~YEAR 2017~
"SHE WAS RAPED AND MURDERED"Paninimula ni SPO2 Santos. Naupo naman sa tabi niya si SPO1 Rivera saka hinawakan ang kamay niya. Si SPO1 Rivera ang police na tumawag sa kaniya at si SPO2 Santos naman ang mamumuno sa imbestigasyon.
Nagising na lang siya kanina sa police station. Hindi niya nga alam kung bakit dito siya dinala nang mawalan siya ng malay imbes na sa ospital.
"6 men raped her and then they beat her up afterwards. Hindi kinaya ng katawan ng biktima ang pambubugbog. Her bruises caused blood
clots---""That's not what I wanna hear" seryoso niyang putol sa sinasabi ni SPO2.
"Sino ang mga nang-rape sa kaniya?" tanong niya.
Hindi nakatakas sa paningin niya ang pagtitinginan nina SPO1 Rivera at SPO2 Santos. Para bang nag uusap ang dalawa sa pamamagitan ng mga tingin. And she felt something wrong about that.
Sa tinginan nang mga ito ay mukhang meron itong itinatago sa kaniya.
Kapagkuwan ay may lumapit sa kaniyang medyo may edad na lalaki. Naupo rin ito sa tabi niya kapagkuwan ay tinapik-tapik siya sa balikat.
"Nakikiramay ako, hija" sambit nito.
Hindi naman niya ito pinansin at nanatiling tahimik.
"I'm Senator Markus Allejo. I'm here to help you" dagdag pa nito.
At dahil sa sinabi nito ay napatingin siya rito. She looked at him like she's memorizing every part of his face and then she stood up.
"Saan po ang CR?" tanong niya kay SPO1 Rivera.
"Samahan na kita" alok ni SPO1
"Hindi na po, okay lang" pagtanggi niya at naglakad na matapos nitong ituro ang daan.
Pumasok siya sandali sa banyo pero agad ding lumabas. Nang makitang abala ang mga pulis sa pagka-usap sa Senador ay mabilis siyang tumingin sa taas.
Hinanap niya ang CCTV camera saka umakto ng normal. Agad siyang pumasok sa isang office at nang makita niya ang pangalan ni SPO2 Santos sa mesa ay lumapit siya roon at hinanap ang files tungkol sa kaso ng Mommy niya.
Nang makuha 'yon ay inilagay niya 'yon sa bag niya at dali-daling lumabas.
Lumapit siya kina SPO1 na kausap pa rin si Senator Allejo.
"I'm going home" pag-interrupt niya sa pag uusap ng mga ito.
"Let me give you a lift, hija" the Senator offered but she immediately refused.
"I actually have my mom's car with me. I'll go ahead" sabi niya saka umalis na sa police station.
After that, she spend her day alone. Crying her heart out, hoping for someone to wake her up in this dream. Hoping that when she wake up, everything is fine and nothing happened.
And then she remembered her Mommy Demi so she decided to stand up and take care of everything. May ilan namang nag-assist sa kaniya para mabigyan ng maayos na burol ang kaniyang Mommy.
3 days have passed. There are only few people in the chapel where the funeral was held. Hindi rin siya umalis dito simula nang unang araw ng burol.
Her mommy needs her, she thought.
Sa tatlong araw na 'yon ay hindi na nagpakita ang mga pulis. Araw-araw namang may padalang bulaklak so Senator Allejo. May iilan ding nagpunta sa unang araw ng burol na hindi naman niya kilala. Isa na rito ang anak ni Senator Allejo na si Gio Allejo. 23 year old na binata na hindi niya alam kung bakit dumalaw sa burol.
"Shalinna Freyer?" rinig niya mula sa boses ng isang babae.
Tumingin siya rito pero nanatiling seryoso ang mukha niya.
"I'm Kate Robinson and this is my husband" pagpapakilala nito.
"I'm James Robinson. I'm your father's lawyer"
Nagulintang ang pagkatao ni Inna nang marinig ang sinabi nang lalaki. Tama ba siya ng dinig? Her father's lawyer?
"We are looking for you for many years now, Ms. Freyer" sambit ng babaeng nagpakilalang si Kate.
