CHAPTER 4: INNA'S NEW BEGINNING

0 0 0
                                    

~YEAR 2006~


"SINUNGALING."

Sambit ni Inna saka ini-lock ang pinto ng silid.

Naupo siya sa kama niya saka humikbi-hikbi. Dalawang taon niyang nakasama si Gale. Nangako sila sa isa't-isa na hindi sila maghihiwalay.

"Sabi mo kahit anong mangyari hindi mo 'ko iiwan. Ang sabi mo sabay tayong aalis dito sa ampunan" pagmamaktol niya saka naiinis na napalingon sa nakasabit na lata sa bintana.

Napansin niyang gumagalaw 'yon kaya siguradong gusto siyang maka-usap ni Gale.

Lumapit siya sa bintana at itinapat ang lata sa tainga niya.

"...alam kong galit ka but I swear Shalinna I don't want to leave you here. Pero it's my Papa. Kung hindi ako aalis, hindi ko na siya makakasama habang buhay. Promise Shalinna, babalikan kita---"

Hindi niya na narinig ang iba pang sinasabi ni Gale dahil kumuha siya ng gunting saka mabilis na ginupit ang lubid na naka-konekta sa lata.

Pagkatapos niyon ay nakarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pinto pero hindi niya 'yon pinansin. Umiyak lang siya ng umiyak hanggang sa makatulog siya at paggising niya, sigurado siyang nakaalis na si Gale.

Simula nang araw na 'yon, hindi na sila ulit nagkita. Galit man, araw-araw pa rin siyang naghihintay ng Gale na babalik para sa kaniya.

Pero lumipas na ang isang taon ay wala pa ring Gale na dumarating para balikan siya.

Hawak-hawak ang lata na dati'y gamit nila ni Gale para makapag-usap, naupo siya sa tabi ng bintana kung saan siya madalas pumuwesto noon.

Ilang minuto pa siyang nakatitig sa lata nang may kumatok sa pinto.

"Shalinna? Shalinna?" rinig niyang tawag ni Sister Lara sa kaniya.

Tumayo siya saka binuksan ang pinto. Tumambad sa kaniya si Sister Lara at si Ate Demi.

Nakilala niya si Ate Demi a year ago nang mag-volunteer ito sa ampunan. Kaka-alis pa lang noon ni Gale at si Ate Demi ang unang taong kinausap niya.

"Gusto kang makausap ng Ate Demi mo, okay lang ba?" masuyong tanong sa kaniya ni Sister Lara.

"Okay lang po, Sister Lara" sambit niya saka tumingin kay Ate Demi.

"Pasok ka po, Ate Demi" saad niya at tipid na ngumiti.

Nagpaalam naman si Sister Lara at iniwan silang dalawa. Pumasok si Ate Demi sa kwarto at parehas silang naupo sa kama niya.

"Ano pong pag-uusapan natin Ate Demi?" tanong niya.

"Ahm, ang totoo kasi niyan Inna, a-alis na ako" malungkot nitong sabi.

Akmang hahawakan ni Ate Demi ang kamay niya pero agad niya 'yong inilayo.

"Sandali, makinig ka muna sa'kin Inna." paki-usap ni Ate Demi saka hinuli ang mga kamay niya.

"Umalis ka na! Umalis ka na!" sigaw niya habang nagpupumiglas.

Sisigaw pa sana siya uli pero naunahan siya ni Ate Demi.

"Hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama" sabi nito na siyang ikinatigil niya.

Nakatulala lang siya kay Ate Demi at maya-maya ay namalayan na lang niya ang pagtulo ng luha niya.

"Ate Demi..." sambit niya.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Sa pangalawang pagkakataon, nabuhayan siya at namutawing muli ang pag-asa sa kaniya.

"Hindi ko man maipapangako sa ngayon pero sisiguraduhin kong sasama ka sa'kin. Hinding hindi ako aalis sa ampunang ito nang hindi sila napapapayag na ako ang maging foster parent mo" sabi ni Ate Demi kaya sinugod niya ito ng yakap.

"Thank you Ate Demi! Thank you!" masayang masaya niyang sabi habang mahigpit na yakap si Ate Demi.

"Simula ngayon, sanayin mo na ang sarili mo na tawagin akong Mommy" nakangiting sabi ni Ate Demi sa kaniya.

"Mommy..."

"MOMMY!" sigaw niya saka tumakbo para salubungin si Demi sa gate ng ampunan.

"Ano, Mommy? Uuwi na po ba tayo?" excited niyang tanong.

