Chapter 9

11 0 0
                                    

Chapter 9


"Okay ka lang? Bakit ganyan mukha mo? Kahapon lang sobra kang kinikilig tapos ngayon hindi maipinta mukha mo. Broken Hearted lang teh!? Huwag mong sabihin na hindi kita pinaalalahanan sa pagchachat mong yan. Oh tignan mo ngayon para kang nawala sa sarili mo. " nakatingin ako sa malayo iniisip pa rin yung nalaman ko kaya hindi ko pinapansin si Jenny.

Hindi pa rin ako kumibo sa sinabi niya. Alam kong pagsasabihan na naman niya ako tungkol sa mga kausap ko sa chat. Sisisihin lang niya ako kasi hindi ako nakinig sa mga sinasabi niya. May point nga naman siya hindi ko dapat sineseryoso ang chat. Magkaiba ang chat sa real. Nagpadala lang ako sa feelings ko na makakahanap ako ng totoong pag ibig kahit wala namang kasiguraduhan na totoo ang makikilala ko. Hindi ko dapat ginagawang big deal ang lahat pagdating sa mga chat. Mas mabuting pagtuunan ng pansin ang realidad kasi alam kong totohanan ang mga bagay at taong makakasalamuha ko.

"Tama na panenermon mo. Oo na, mali na ako kasi hindi ako nakinig sayo. Tara na nga pasok na tayo sa room baka andun na si teacher."

"Basta huwag mo ng masyadong isipin yang Joshua na yan. Baka pati grades mo maapektuhan ng dahil dyan. School na lang pagtuunan mo ng pansin." tama na naman siya. Buti na lang may bestfriend akong tulad niya. She's been always by my side through thick and thin. Para na akong may kapatid dahil sa kanya.

"Thank you ha?" sabi ko.

"Wala yun! Bakit pa ako naging bestfriend mo kung hindi kita dadamayan o tutulungan sa problema mo. Love you bestfriend!"

"Love you too! Tara na nga nagdramahan na tayo dito. Dun na tayo sa room." umangkla ako sa braso niya at sabay na kami naglakad papunta sa classroom namin.

-_-_-

Dalawang linggo akong hindi nag online sa chatsite. Sinunod ko si Jenny sa sinabi niya. Nakuha ko na yung grades ko nitong midterm. Matataas naman nakuha ko. Thank God!

"Bestfriend nakuha ko na din grades ko. Ang saya saya kasi okay nakuha ko. E ikaw nakuha mo na sayo?" tanong sa akin ni Jenny na sobrang lapad ng ngiti.

"Oo nakuha ko na eto oh." binigay din niya sa akin yung kanya.

"This cause for a celebrate!" excited na sabi ni Jenny. "Tutal Friday ngayon bat hindi tayo gumimick. Okay grades natin pareho kaya dapat lang magpakasaya tayo."

"O sige pero saan naman tayo pupunta?"

"Eh kung mag bar na lang tayo?" mungkahi niya.

Nagdalawang isip muna ako kung papayag ako. Baka kasi malasing ako hindi pa naman ako masyadong umiinom. At isa pa dalawa lang kami.
Mahirap na baka anong mangyari sa amin.

"Mabuti pa mag dinner na lang tayo. Mas okay pa atleast busog tayo sa pagkain hindi sa alak." sabi ko.

"Ay corny naman! Pero sige papayag ako pero sa Finals natin pag matataas ulit grades natin mag bar tayo ah!? Magsama na lang tayo ng classmates natin para the more the merrier." nakatitig lang siya sa akin habang inaantay sagot ko.

"Okay sige."

Nagpinky swear kami ni Jenny para tumutupad ako sa usapan namin.

6:00pm after ng klase namin ay dumeretcho na kami sa restaurant na si Jenny ang pumili. Okay naman kasi ang ganda ng ambiance. Hindi siya gaanong malaki pero makikita yung pagka simple. May nakalagay na mga painting sa dingding. Aakalain mo ngang gallery ito at hindi restaurant.
Yung mga price ng pagkain sa menu hindi rin mahal. Kung ang hanap ng mga kumakain ay mura at maganda ang lugar dito pwede lahat kumain kahit na yung mga mayayaman.

