After 1 year.
Naihly POV
"Naihly bilisan mo naman diyan.Malapit ng mag simula ang kasal." sigaw sa akin ni Lhoraine.
"Oo ito na matatapos na." sigaw ko sa kanya sa labas.Nag bibihis kasi ako ng damit eh ako na lang ang hinihintay nila.Bagal ko kasi ehh.
"Ayusin mo yung pag suot ng damit ha para maayos at maganda kapag nakita yan ni Yhunie." sabi ulit ni Lhoraine.
"Oo." sabi ko ss kanya.Yes..yes..yes..Ikakasal na si Yhunie.Paano nangyari yun? Ikukwento ko.After 1year ay marami ng nangyari.Marami na ring pag babago.Mas maganda na ngayon at maayos.Kaya wala na kaming poproblemahin.Nasa mental na si Alison dahil nabaliw siya at nakulong na ang lolo nila Yhunie dahil sa lahat ng ginawa niya.At huli sa lahat ay patay na si Haru.Bakit? Paano?
Flashblack
at the hospital.Wala na kaming pag asa.Iyak lang ng iyak ang ginawa ko dahil sa nangyari.Hindi ko na alam ang gagawin ko.Tahimik kaming lahat ng biglang may mag salita sa amin.
"Ako ang mag dodonate sa kanya." sabi niya sa aming lahat.Tumingin ako sa kanya at ganun din kaming lahat.Napatahimik pa kami dahil sa sinabi niya.
"Ikaw? Mag dodnate sa kanya.Ehh diba nga isa ka sa may plano na gawan ng masama si Yhunie." galit na sabi ni Nathaniel kay Haru.Oo si Haru ang mag dodonate pero paano? Ehh wala ngang katulad na dugo si Yhunie dahil kakaiba siya sa aming lahat.
"Paano ka mag dodonate sa kanya eh hindi naman kayo mag katulad ng dugo?." tanong ko sa kanya.
"Oo isa ako sa kanila pero ng malaman ko na si Yhunie pala ang pinag hahanap nila at gagawan ng masama ay tumiwalag ako sa kanila.Dahil hindi ko kayang saktan ang taong mahal ko.Pero hindi na nila ako pinakawalan at ako ang ginamit nila para turukan ng huling ingridients.Dahil nag hahanap sila ng ibang tao pero wala silang mahanap kaya ako ang ginamit nila.Dahil parehong dugo namin Yhunie ang kailangan nila para mabuo nila ang formula na ilalagay nila kay Alison.Kaya ako lang ang pag asa ni Yhunie para mabuhay pa siya." sabi niya sa amin.
"Pero paano kung mamatay ka?." tanong ni Lhoraine sa kanya.
"Ayos lang.Mas gugustuhin ko pang si Yhunie ang mabuhay kesa sa akin.Kasi kung mawawala siya ay wala ng silbi pa ang buhay ko.Siya lang ang babaeng minahal ko kaya ibibigay ko ang lahat mabuhay lang siya." sabi ni Haru.At pag tapos niyang sabihin iyun lahat ay nag simula na silang ipasok sa ICU para kuhain na ang dugo ni Haru at ilipat kay Yhunie.Naging succesful naman ang lahat kaya lang namatay si Haru.
End of flashback.
Iyan ang nangyari lahat kaya laki ng pasasalamat namin kay Haru kasi dahil sa kanya ay nadugtungan pa ang buhay niya.
"Naihly hindi ka pa ba tapod diyan?." sigaw na patanong sa akin ni Lhoraine."Ito na malapait na,wait lang." sabi ko sa kanya.
"Bilisan mo malapit ng mag simula." sigaw niya ulit sa akin"Oo ito na." sabi ko at sabay labas.
"Wow ang ganda natin ha." sabi sa akin ni Miesha at oo close na kami."Ako pa ba." sabi ko ss kanya.
"Ikaw na talaga." sabi niya at sabay na kaming pumunta sa simbahan.Pag dating namin ay marami ng tao doon at mukhang excited na excited si Nathaniel sa kasal nila.
Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na si Yhunie at ang ganda ganda niya.Grabe sobrang ganda.Nakapunta na siya sa harapan at nag simula ng mag salita ang padre.Nag pangakuan lang sila sa isa't isa at nag kiss.Kinikilig ako.Pag tapos nilang mag kiss ay nag sigawan na ang mga tao at nag sitayuan.Ano kayang mang yayari sa kanilang mamayang gabi? Nakakaexcite.Pumunta lang kaming lahat ss reception at kumain.Nang mag gagabi na ay nag siuwian narin kami.
Yhunie POV
Natapos na ang lahat at mag kasama kami ngayon ni Nathaniel."Akala ko Yhunie wala na tayong pag asa na mag kakatuluyan tayo pero tignan mo kasal na tayo ngayon." sabi niya sa akin ng nakangiti.
"Oo nga.Akala ko nga rin ay hindi na ito mangyayari.Kaya ang laki ng pasasalamat ko kay Haru." sabi ko sa kanya.Tumango naman siya at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Sige na Nath.Mag lilinis na ako ng katawan para makatulog na tayo." sabi ko sa kanya.
"Tabi tayong matutulog?." tanong niya sa akin na may malokong mga ngiti.
"Oo at matutulog lang,walang iba." sabi ko sa kanya at umakyat na sa taas pra mag linis ng katawanPag tapos kong mag linis ay lumabas na ako at naabutan kong nakabihin na si Nathaniel at hinihintay niya ako sa kama.
"Oh bakit hindi ka pa natutulog?." tanong ko sa kanya.
"Himihintay kita." sabi niya."Bakit? Pwede ka namang matulog na hindi na ako hinihintay." sabi ko sa kanya.
"Hindi,gusto ko kapag natulog ako eh yung katabi na kita." sabi niya sa akin at saka niya ako hinila sa kama at nag kamali ako ng bagsak.Napapatong ako sa kanya.Matagal pa kaming nag katitigan at pag tapos nun ay hinalikan niya ako sa labi.At doon na nangyari ang lahat.
***After 10 years.
Ang tagal na pala simula ng ikasal kami ni Nathaniel at simula ng may mangyari sa amin.Meron na rin kaming anak ngayon at babae siya,9 years old na siya ngayon at masasabi kong kakaiba siya.
Iba rin ang kulay ng mata niya pero hindi katulad sa akin.Dahil ang kulay ng mata niya ay green na may halong red.Sabi ng mga doctor ay hindi nila malaman kung bakit mag kaiba ang mata namin.Pero pag dating sa ugali ay ibang iba siya.Napaka cold lang niya.Hindi namin siya nakikitang tumatawa kahit na saang bagay.Napakatahimik lang niya.
Hindi ko nga alam kung saan nag mana ang anak ko na iyan eh.Pero masaya ako sa buhay ko ngayon dahil kompleto kami at walang pinoproblema.Kahit na ganito ang anak ko ay masaya ako para sa kanya.Masaya ako sa buhay ko ngayon at wala ng makakagulo pa sa amin.Pero kung magiging katulad ko rin ang anak ko ay sana hindi niya mapag daan ang lahat ng pinag daan ko.Hindi niya maranasan lahat ng pag hihirap ko.Gusto kong mamuhay siya ng tahimik at masaya.
THE END
![](https://img.wattpad.com/cover/189365927-288-k910628.jpg)
YOU ARE READING
The Nerd In Disguise
Mystery / ThrillerHindi lahat ng nerd ay mahihina yung iba nagpapanggap lang pero bakit? What if her identity will revealed? babalik paba siya sa dati niya?