Lumuhod si Demi para mapantayan siya saka hinawakan ang magkabila niyang balikat. Halata ang pagod sa mga mata nito. Isang buwan na rin kasi nitong inaasikaso ang mga papeles niya.

"Hindi pa rin sila pupumayag, Inna. Ang sabi nila, hindi raw kita puwedeng alagaan kung wala akong asawa. They said you needed a father figure. They said a complete family is the only deserving to foster you" pagpapaliwanag ni Demi.

"No! No! Ikaw lang ang kailangan ko, Mommy. I don't need a father! I don't want a father!" pagwawala niya.

"I know. I know. Nangako ako 'di ba? Nangako ako na kukunin kita kaya 'yon ang gagawin ko. You just have to be patient because this is not an easy fight" pagpapakalma sa kaniya ni Demi.

And as what Demi promised, after few months, napapayag din nila ang husgado at ang mother superior na si Demi ang maging foster parent niya hanggang sa makahanap ang ampunan ng aampon sa kaniya.

"And all I need to do is to pray that no one will adopt me. Kapag walang nag ampon sa'kin, ibig sabihin mananatili ako sa pangangalaga ni Mommy" pagka-usap niya sa sarili niya.

Nasa gate siya ngayon ng ampunan at hinihintay si Demi na kausap naman si Sister Lara. Kanina pa hindi mabura ang ngiti niya dahil excited na siyang makita ang bahay ni Demi.

Maya-maya pa ay lumapit sa kaniya si Demi at si Sister Lara.

"Magpapakabait ka, ha? Huwag mong pasasakitin ang ulo ni Demi" sabi ni Sister Lara.

"Mamimiss ko po kayo, Sister Lara" sambit niya saka niyakap ito.

"Mamimiss din kita, Shalinna" sagot ni Sister Lara saka inihatid siya palapit sa kotse na sasakyan nila paalis.

"Sige ho Sister Lara, aalis na kami" pagpapaalam ni Demi.

"Mag-iingat kayo!" sabi ni Sister Lara saka kumaway.

Sumakay si Inna sa passenger seat at nang maisara ni Demi ang pinto roon ay umikot ito at naupo naman sa driver's seat.

"Ba-bye Sister Lara! Mami-miss ko po kayo!" sigaw niya.

Kumaway pa siya kay Sister Lara mula sa bintana ng passenger seat bago tuluyang magmaneho si Demi. At habang nasa biyahe ay masaya silang nagkukuwentuhan ni Demi at paminsan-minsan ay pinag-uusapan nila kung ano-ano ang mga bagay na gagawin nila sa mga sususnod na araw.

"Mommy, thank you po talaga. Sobrang bait mo po sa'kin. Napaka-suwerte ko po dahil nakilala ko kayo. Kung buhay po si Mama, siguradong magkakasundo kayo kasi mabait din po siya tulad mo" tipid ang ngiting sabi niya.

"Kung nasaan man ang Mama mo ngayon, alam kong masaya siya dahil nakikita niyang masaya ka" sabi naman ni Demi.

Ngumiti siya kay Demi saka humilig sa bintana. Pinagmamasdan niya ang mga puno na nadadaanan nila. Hindi niya alam kung saan ang bahay ni Demi pero base sa tinatahak nilang daan, hindi ito sa siyudad nakatira.

Wala na siyang natatanaw na mga matataas na gusali kung hindi puro mga puno at sa malayo ay tanaw ang mga bundok.

"Mommy, saan po bang lugar ang pupuntahan natin? Wala na po ba tayo sa Maynila?" curious niyang tanong.

"We're going to Baguio. Doon mo sisimulan ang bagong buhay mo, Inna" sagot nito.

"Talaga po, Mommy? Wow! Pupunta tayo sa Baguio? Yehey! Yehey!" masayang masaya niyang sabi na kulang na lang ay magtatalon siya sa loob ng sasakyan.

Kapagkuwan ay nakangiting bumaling siya kay Demi.

"Pagdating po natin sa bahay niyo, ipagluluto po kita, Mommy" masayang sabi niya.

Demi chuckled at bahagyang ginulo ang buhok niya.

"Sige ipagluto mo 'ko. But it's bahay natin, Inna. Because from now on, ang bahay ko ay bahay mo na rin" nakangiti nitong tugon sa kaniya kaya naman nanubig ang mga mata niya.

"Thank you po, Mommy. Love love po kita" sambit niya saka suminghot-singhot.

"Love love din kita, Inna"

~•~•••~•~
LoeyBlueBillie

Femme: Life of Inna FreyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon