Yhunie POV
Nandito ako ngayon sa likod ng buildings.Dito ako kumakain.Ayoko dun sa canteen pinag bubulungan lang ako dun.
Dito kasi tahimik.Kaya mas masarap dito kesa doon sa canteen.
"Nandito ka pala."biglang may nagsalita sa likod ko.
Tumingin ako sa likod ko at nakita si Leimark
"Ikaw pala Leimark.Anong gingawa mo dito."tanong ko sa kanya.
"Gusto ko kasi ng tahimik na lugar kaya pumunta ako dito.Hindi ko naman alam na nandito ka pala."sabi niya.
"ahh."iyan lang ang nasabi ko sa kanya.
"Pwede ba akong tumabi sayo?."tanong niya
"Oo naman.Sino ba ako para tanggihan ka."Sabi ko sa.kanya
"salamat."sabi niya
Kalahating oras na kaming nakaupo dito pero walang nag sasalita sa amin.
Ang tahi tahimik naman.
"Bakit hindi mo yata kasama yung apat na itlog este yung apat mong kaibigan."tanong ko sa kanya.
Ano ba.naman yun Yhunie.Ano na lang sasanihin mo sa apat na iyun kapag nalaman nila na tinawag mo silang apat na itlog.yari ka tuloy ngayon.
"Hahahahahah."tawa niya.
grabe ang cute.niyang tumawa hindi nakakasawang titigan ang maganda niyang mukha.Ang kinis kinis.Iba talaga kapag mayayaman.
"Hoooo.Apat na itlog ang tawag mo sa kanila?."tanong niya.
"Oo pero huwag kang maingay baka magalit pa sakin yun lalo nayung siraulo niyong leader.Kala mo babae kung magalit."sabi ko sa kanya.
huwag kang magalala hindi ko sasabihin sa kanila yun." sabi niya na nakataas pa ang kanan niyang kamay.
Ang sarap mong kausap Leimark.
"Hoy bakit ka tawa ng tawa diyan."rinig kong tanong ng isang lalaki.Alam ko na kong sino to
"Wala lang." sabi ni Leimark kay Nathaniel.Nandito na yung apat na itlog.Sana naman hindi niya narinig yung huli kong sinabi.
"Kala ko pa naman chic yung kasama mo Leimark>"sabi ni Drake.
Babaero tagala itong lalaking to.
"Anong ginagawa mo ditong babae ka?."tanong sa akin ni Nathaniel.
Grabe din noh.Akala mo sa kanyang eskwelahan.Hindi naman.
"Bakit masama na bang pumunta dito.Eh bakit ikaw anong ginagawa mo dito?."tanong ko sa kanya
"Oh grabe pare hindi talaga nag papatalo sayo si Yhunie.Sa pag kakaalam ko siya palang ang babaeng nakakapag ganyan sayo."sabi ni Louie.
"Hoy manahimik ka nga diyan Louie at ikaw na babae ka.Hindi mo ba ako kilala ang kausap mo at kung makasagot ka akala mo close tayo."sabi niya sa akin pasigaw.
Bakla ba to.Kung makasigaw akala mo babae.Ang lapit lapit lang naman namin.
"Huwag po kayong mag alala kilala ko po kayo." sabi ko sa kanya.
"Kilala mo naman pala ako eh.Kung makasagot." sabi niya.
"Tumigil na nga kayo diyan parang kayong aso't pusa.Sa tingin ko kayo ang magkakatuluyan."sabi ni Austine.
"Yuck ano ba yang pinag sasabi mo ha Austine? Iyan makakatuluyan ko.Huwag na lang.Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa sa makasama at makatuluyan yan."sabi niya na dinuduro pa yung mukha ko
"Hoy unggoy for your information hindi ko rin gustong makasaka.Akala mo kung sino.Hindi naman gwapo.Kung ayaw mo sa akin pwes mas ayaw ko sayo."sabi ko sa kanya.
"Talaga AYOKO SAYO.Saka ano sabi mo hindi ako gwapo.Baka bulag ka lang.Ang dami daming nang kakandarapa sa aking mga babae tapos ikaw tatawagin mo akong unggoy.Nakasalamin ka pa naman . hindi mo pa nakikita yung kagwapuhan ko."sabi niya sa akin
"Sila nagwagwapuhan sila kasi malalabo ang mga mata nila.Ako hindi ang pangit pangit mo kaya."sabi ko sa kanya.
"Tumigil na nga kayo diyan.Sige na Yhunie umalis ka na baka mamaya masapak mo pa itong leader namin." sabi ni Leimark.
Umalis na ako doon.Akala mo kung sino.Bulag lang kasi ang mga babae dito kaya akala nila gwapo ka.
someone POV
Mahirap kang hanapin na babae ka ha.Magaling ka nag tago talaga hindi namin malalaman ha
Mapapatay din kuta.Kapag nakita ka na namin.Kaya mag pakasaya kana dahil malapit ka ng mawala sa.mundong ito.
YOU ARE READING
The Nerd In Disguise
Mystery / ThrillerHindi lahat ng nerd ay mahihina yung iba nagpapanggap lang pero bakit? What if her identity will revealed? babalik paba siya sa dati niya?