Nang makapag order na kami at nagsimulang kumain ay sobra akong nasarapan. Sa isip ko na yayayain ko ang tita at pinsan ko na kumain dito dahil panigurado babalik sila dito kapag natikman nila mga pagkain.

"Bestfriend gusto mo order tayo ng dessert kasi mukhang masarap din e." aya sa akin ni Jenny.

"O sige ba. Mango banana crep sa akin."

"Sa akin naman raisins bread with chocolate ice cream."

"Ikaw na mag order sa akin punta lang ako restroom." paalam ko kay Jenny.

Hindi ko kabisado ang lugar kaya hindi ko agad nakita ang restroom. Nung nagtanong ako sa waiter ay agad naman tinuro sa akin kung saan. Palabas na ako ng hindi ko namalayan na may tao pala sa labas ng pinto kaya natamaan siya sa likod.

Magsasalita na sana ako para mag sorry nang nakilala ko kung sino yung lalaking nasa harap ko. Yung itsura niya walang kulay itim na eyeliner at cutics hindi pang goth. Although nakasuot siya ng black shirt na may Paramore na band na design tapos maong pants na nakachuck taylor na rubber shoes. Mas lalong lumakas ang appeal niya sa akin, mas gwapo siya sa personal.

"Joshua?! Ikaw ba yan?" nanlaki ang mata ko nang ngumiti siya sa akin. Siya nga! Siya talaga si Joshua. Kung ano yung nakita ko sa mga pictures niya sa chatsite siya talaga. Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya dito. Never sumagi sa isip ko na makikita ko siya in person. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang mauubos yung hangin sa katawan ko. Lalong kumakalabog yung dibdib ko. Tuloy lang ako sa kakatitig sa kanya.

"Kim! Yeah ako nga. Ano ginagawa mo dito?" grabe yung mga mata niya para akong lulubog sa kumunoy, tagos sa kaloob-looban ng pupils ko ang tingin niya.

"Ah.. ano.. hmm.. kumakain kami ng bestfriend ko dito. Andun nga siya oh." tinuro ko kung san kami banda nakaupo, nauutal ako syet! "Ikaw anong ginagawa mo dito?"

"Dito ko nagwowork e. Actually, pa-out na ko."

"Ah ganunba. Sige ingat pauwi." kainis naman nagkita nga kami kaya lang madalian lang.

Pabalik na sana ko sa table namin ni Jenny nang tinawag niya ko.

"Kim wait up!" napalingon ako.

"Tutal nagkita na rin lang tayo ngayon. Pwede bang tanungin kita kung pwede kang pumunta sa EB this coming Saturday? Last week kasi napag usapan na yung place and time. Maraming pupunta na taga CFC. Sana makapunta ka."

"A sige ba sure punta ako para makasama ka.... syempre yung mga ka-clan natin." oh sh*t! Bakit ganun nasabi ko? Para tuloy siya lang gusto ko makasama.

"Syempre pupunta din ako." sagot niya sa akin.

Pasaway ka talaga! Nakaharap mo lang siya bigla kang nataranta. Mukhang na-gets niya yung sinabi mo. Pahamak ka talaga! sabi ko sa sarili ko.

"Okay. Balik na ko sa table namin." sabi ko sa kanya. Then umalis na rin siya.

Pag upo ko sa table namin hindi ko talaga naexpect na makikita ko siya. Parang gusto ko ulit mag chat dun sa chatsite.

"Tagal mo naman! Yan na dessert mo. Bakit ang tagal mo?" si Jenny.

"Sorry bestfriend dami kasi tao. Haba ng pila." pagsisinungaling ko. Hindi ko na muna sasabihin sa kanya na nakita ko si Joshua. I'm sorry kung hindi ko muna masasabi sayo Jenny

-_-_-_


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chat Online (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon