabang. Bahala na nga siya basta hindi na ako sasagot mag out na ko.
BINABASA MO ANG
Chat Online (On-going)
RomanceMakakahanap ka ba ng totoong pag-ibig sa chat kahit alam mong may possibility na hindi naman. Paano kung may nakilala kang magugustuhan mo?