∞∞
Nowadays uso ang pagcha-chat, tulad sa Facebook, Twitter, YM, Instagram even online dating where you could find friends, lover and someone to talk to. Minsan pa nga may mga posers na nagpapanggap, ginagamit yung pictures, information ng mga magaganda at gwapo dahil kung hindi ganon ang picture asahan na walang makikipag-usap sayo. Mas important sa iba ang looks siguradong yun ang unang napapansin kesa sa ugali.
Mahilig akong makipag- usap sa iba kaya marami na rin akong napuntahan na chat site, may mga nagpapalaro, merong threads at club. May namumuo ring pag iibigan kahit na sa picture lang nakikita.
Meron ding EB meaning eyeball na kung saan magkikita ang mga chatters. May nagiging mas close sa isa't isa kapag nagkikita ng personal, nakakatagpo rin ng mga taong tunay na kaibigan.
Dahil kung saan saan ako nakakapunta na chat site may isa akong napuntahan na libre kailangan mo lang mag sign-up at magpapadala ka ng picture na libre din. So ayun nga yung ginawa ko nag isip ako kung anong username pero wala ako maisip kaya nilagay ko na lang yung name ko 'Kimberly' pagkatapos non ay nag explore ako doon para ma-familiarize ng sa ganon ay hindi na ko mahihirapan pag online ako.
Pag ka sign-in ko ay pinindot ko yung chatroom may lumabas na iba-iba tulad ng Newbies room, Lobby Chatroom, Earth Lounge, Pinoy Lovers Room at iba pa. So dahil bago ako kaya nagpunta ako ng Newbies Room. Napansin ko na marami na sa mga chatters na magkakakilala, kung ano ano lang topic napaguusapan nila. May nag aasaran, may magdyowang nag aaway, may nagliligawan so nag type ako ng "Hi! I'm newbie." dahil wala naman pumansin sa akin ay nag log out na lang ako at nagbasa na lang ng libro para ready ako sa pagpasok sa school kung meron mang surprise quiz or recitation.
BINABASA MO ANG
Chat Online (On-going)
RomanceMakakahanap ka ba ng totoong pag-ibig sa chat kahit alam mong may possibility na hindi naman. Paano kung may nakilala kang magugustuhan mo?