44

324 10 0
                                    

Miesha POV

Tatlong araw na siyang natutulog pero hanggang ngayon ay hindi parin siya gumigising.Pinauwi ko na muna ang mga Prince at Princess lalo na si Nathaniel.Lagi na lang kasi siyang nandito,nag babantay.Nakakaawa na kasi ang itsura niya wala ng maayos na tulog kakabantay kaya pinawi ko muna.Makalipas ang ilang oras.Tatayo na sana ako para lumabas ng may mag salita.

"A-ate M-miesha." tawag niya sa akin.Lumingon ako sa kanya at nakita ko ngang gising na siya.Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Gising ka na at tinawag mo na akong ate Miesha.Nakakaalala ka na." sabi ko sa kanya habang yakap yakap siya.

"Huh? A-ate tama na anf yakap masakit yung katawan ko." sabi niya sa akin na nahihirapan nga.

"Opps sorry.Namiss lang kasi kita ng sobra kaya ganyan ang yakap ko." sabi ko sa kanya.Nakita ko naman siyang ngumiti kaya nginitian ko din siya.

"Ate anong nakakaalala na ako?." tanong niya sa akin.

"Ay oo nga pala.Nawalan ka kasi ng alaala tapos ngayon lang bumalik ang alaala." sabi ko sa kanya.

"Ano? Nawala ang alaala ko? Ilang buwan?." sunod sunod na tanong niya.

"Apat na taong nawalan ka ng alaala." sabi ko sa kanya.

"Ano apat na taon?." tanong niya sa akinTumango na lang ako at hindi siya makapaniwala.

"May mga nawawala ba sa alaala?." tanong ko sa kanya.

"Ang huling naaalala ko na lang ay yung sa pag sabog sa isang warehouse.Iyun na lang ang huli kong naaalala." sabi niya sa akin

"Iyun na lang talaga ag huli nun.Kasi simula ng mangyari ang pag sabog na iyun ay doon ka na nawalan ng alaala." sabi ko sa kanya.

"Ate gusto ko na umalis dito.Gusto ko ng umuwi." sabi niya sa akin

"Hindi pa pwede.Kailangan mo munang mag pahinga." sabi ko sa kanya.

"Iuwi mo na ako.Sa bahay na lang ako pag papahinga." sabi niya sa akin.

"Hindi pwede Yhunie." sabi ko sa kanya.

"Sige na ate please." sabi niya.sa akin na nag mamakaawa.

"Sige kakausapin ko lang yung doctor at aalis na tayo." sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya at umalis na ako.Kinausap ko lng yunh doctor at nag bayad narin.Pinaayos ko na rin yung kwarto ni Yhunie sa bahay.Ano na kaya ang magiging plano ngayon ni Yhunie? May mga naiisip na ba siya ngayon? o hindi na niya ipag papatuloy yung mga pinlano niya dati.

Yhunie POV

Pag balik ni ate ay umalis na rin kami.Pag dating namin sa bahay ay nag paderetso na ako sa kwarto ko.Gusto konv makapag isip isip.Madami pa lang nangyari.Nawala ang din pala ang alaala ko.Biglang sumakit ang dibdib ko.Arrayy napakasakit.Parang hinihiwa sa sobrang sakit.Kinuha ko yung gamot ko sa drawer ng table ko.Habang hinahanap ko iyan ay nahiwa yung daliri ko doon sa nakausling pako.

Kahit na dumudugo ma yung daliri ko ay hinanap ko parin yung gamot.Kasi sumasakit parin yung dibdib ko.Nang makita ko na yung gamot ay may nakita din akong isang litrato.Kinuha ko muna yung gamot at saka ko ininom.Medyo nawala na yung sakit sa dibdib ko kaya kinuna ko muna yung litrato bago ko linisin yung sugat ko.

Pag kuha ko ay medyo luma na ito.Pero bakit parang ngayon ko pa lang ito nakikita.Picture namin tong tatlo nila kuya.Bakit ngayon ko lang ito nakita?.

May mga nakita din akong patak ng dugo doon pero bakas na lang ito.Matagal na siguro itong dugo na itoNapatakan ng dugo ko yung litrato at nag iba yung kulay nung napatakan ng dugo.May nakasulat doon sa napatakan na dugo.Ano naman kaya ito? Bakit naging ganto ang kulay nito? At bakit may nakasulat pa?.

Sa sobrang kainteresan ko ay pinatakan ko na ng dugo lahat ng litrato at nakita ko ang kabuuan nito.Ang dami niyang nakasulat at mukhang sa akin ito ibibigay dahil pangalan ko na lang ang natitira sa tatlong nakasulat dito kanina.Binasa ko ang nakasulat doon at galinh ito kay mama.Nang mabasa ko na ang lahat ay hindi ao makapaniwala sa mga nabasa ko.Totoo ba ang lahat ng ito? Totoo ba ang nakalagay at nakasulat dito?.

Nathaniel POV

Pag kagising ko ay nag ayos na ako para pumunta sa hospital.Nag paalam lang ako kila Mom and Dad at umalis na din ako.Pag dating ko sa hospital ay dumeretso na ako sa room niya pero wala na siya doon.Kaya lumapit ako doon sa nurse para mag tanong kung nasaan sila Yhunie.

"Nurse nasaan po yung pasyenteng nasa room 247?." tanong ko sa kanya.

"Umalis na po sila kahapon." sabi nung nurse.

"Kahapon? Sino kasama niya?." tanong ko .

"Hindi ko po alam eh.Basta umalis na po siya kahapon." sabi ng nurse.

Nag pasalamat na lang ako at saka umalis.Nasaan na kaya siya? Sino naman kaya ang kasama niya?Kasama niya kaya si Queen? Saan naman siya dadalhin ni Queen?.Dumeretso na lang ako sa kotse ko at aalis na sana ako ng may mapansin akong nakatingin sa likod ko.Kaya tinignan ko sa mirror kung sino yun.Pag tingin ko ay hindi ko nakita ang buong mukha niya dahil umalis siyakaagad.

P-pero kamukha niya si Alison.Siya kaya yun?.Pero bakit? Akala ko ba wala na siya?Hindi baka guni guni ko lang iyun.Ang dami ko lang talagang iniisip kaya gamun na lang ang mga nakikita ko.Pinaandar ko ma yung kotse at umalis na ako.Gusto ko ng preskong hangin.Mag papahangin muna ako para makapag isip isip kahit papano.

Alison POV

Akala niyo wala na ako noh? Akala niyo lang iyun.Dahil hindi namamatay ang isang katulad ko.Nasaksihan ko ang lahat.Simula ng mawala ang alaala ni Yhunie at hanggang sa bumalik na ito.Ito na yata ang panahon para sa akin.Ito na yata ang panahon para lumabas at mag simula na ako.Dahil panigurado may pinaplano ka na ngayon.Ikaw din pala ang Empress.Akala mo maloloko mo ako.

Hindi mo ako maloloko.Kaya kong malaman ang lahat dahil ganun ako kagaling.Uumpisan ko na ito at tatapusin ko na rin.Mag sisimula na tayo ulit at dito na ang katapusan nito.Ito ang pinakahinihintay ko.Dahil tignan natin kung ano ang mangyayari sayo kapag nalaman mo ang lahat.Gagawin ko ang lahat magulo lang ang buhay mo katulad ng magulang mo.Gagawin ko sayo kung ano ang ginawa namin sa magulang mo.

Alam kong nakita mo ako Nathaniel at may gumugulo na sa isipan mo ngayon.Nag iisip ka kung ako ba talaga ang nakita mo o hindiPlano ko ang lahat ng ito dahil uumpisan ko na ang planong meron ako.Uunahan na kita Yhunie para ako na ang mananalo at hindi ikaw.Magagawa ko na ang lahat kapag nangyari yun.Nalalapit na ang pag uumpisa at hindi na ako makapag hintay na mangyari yun.

The Nerd In DisguiseWhere stories live. Discover now