∞∞
Maaga ang pasok ko sa school pero dahil nag chat ako at nag basa ng libro kagabi ay na-late ako ng gising. Hindi ako gumagamit ng alarm clock kahit noon pa kaya ang Lola ko ang gumising sa akin since maaga talaga sya nagigising. Kinalabit ng paa nya yung paa ko kasi nahihirapan na sya yumuko dahil matanda na rin sya kaya ganun nya ko ginising. Agad ko namang naramdaman yun kaya pagkadilat ng mga mata ko ay tinanong ko sya kung anong oras na.
"Alas syete na kaya tumayo ka na dyan. Ang bagal mo pang kumilos late ka na."
Dali-dali akong tumayo mula sa higaan ko, naligo at kumaen. Habang nakasakay ako sa fx taxi ay naisipan kong mag online muna sa www.chatsite.mobi kung saan ako nag sign-up kagabi. Napansin kong maraming nag add sa akin lahat sila inaccept ko dahil yun naman talaga
dahilan ko makausap ng mga tao at magkaroon ng kaibigan although may mga friends naman ako kaya nga lang mga classmate ko sila kasi sa kapit-bahay namin ay wala naman akong ka-close kasi hindi rin naman ako palalabas.Pag tingin ko sa daan ay nakalagpas ako kaya pumara agad ako nang dahil sa busy ako kakaaccept ng friend request hindi ko ito namalayan. Pagkatapos ng klase ko sa hapon ay nag online na ko sa bahay. May nakita akong gwapo na chatter kaya inadd ko syempre. Hindi na sya lugi kasi maganda din naman ako noh!
Ini-scan ng mga mata ko yung profile nya inuna ko yung profile picture nya, maputla ang complexion nya, may eyeliner na black ang mga mata nyang nakakaakit, naka-pierce yung ilalim ng lips nya at nakapaint ng black yung nails nya. Well, gwapo naman sya kahit may pagka-goth hindi man ganon ang type ko kasi yung tipo ko yung may pagka badboy type, cute and even with tattoos. I find sexy kasi if there's tattoo like my ex-boyfriend si Jasper. Hindi ako mahilig mag compare sa mga ex ko huh in-example ko lang sya bakit ba!
PS
ganito yung type kong lalaki hihi -------------------------------->>>
pakitignan na lang sa right side...------------------------------->>>
BINABASA MO ANG
Chat Online (On-going)
RomanceMakakahanap ka ba ng totoong pag-ibig sa chat kahit alam mong may possibility na hindi naman. Paano kung may nakilala kang magugustuhan mo?