Naihly POV
Dalawang taon na ang nakakalipas simula ng mamatay si Yhunie.Nalaman namin lahat ng nangyari.Aaminin ko kahit na pinsan ko si Nathaniel ay nagagalit ako sa kanya.
Pati narin sa Alison na iyan.Kung hindi dahil sa kanya hindi sana mang yayari ang lahat ng ito.
"Kayo kasi ang may kasalanan nito." sabi ko sa kanilang dalawa.Mag kaka sama kasi kami ngayon.Oo pati si Alison.Si Nathaniel kasi ay fiance na niya si Alison.
Oo tama kayo ng nabasa si Nathanile ay fiance niya si Alison.Pano nangyari yun? Mahabang kwento.
"Bakit naman namin naging kasalanan ni Nathaniel?." tanong ni Alison."Tanga ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi." sagot niya."
Hindi naman pala eh.Alam mo kung bakit niyo naging kasalanan? Simple lang.Nilalandi mo kasi si Nathaniel nun.Kaya nangyari ang lahat ng ito." sabi ko sa kanya.
Bigla akong sinampal ni Alison."Ano masaya kana? Kasi wala na si Yhunie." sigaw ko sa kanya at umalis.
"Saan ka pupunta Naihly?." tanong sa akin ni Lhoraine.
"Pupunta ako sa puntod ni Yhunie." sabi ko sa kanya at umalis na nang tuluyuan.
Mas gugustuhin ko pang kausapin si Yhunie kahit na patay na siya kesa naman sa malanding Alison na yun.
Pag dating ko sa puntod niya ay umupo ako at nag simulang tumulo ang mga luha ko.
"Yhunie bakit mo kami iniwan? Sana ikaw ngayon ang fiance ni Nathaniel hindi yung malandi na yun.Pero nangyari ang lahat kaya wala na akong magagawa.Pero sana hindi mo na lang kami iniwan.Simula kasi ng mawala ka lagi na naming kasama yung demonyong babae na yun." sabi ko sa kanya at umiiyak parin ako hangganv ngayon.
"Ang daya daya mo.Ang saya saya na natin pero iniwan mo parin kami.Sana lumaban ka para kasama ka pa namin ngayon." sabi ko sa.kanya.
Pinunasan ko na ang mga luha ko at nag bitaw ako sa kanya.ng isang malawak na ngiti.Napansin kong may nakatingin sa akin kaya tumingin din ako sa kanya.
Y-yhu-unie ikaw ba yan?Biglang may tumawag sa kin kaya humarap ako doon sa tumawag sa akin.Pag tingin ko si Lhoraine pala.
Binaling ko ulit yung ulo ko doon sa babae pero pag baling ko wala na yung babae.
Si Yhunie kaya iyun? Kamukha niya ito? Pero di kaya minumulto na ako ni Yhunie kasi puting damit ang suot ng babae nayunPero baka guni guni ko lang iyun.Nakita ko na lang na katabi ko na pala si Lhoraine.
"Bakit ganyan ang itsura mo? Parang nakakita ka ng multo diyan." sabi sa akin ni Lhoraine.
"Hindi wala lang ito." sabi ko sa kanya.
"Bakit ka nandito?." tanong ko sa kanya.
"Nag kakagulo kasi sila doon pag kaalis mo kaya sinundan kita dito.Ayoko rin naman doon."
sabi niya habang nakatingin sa puntod ni Yhunie."Namimiss ko.na siya.Gustong gusto ko na siyang yakapin ulit." biglang dugtong niya.
"Ako rin naman." sabi ko sa kanya at wala nang nag salita pa sa amin.
Makalipas ang ilang oras ay nag pasya na kaming umuwi kasi dumidilim na.Humiwalay na ako sa.kanya at umuwi na.Habang nasa sasakyan ako may nakita akong nasa gilid ng katabi kong upuan.
Kinuha ko iyun at tinignan ko.Wait lang kwintas ito ni Yhunie ha.Panong nandito ito.Nag drive lang ako hanggang sa makauwi sa bahay.
Hindi ako pwedeng mag kamali.Alam ko kasama na ito sa bangkay ni Yhunie.Pero bakit nandito ito?Kailangan kong makausap si Lhoraine at itanong ito sa kanya.
YOU ARE READING
The Nerd In Disguise
Mystery / ThrillerHindi lahat ng nerd ay mahihina yung iba nagpapanggap lang pero bakit? What if her identity will revealed? babalik paba siya sa dati niya?