Naihly POV
Bakit ganun na si Yhunie? Tama nga si Nathaniel nag bago na siya.Ano rin ang ibig sabihin niya na dapat alam ko na iyun?
Ang dami dami na.ngang tanong sa isipan ko ay nadagdagan pa.
Paano ko makakausap si Yhunie niyan kung ganyan na siya.
Pupunta ako ngayon sa meeting room kasi merong sasabihin sa amin ang Principal.Babalik pa kaya sa dati si Yhunie? Pero kung siya talaga iyun.Paano siya nakaligtas? Bakit ibinalita sa patay siya?
Ano na ba talaga ang nangyayari ngayon? Ang gulo gulo.
Pag dating ko sa meeting room nandoon na sila.Umupo na ako sa tabi ni Lhoraine.
"Ano naman ang sasabihin mo sa amin at pinapunta mo kami dito?." tanong ni Allaine. (*yung kapatid po ni Alison*)
"Pinapasabi ng Queen na mag kakaroon kayo ng meeting bukas.At kailangan niyong pumunta lahat.Lalo na ang kapatid mo Allaine.Kailangan mo siyang papuntahin." sabi ng Principal.
"Paano po siya makakapunta kung ganun ang sitwasyon niya?" tanong ni Allaine.
"Sabi ng Reyna ay wala daw siyang pakialam.Ang mahalaga daw ay pumunta kayo kahit na anong dahilan pa yan." sabi ng Principal
"Iyun lang naman kaya maaari na kayong umalis." sabi ng Principal.
Nauna na akong lumabas sa kanila dahil gustong gusto ko nang umuwi at mag pahinga.Ano naman kaya ang sasabihin sa amin ni Yhunie? Mag kakaroon na naman ba ng gulo? Sana wala.
Pag dating ko sa bahay ay hindi muna ako pumasok dahil narinig kong may kausap sa phone si Mom.
"Nabalitaan ko na nandito na daw siya." sabi ni Mom
"Kailangan nating mag handa.Kailangan nating protektahan ang ating mga anak at hindi nila ito pwedeng malaman." sabi ni Mom.
Ano ang bawal naming malaman? Ano ang sinasabi ni Mom.
"Mom." tawag ko sa kanya.
Nagulat pa siya ng makita niya ako.Hindi niya siguro ito inaasahan."K-kanina k-ka padiyan?." bubulol bulol na tanong niya.
"Hindi po.Kararating ko lang po." sabi ko sa kanya.
"Ahh kumain ka na ba?." tanong niya sa akin
"Hindi na po ako kakain.Wala po akong gana." sabi ko sa kanya.
"Ahh sige mag pahinga ka na." sabi niya.
Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto.
Kailangan ko pang mag handa para bukas.
KINABUKASAN.
Nandito na ako ngayon sa school.Kumpleto narim kami ngayon sa meeting room.
Si Yhunie na lang ang hinihintay namin.
Bumukas na yung pinto at si Yhunie na ang dumating.
"Mabuti naman at nakarating kayong lahat.Lalo ka na Alison." sabi niya.
"Pinag uutos po iyun ng Reyna kaya.kailangan naming sundin." sabi ni Lhoraine.
"Good.Well kaya ko kayo pinapunta dito para sabihin sainyo na.hindi na kayo papasok sa room niyo.Dahil dito na kayo mag kaklase sa meeting room." sabi ni Yhunie.
"Bakit naman?." tanong ni Louie
"Dahil iyun ang pinag uutos ko at kailangan niyong sundin iyun." sabi niya sa amin.
"Dalawa ang magiging teacher niyo.Ang principal at ako." sabi niya.
"Ikaw? Wow kasing edad ka lang namin tapos ikaw ang mag tuturo sa amin.Nag papatawa ka ba?." tanong ni Alison.
YOU ARE READING
The Nerd In Disguise
Mystery / ThrillerHindi lahat ng nerd ay mahihina yung iba nagpapanggap lang pero bakit? What if her identity will revealed? babalik paba siya sa dati niya?