∞∞
One time may nabasa akong link sa chatsite na yun kaya pinindot ko may mga clan pala dun na nag rerecruite ng mga chatters na sumali. Para kasi akong tanga don na walang kumakausap sa akin e bakit pa ko nag sign-up kung dedeadmahin lang ang beauty ko noh! So sumali ako para naman may makausap o maging friends.
"Hello everyone, I'm Kimberly 'Kim" for short, 20 from Malabon." since alam ko naman yung mga asl, ctc, brb kaya yun agad ang naipost ko yung ASL ko. Luckily may pumansin sa akin na username na 'Palikerong_cute' sya pala yung founder ng clan na yun. Well gwapo nga naman sya, maputi kaya lang ang lakas ng bilib sa sarili bagay nga sa kanya yung username nya. Sya daw yung pinaka gwapo sa mga member na lalaki dun! O db ang kapal ng mukha! Naisip ko paano nakatiis yung mga member nyang lalaki sa sinabi nyang yun, siguro maraming naaasar sa kanya dahil masyado syang mahangin or okay na sa kanila na ganon yun kasi sanay na sila sa ugali ng founder nila.
"Hi Kim, I'm John 20 from Batangas. Founder or FD ng clan. Welcome! Pwede ba manligaw ;) ?" nagulat ako sa naipost nyang yun may *wink smiley* pa!
"Hello po FD pero excuse me! Ligaw agad?! kakasali ko pa lang dito."
"Ms. Kim masasanay ka rin kay FD ganyan talaga yan lahat ng mga bagong members na babae na tulad mong maganda nililigawan!" sabi ng isang chatter dun na lalaki.
"Oo nga Kim ako nga niligawan din nyan sa chat e! Ako namang sira e pumayag! Why not e gwapo naman sya. hahaha." tumatawang post ng babae.
Sabi ko nga dahil alam ko na yung mga nangyayari sa chat na may asaran, ligawan, nanggugulo sa mga chatters e nakakasakay na ko sa mga lokohan nila. Yun talaga yung mga ineenjoy ko sa mga chat kasi nakakapagpasaya sa akin kapag malungkot ako, kapag wala akong ginagawa yun ang libangan ko, bawas stress pa sa school.
"John, nice to know you saka thanks sa pagpayag na sumali ako pero sorry ha di ko type tulad mong mahangin!" yun ang naipost ko dahil totoo naman dahil mayabang nga talaga sya.
Tapos nagkatawanan doon sa clan. Akala nya papayag ako dahil gwapo sya! Kahit sa chat lang yun saka malay ko ba na baka hindi pala nya totoong picture yun baka poser lang tulad ng iba. Natatawa na lang ako sa mga nababasa ko dun sa clan kesyo daw na basag si palikerong_cute aka John, may katapat na rin na babae at kung ano-ano pang pangaasar ng mga members dun kay FD. Mahilig man ako makipag-chat e hindi naman ako katulad ng lalaking yun.
BINABASA MO ANG
Chat Online (On-going)
RomanceMakakahanap ka ba ng totoong pag-ibig sa chat kahit alam mong may possibility na hindi naman. Paano kung may nakilala kang magugustuhan mo?