"Looking for me? What for?" tanong niya.
"We are here to give you the life that Mr. Freyer's relatives took from you"
Lalo siyang naguluhan sa mga sinabi nito. And then Mr. and Mrs. Robinson told her everything. That before her father died, he left his last will to Mr. Robinson and when Mr. Robinson came in the Philippines, Inna and her mother Kriselda was no longer in the house of her father because they were kicked out by her father's cousins.
And they found her because of her scandal.
What a great way to find her. Mukhang gusto talaga siyang baliwin ng tadhana. And to be honest, malapit na. Malapit na siyang mabaliw. She can't take it anymore. All that happened to her, all the people who hurt her, who took away something from her, and those who left her. Everything. Everything is mixing up in her mind.
So now, while standing at the rooftop of a building near the cemetery, she was thinking of everything. Iniisa-isa niya sa isip niya ang mga nangyari at ang mga taong dahilan nito.
First, Krisanto Mariano, her grandfather who first molested her mother at ibinenta ito sa Papa niya.
Tapos si William Freyer, ang Papa niya na hinawaan ng sakit ang Mama niya. Sakit na nakuha nito dahil sa pambababae.
And there's her father's relatives who kicked them out.
Then Gale. Ang unang lalaking pinagkatiwalaan niya but then left her.
Si Kel Santos. Ang gagong 'yon na muntik na siyang gahasain.
Pagkatapos ay si Andre De Vera. Na sobra niyang minahal but ended up ruining her by their scandals.
Siyempre lahat ng nambastos at nang-api sa kaniya.
At panghuli ay ang anim na nambaboy at pumatay sa Mommy niya.She could name theme all. And she already marked all their names on her mind and heart.
"And I swear that one day, one day I will make all the tables turn. I will make you taste your own shits, bastards" she whispered and clenched her fists.
"Inna, let's go!" pagtawag ni Kate sa kaniya.
Kakalibing lang sa mommy niya at nasa rooftop sila ngayon ng building malapit sa sementeryo. Hinihintay nila ang ang helicopter na ngayon ay kadarating lang.
"Are you ready to leave the old Inna here in Baguio?" tanong ni Kate nang makasakay sila parehas sa helicopter.
"More than ready. For my Mama and for Mommy Demi" she said then her gaze sharpened.
She clenched her fist once again then she took a deep breath.
"Wait for me, assholes. I'll make you pay for everything" she uttered one last time.
INNA gasped for air and opened her eyes. Hinihingal na pinunas niya ang pawis sa noo at saka tumingin sa digital clock sa bed side table.
She yawned and went out of her bed. Lumabas siya ng kuwarto saka bumaba para magtimpla ng kape. Wearing her sweatpants and tank top, she went to the gym in her house to exercise.
She's listening to Bad Guy of Billie Eilish when her phone rang.
It's a call from an unknown number but she answered it anyway.
"Hello, is this Miss Shalinna Freyer?" tanong nito mula sa kabilang linya.
"Who's this?" iritado niyang tanong.
"Ahm Miss Shalinna, I am assigned for the new project, I just wanna ask if when are we going to meet you?" tanong muli ito na siya namang ikinainit ng ulo niya.
"Is that my fucking job? If you wanna know my schedule, ask my secretary. God! And oh, don't call me Shalinna. My name's Inna. Inna Freyer. Not goddamn Shalinna!!" she exclaimed and hang up.
Nang matapos mag-exercise, nag agahan siya at naligo. Pagkabihis ay iritadong lumabas na siya ng bahay. She's walking towards the gate of her house when she heard someone. A very annoying someone. And that someone shouted her name... again.
"Inna!"
Ugh! here he go again...
~•~•••~•~
LoeyBlueBillie
BINABASA MO ANG
Femme: Life of Inna Freyer
Genç Kız EdebiyatıIngredients of a woman: Heart, Mind, And Beauty. Ang babae, hindi lang dapat puro ganda. Hindi lang puro talino. Pero hindi rin naman dapat puro puso ang pinapairal. Women must have a heart, mind, and beauty in order to face the cruelty of the world...