CHAPTER 2: INNA'S BEGINNING

0 0 0
                                    

~11 years later: YEAR 2000~


"MS. MARIANO"

The doctor called, pertaining to Kriselda. Napagdesisyonan niyang magpa-check up kaya nandito ngayon ang personal doctor ni William.

Ilang linggo na kasi siyang inuubo dahil palagay niya ay nahawa siya kay William. Ilang linggo na rin kasi itong tinatrangkaso.

Ayaw naman niyang mahawaan ang anak nila kaya naman minabuti niya ng tumawag ng doktor.

"Base sa mga tests na isinagawa ko kahapon, isa lang ang nagpositibo. I want you to be brave, Ms. Mariano, and as long as I hope that it's not true, but the results itself prove it. Sad to say but you and Mr. Freyer are HIV positive"

Wala sa sariling napalingon siya sa dalawang taon niyang anak na naglalaro sa tatami mat.

"S-Sigurado ba 'yan?" tanong niya.

"Tatlong beses ang ginawa kong test nang magpositive ang unang result. But like the first test, it all ended up postive" sagot ng doktor na nagpanginig sa mga kamay niya.

Hindi niya alam kung paano ikukubli ang takot lalo na nang lumabas ng kwarto si William. Hindi na rin niya napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha niya.

Nang gabi ring 'yon, matapos niyang patulugin si Inna ay kinausap niya ng masinsinan si William.

"What now?" nanghihina niyang tanong.

"I...ahm--I'm sorry" wika ni William kaya nag-angat siya ng tingin.

"Sorry? Para saan pa? Sorry dahil hinawaan mo ako ng sakit mo? Sorry dahil wala ng kasiguraduhan ang buhay nating dalawa at maiiwang mag-isa ang anak natin? Ganoon ba?" hindi niya napigilang isumbat dito.

"We can fight this together, Kriselda."

Tiningnan niya si William. Pigil niya ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo mula sa mga mata niya.

"Fight? William, do you know how many people die from HIV? Katiting lang ang nakakaligtas sa sakit na 'to. Paano kung parehas tayong mamatay, ha?!" she frustratedly exclaimed.

"That's why we have to fight! We have to be strong and overcome it for our daughter. Damn it! I don't want her to grow up alone, you understand?" sikmat nito sa kaniya na nagpatulo ng tuluyan sa mga luha niya.

Our daughter...he finally said it.

Napahagulgol siya dahil doon. Sa dalawang taon na kasama ang anak nila, ngayon lang 'yon sinabi ni William. This is the first time he claimed Inna as their daughter. As his daughter.

Weeks have passed and Kriselda thought that the medication was making them better. They're undergoing to a rehabilitation and that's supposed to help them. Pero kahit sumasailalim sila sa gamutan ay lumala ang sakit ni William.

Unti-unting nanghina ang katawan nito kaya kinailangan itong ipadala sa ibang bansa kung nasaan ang mga kamag-anak nito. Ilang buwan pa ang lumipas, dahil na rin sa mag-isang kinakaharap ni Kriselda ang sakit niya at ang pagiging ina kay Inna ay lumala rin ito.

Her case got worse and worse until she's already having hallucinations. She started hearing things. But despite of that, she never failed to be a mother to Inna.

Not until William's cousins came and said that William is dead. It's time for them to grieve, they were supposed to mourn for William's death, but his cousins mercilessly kicked them out of the house.

"Huwag kang mag-alala, Inna. Hindi ka papabayaan ni Mama"

At dahil wala namang ibang kamag-anak, napagpasiyahan niya na bumalik sa dati nilang bahay. Laking gulat niya ng makita ang kalagayan ng bahay nila. Nagtanong-tanong siya at napag-alaman na matagal ng wala roon ang tatay niya.

Femme: Life of Inna FreyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon