38

363 12 0
                                    

Azure POV 

Bakit Yhunie na lang ang sinasabi sa akin kapag nakikita nila ako? Hindi naman ako si Yhunie at saka sino ba si.Yhunie?Ang weird nila.Lalo na yung nakabunggo ko kanina.Pero pamilyar sa akin yung mukha niya.Saka yung mga kasama niya.Parang nakita ko na hindi ko lang maalala kung saan at paano.Pag dating ko sa room ay wala pa yung prof namin kaya ang swerte koAng sungit sungit kaya ng prof namin.Sarap sapaki eh. 

Ano ba yan? Kung ano ano na ang pinag sasabi ko.Hindi naman ako pala patol kaya ano na bang nangyayari sa akin.Madalas ko na itong mapansin.Yung kapag may nang aapi sa akin gustong gusto ko ng sapakin.Hindi naman ako pala away.Wala nga rin akong kaibigan kasi pangit daw ako.Naka nerd glasses kasi ako pero hindi naman ako naka brace.Pero tawag parin nila sa akin ay nerd.Ang pangit pangit ko daw.Kamukha ko daw si Betty. 

Habang nag lalakad ako papunta sa upuan ko ay may pumatid sa akin kaya nadapa ako.Nalaglag na naman ang gamit ko.Pangalawang beses na ito ha.Nakakainis na.Hindi ko na lang siya pinansin at pinulot ko na yung mga gamit ko.

Saka umupo sa upuan ko.Pag upo ko ay naramdaman kong parang basa sa bandang pwetan ko kaya tinignan ko iyun.Pag tingin ko.Nakakainis na talaga ha.Merong pintura yung upuan ko at kulay red pa ito nakakainis.Namumuro na talaga kayo sa akin ha.

 "Sinong may gawa nito?." galit na sigaw na patanong ko sa kanila.

 Lahat ng tumatawa kanina dahil sa may pintura ang palda ko ay natahimik.Lahat ng kaklase ko ay napatahimik dahil sa pag sigaw ko. 

"Inuulit ko.Sino ang may gawa nito?." tanong ko ulit sa kanila.

 Walang nag salita sa kanilang lahat ay yung iba ay hindi makatingin sa mata ko dahil sa takot siguro.Ano ba itsura ko kapag nagagalit? Nakakatakot ba ako? Ngayon lang kasi ako nagalit ng ganito. 

"Ahh wala talagang mag sasalita sa inyo ha." sabi ko a kanila 

"S-si T-trishia ang may gawa niyan." sabi ng isang kaklase ko na madalas din akong awayin. Nilapitan ko si Trishia at nanginginig naman siya sa takot habang papalapit ako sa kanya.

 "Namumuro ka na sa akin ha.Lagi mo na lang akong binubully.Naiinis na ako sayo." sabi ko sa kanya at saka ko siya sinapak sa mukha. 

Napahiga naman siya sa lapag at dumudugo na yung bibig niya.Ang lakas yata ng pag kakasapak ko.Tumalsik ka tuloy ngayon.Biglang may sumigaw kaya napatigil kaming lahat.

 "Anong kaguluhan to? Bakit mo sinapak Azure si Trishia?." tanong sa aking ng prof ko.

 "Siya po kasi ang nangunguna." sabi ko sa kanya. Narinig ko naman na lumakas ang pag hagulgol ni Trishia. 

"Tumayo ka diyan Trishia at sumama kayong dalawa sa.akin sa Principal Office." sabi ng prof namin. 

Tumayo naman si Trishia at sumunod na sa prof namin.Ganun din ang ginawa ko.Pag dating namin sa principal office ay pinaupo kami ng principal.Kaya umupo.namin kami. 

"Anong irerepory niyo?." tanong sa amin ng principal ng hindi tumitingin sa amin.Meron kasing ginagawa.

 "Nag karoon kasi ng pag kakagulo sa room at nakita ko na lang na sinapak ni Azure itong si Trishia kaya dinala ko na sila dito." sabi ng prof namin.

 "Bakit mo naman iyun ginagawa Azure?." tanong sa akin ng Principal at tuningin sa akin. 

"Teka Yhunie ikaw ba yan?." gulat na tanong sa akin ng Principal.Yhunie na.naman.Sino ba kasi yung Yhunie na iyu?. 

"Hindi po.ako si Yhunie.Si Azure po ako." sabi ko sa kanya. 

"H-hindi i-ikaw si Yhunie? Bakit mag kamukha kayo?." tanobg niya sa akin

The Nerd In DisguiseWhere stories live. Discover now