Chapter 5

30 0 0
                                    

∞∞

Pagkagising ko ng Sabado dahil wala pasok ay agad akong nag online. Walang toothbrush-toothbrush basta kinuha ko na yung cp ko at tinignan ko kung may reply na si poging crush ko. As usual wala pa ring reply! Konting-konti na lang tatanggalin ko na sya sa FriendList ko o FL.

Nagpunta ako sa CFC para hindi ko na lang maisip si poging crush. Magpopost na sana ako ng nakita ko yung username na gothicgravity! Pinunas ko yung mga mata ko baka kasi namamalik-mata lang ako nakita ko talaga pero kinurot ko pa din sarili ko para makasiguro. Napa-OMG ako dahil sigurado na ako na nagpost talaga sya.

"Eto okay naman ako pero medyo busy sa work paiba-iba kasi schedule ko." yan ang post ni poging crush na kausap nya si 'Bestfriend' nya. Yun kasi tawag sa kanya nung babae ni 'chocoqueen' ang username kaya alam ko na mag bestfriend sila.

"Ah  kaya pla bestfriend hindi ka naglalagi dito busy ka pala. Yung mga girls ng ibang clan laging nadaan dito hinahanap ka pa nga. Gwapo mo kasi e noh! :)" si chocoqueen.

Habang nag uusap sila ay hindi ko napigilan sarili ko na i-mention ang username ni poging crush. Kasi ba naman hindi nya ako nirereplyan kaya ayaw ko mamiss tong pagkakataon na makausap sya since online sya.

"Hi gothicgravity! Salamat sa pag accept ng FR ko."

"Ha?" reply nya sa akin.

"In-accept mo yung FR ko kaya nag pasalamat ako sayo." inulit ko yang post ko na yan para maintindihan nya.

"Ah ganunba. Pasensya na kasi maraming nag add sa akin kaya hindi ko naalala. You're welcome pala. Thanks din sa pag add sa akin :)"

Halos himatayin ako sa bahay namin nung nagkausap kami sa chat. Sinisipa ko yung unan na nasa paa ko, napasigaw ako ng wala sa oras. Pinuntahan tuloy ako bigla ng pinsan ko akala daw nya kung ano na nangyari sa akin sa sobrang lakas ng sigaw ko. Umalis din sya agad nung nakita nya na okay naman pala ako.

Hindi ko inakala na member pala sya ng CFC kasi wala naman sa looks nya na kasali sya dun kasi nga sya yung tipong goth, malayong malayo na member ng CFC. Hindi ko na kailangan na antayin kung OL sya kasi iisa lang kami ng clan kaya maraming chance na magkakausap kami.

Nagpaalam na sya na mag log-out na sya.

Nagkausap kami ng bestfriend nya, marami akong nalaman sa kanya na mabait daw, Joshua ang name ni poging crush, hindi mayabang kaya daw maraming nagkakagusto na babae sa kanya. Hindi alam na isa ako sa mga babaeng yun.

Marami na akong nakilala dun sa CFC kaya halos sila friends ko na. Lagi akong naglalagi dun kahit na hindi OL si Joshua. Masaya ako kahit wala sya dun ang importante alam ko ang mga tungkol sa kanya kasi sinasabi sa akin ng bestfriend nya na si Erin aka chocoqueen.

Dahil sa CFC ako naglalagi ay naging pinaka close ko si Erin at Janine aka snowwhite. Napag usapan namin yung tungkol sa mga crush namin na member sa clan. Si Erin daw ay walang crush, si Janine naman daw ay si Joshua. Nagulat syempre ako kasi ngayon ko lang nalaman na pareho pa kami ng crush. Naikwento nya sa akin na dati daw ay niligawan sya ni Joshua kaya lang dahil pahinto-hinto at hindi nya alam kung tuloy pa ba panliligaw sa kanya kaya hindi nya sinagot

"Ay dapat tinanong mo sya kung nanliligaw pa sya non." tinanong ko sya kahit nakaramdam ako ng selos. Pero natuwa rin ako ng onti kasi hindi naging sila.

"Oo nga e! Nanghinayang din ako, nagsisisi nga ako kung bakit hindi ko sya sinagot e gusto ko pa naman sya! hays...." sagot sa akin ni Janine.

Pero nalaman ko kay Erin na may girlfriend daw si Joshua. So nung nalaman ko yun nalungkot ako syempre sino ba naman matutuwa e hindi ako yun.  Pag tapos namin mag usap tatlo since yung dalawa ay mag log-out na so ako nalang ang matitira kasi tatlo lang kami ang nasa clan naguusap, chineck ko yung profile info ni Joshua in a relationship nakalagay. Tapos tinignan ko yung mga pag uusap nila ng gf nya sa picture ni Joshua.

Ang sakit ng naramdaman ko nun kasi ang sweet nia sa gf nya. Nakalagay dun na miss na miss nya gf nya tapos tawagan nila baby meron pang i love you. Naiiyak ako kahit na alam kong sa chat lang naman sila mag-on but still masakit pa rin kasi gustong gusto ko talaga si Joshua. Naalala ko tuloy yung mga usapan namin.

FLASHBACK

Joshua: kamusta na?XD
Me: masaya ka ata kung maka  XD oh ngiting abot tenga.
Joshua: e kasi inlurve
Me: ah kaya pala eh.
Joshua:e ikaw parang malungkot ata.
Me: ako?! hindi ah. okay lang naman ako.
Joshua: o cge next time na lang ulit tayo uchat kasi may usapan kami ni honey ko na mag uusap kami. tc.bye.

END OF FLASHBACK

Noon pala nung wala pa ko sa CFC ay marami na palang naging gf si Joshua. Kaya nagulat ako nung nalaman ko na may gf sya. Hindi ko rin naman kasi natatanong sa kanya na may gf sya kasi nahihiya ako. Saka hindi ko rin nababasa yung mga lumang posts nila kasi kapag nadadagdagan yung post nawawala na yung mga post na nasa unahan. At isa pa hindi ko rin napapansin yung relationship status nya.

A/N : Di ba nasulat ko na baby ang tawagan nila Joshua? Well magkaiba sila kasi ibang babae yung gf nya nung time na yun, so nauna si honey at si baby yung current nya. Sa mga next chapters puro sila Joshua and Kim ang magiging sentro ng kwento. Kaya wait lang at steady lang kayo.

Chat Online (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon