∞∞
Hindi lang pang chat kami nakakapag-usap ng kaclan ko na CFC kundi pati sa text thru gm. Nakakainis lang kasi dahil puro gm ang natatanggap ko kay Joshua. Alam kong assumera ang labas ko nito dahil nag eexpect ako na itetext niya directly. Kaya naman kakapalan ko na mukha ko ulit na ako ang unang magtext sa kanya.
Me: Hi Joshua good morning!
Joshua: Hello, good morning din. Breakfast ka na ba?
Me: Ay oo naman. Eh ikaw?
Joshua: Good. Ako kakain pa lang eh. Kakauwe ko lang kasi galing work.
Me: Ay ganun ba? Sorry naistorbo kita.
Joshua: Hindi. Okay lang naman pwede naman tayo mag text kahit nakain ako.
Syempre kilig to the bones ako. Nagsinungaling ako nung sinabi ko na tapos na ako kumain dahil ang totoo nian e pagkamulat agad ng mata ko ay nagtext na agad ako sa kanya. Baka isipin niya na atat akong itext siya na yun naman ang totoo. Natatawa ako sa sarili ko. Pagpapatuloy ng text namin.
Me: Okay. So kamusta na kayo ng girlfriend mo?
Nabigla ako nung nasent ko na, hindi ko na pwede bawiin. Nag alala ako kasi baka tanungin niya ako na paano ko nalaman yun. Baka isipin niya tsismosa ako. Patay ano gagawin ko.
Joshua: Ha? Paano mo nalaman na may gf ako? Tinitignan mo ba profile ko?
Sa reply niyang yun ay bigla ako kinabahan. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi ko malaman ang isasagot ko. Ang tagal ko nag isip kung sasabihin ko ba na hindi lang yun ang ginagawa ko kundi binabasa din yung mga post sa profile niya. Ay bahala na kung ano sasabihin ko. Nag tatype na ako nang "Ang totoo niyan tinitignan ko nga kasi...." yan na yung tinatype ko nung nakatanggap na naman ako ng message mula sa kanya.
Joshua: Hahahaha ang tagal mo naman mag reply! Nagulat ka siguro sa tanong ko. Ginugood time lang kita. Para kasing ang serious mo kausap sa text e.
Sa text niyang yun ay para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Napabuntong hininga ako ng malalim. Naisip ko na buti na lang hindi ko agad siya sinagot kasi kung hindi aamin na ko sa kanya na madalas kong binabasa yung sa profile niya.
Me: Sorry kung natagalan ako sa reply kasi inayos ko yung uniform na susuotin ko. Oh sige tapusin mo na agahan mo.
Agad ko na tinapos yung text namin. Nag alala kasi ako na baka kung ano na naman masabi ko. Kaya naghanda na ko para sa pagpasok ng school.
_-_-_
After ng klase ko ay nag log in ako ng nabasa ko na nag uusap c Erin at Janine tungkol kay Joshua.
Erin : Ewan ko ba sa mga nagiging gf ni Joshua demanding sa time. Alam naman nila na umaga nauwi yung tao. Syempre tulog sa umaga dahil sa pagod sa work.
Janine : Kaya walang natagal na gf e. Oh well, ano pa ba magagawa natin e break na sila.
Erin : Ewan ko na lang kung makahanap siya ng gf na hindi tulad sa mga ex-gf niya.
Hindi ko na pinaalam kina Janine at Erin na nagbabasa ako ng mga post nila. Bigla ko na lang nilog-out yung account ko. Hindi ako mapakali sa nabasa ko. Alam kong malungkot si Joshua ngayon kasi every break-ups naman e masakit. Bato na lang ang tao kung hindi makadama ng ganito. Masasabi mong nagmahal ka kapag nasaktan ka. At kasama sa love ang rejection, heart aches or heartbreaks. Hindi ako mapakali sa nabasa ko kaya naisipan kong itext siya pero ano ang sasabihin ko? Dapat ba ako makialam sa lovelife niya at meron ba akong rights to give him advices? Baka sabihin niya pakielamera ako.
Bahala na sabi ko sa sarili ko basta itetext ko siya dahil alam ko kailangan niya ng kaibigan sa ganitong pagkakataon. Kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at nag type na.
Me : Hi! kamusta ka?
Nag antay ako ng reply niya pero wala pa rin. Naisip ko baka busy sa work kaya hindi pa niya nababasa ang text ko kaya nagpatuloy pa rin ako sa pag aantay tutal naman walang assignments para bukas. After 30 minutes ay nakatanggap ako ng text. Pag silip ko ay si Joshua na.
Joshua: Pasensya na kung ngayon lang ako nagreply kasi may kausap ako sa telephone kanina.
Me : Ah ganun ba. Okay lang yun. Wala ka sa work?
Joshua: Wala ako pasok ngayon e day off ko. Kausap ko kasi si Hanna kanina: (
Pagkakita ko ng sad emoticon sa text niya na alam kong girlfriend niya yun or should I say ex-girlfriend kahit na hindi ko naman talaga alam true name nung babae. Nag reply ako sa kanya.
Me : Anong nangyari? Baka lang gusto mo mag share para man lang mawala yang sad emoticon na yan sa text mo.
Joshua : Salamat :) Hindi mo naman ako kailangan damayan sa problema ko.
Natuwa ako kasi may smiley na siyang masaya sa text niya. Alam kong kahit papaano sumaya siya. .Pero at the same time nalungkot ako kasi parang ayaw niyang damayan ko siya sa problema niya. Nagreply pa rin ako sa kanya.
Me : Walang problema sa akin yun pero as your friend gusto kita damayan.
Joshua : Kakahiya naman kasi pero sige if you insist. :)
May happy smiley na naman kaya napangiti ako ng sobra sobra umabot na hanggang likod ng tenga ko yung ngiti ko. Kahit na alam ko na yung dahilan ng break up nila ay tinanong ko pa rin siya.
Me : Thanks. So anong nangyari?
So ayun nga tama nga yung pinagusapan nila Erin sa dahilan ng break up nila Joshua at Hanna. Naikwento niya sa akin na madalas daw sila mag away ni Hanna kasi minsan buong araw siyang hindi man lang nagkakatext or usap man lang sa telepono kasi nga sa schedule nila pareho sa work hindi magkatugma. Kaya si Hanna nagagalit dahil hindi daw gumagawa ng paraan si Joshua na magka time sa kanya. Laging si Hanna lang ang gumagawa ng ganun para may communications pa rin sila. At si Hanna ang nakipag hiwalay sa kanya.
Kinausap niya si Hanna na bigyan siya ng chance pa para makabawi pero ayaw na nito kay Joshua. Kahit masakit ay tinanggap na lang niya ang gusto ni Hanna. Ayaw naman daw niyang ipilit sarili niya sa ayaw na sa kanya. Sinabihan ko na lang siya na tama ang ginawa niyang wag ng isiksik pa ang sarili niya dun. Na sa work na lang muna ang focus niya. Isipin na lang niya na may rason kung bakit sila naghiwalay. At makakahanap naman siya ng babaeng makakaintindi sa sitwasyon niya.
Nadako din ang usapan namin about sa family niya. Meron siyang bunsong kapatid na babae na nasa elementary. Wala na siyang ina dahil namatay ito sa sakit at ang ama naman niya ay may iba ng pamilya. Doon na sila nakatira sa bagong step-mother niya. Naging madalas na kami magtext sa isa't-isa at hindi na laging sa gm lang kundi direct text na.
Marami na akong nalaman tungkol sa kanya. Meron siyang banda dati at siya ang drummer pero marunong din siyang mag gitara. Marunong din siya kumanta. Gusto niya ang Paramore at nagpupunta din siya ng mga concerts. Sinabihan ko siya na kung pwede niya akong kantahan sa phone kasi gusto ko talaga marinig ang boses niya. Puro text at chat lang kasi kami nagkakausap. Pumayag naman siya pero saka na lang daw.
Text ko sa kanya, " Promise ha kakantahan mo ko. Mag promise ka: )."
Reply niya sa akin, " Yes Kim I promise. Tumutupad ako sa pangako kakantahan kita."
Napasigaw ako ng malakas at napayakap sa unan ko ng mabasa ko yun kaya napasilip na naman sa akin yung pinsan ko. Pag pasok niya ng kwarto ko ang laki ng mga mata niya na nakatitig sa akin. Nasisiraan na naman daw ako. Mukha daw akong nasasaniban ng masamang espiritu. Pero natawa siya ng mag peace sign ako sa kanya. Hindi ko talaga mapigilan yung saya at kilig na nararamdaman ko. Parang any moment eh mahihimatay na ko. Kung nakamamatay lang ang kilig siguro nasa langit na ako ngayon. Mamamatay ako ng nakangiti na parang baliw.
BINABASA MO ANG
Chat Online (On-going)
RomanceMakakahanap ka ba ng totoong pag-ibig sa chat kahit alam mong may possibility na hindi naman. Paano kung may nakilala kang magugustuhan mo?